Lumina's Point of View
"Iñigo?"
Hindi ako makapaniwala. Nakatayo ngayon sa harapan ko si Iñigo.
"Lumina"
Tumakbo ako papunta sa kanya at sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap.
"I-iñigo. Akala ko hindi ka na gigising" saad ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Hinawakan naman niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya.
"Akala ko iiwan mo na ako. Huwag Iñigo. Please"
Hinalikan niya ang noo ko dahilan para mapangiti ako.
"Kailanman ay hindi ko gagawin iyon Lumina. Hindi kita iiwan"
"Lumina..."
Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko at tumatapik sa braso ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Primo na nasa tabi ko. Nakatulog na pala ako rito sa library.
"You are crying" nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kinapa ko ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata ko nang basa nga ito.
Shit. I cried?
"Did you have a bad dream?" alalang tanong niya.
Bad? No. That was not a bad dream. It was a good dream actually. Nakita ko roon si Iñigo. Kasama ko siya. Nakatayo siya sa harapan ko. Ang mga yakap niya, ang halik niya sa noo ko, those feel realistic to me. And how i wish it was true.
"Wala lang to" saad ko at kinuha na yung gamit ko. Hindi ko akalaing mananaginip ako rito sa library. Ganun na ba katagal ang tulog ko para mapanaginipan ko siya?
Pero kahit panaginip lang yun, panghahawakan ko yung huli niyang sinabi. Na hindi niya ako iiwan. Hihintayin ko ang paggising niya. Kahit abutin pa yun ng ilang taon. Maghihintay ako.
Niyaya ko na siyang lumabas ng library at sabay naman kaming umalis. Sa di kalayuan, nakita ko si Seth at si Valerie na magkasamang naglalakad. Nagtatawanan sila at mukhang nag-aasaran na namin silang dalawa. Pero nakita ko ang pasimpleng pag-inspect ni Valerie sa leeg ni Seth.
"Damn"
Nawala ang paningin ko kay Seth at Val nang marinig kong magmura ang katabi ko. Hawak niya ang phone niya at nakatingin siya rito.
"May problema ba?" bigla naman niyang itinago yung phone niya ikinakunot ng noo ko.
"Nothing" pinaningkitan ko siya ng mata at tumigil sa paglalakad.
"Primo hindi ako uto-uto. Ano yun?" hinawakan niya ang magkabilang braso at sapilitang pinaharap sa hallway kung saan kami naglalakad.
"Wala lang iyon" saad niya atsaka maingat akong itinulak para maglakad.
Pagpasok namin sa cafeteria, dumiretso naman na kami sa table kung nasaan si Gelo. Siya palang ang nandoon. Kasunod namin si Seth at Val. Ang wala na lang ay si Hans at Hannah.
Paupo na sana ako nang biglang pumasok si Hannah sa cafeteria. Lahat kami ay nagtaka nang makita namin siyang pawisan at hingal na hingal.
"Hannah anong nangyari?" tanong agad sa kanya ni Gelo at pumunta sa tabi niya para alalayan ito. Para na kasi siyang mahihimatay sa sobrang hingal.
"S-si H-hans" nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Nasaan si Hans?" naunahan na akong magsalita ni Primo.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.