Chapter Twenty Eight

252 8 0
                                    

Third Person's Point of View

Nagmamadaling bumalik ang tatlo sa Dark University matapos tumawag ni Gelo kay Lumina. Nanf makarating sila, dumiretso agad sila sa infirmary kung saan nila iniwan si Primo kanina kasama si Hans.

"Gelo!"

Napatayo naman si Gelo nang makita ang pagpasok ni Lumina sa infirmary. Maging si Hannah na katabi ni Gelo ay tumayo rin.

"Nasaan sila?" agad na tanong ni Lumina pagkapasok na pagkapasok ng infirmary.

"Hindi namin alam. Pagkarating namin ni Hannah dito, walang malay ang mga nurse at hindi na namin nakita si Primo at Hans"

Naiyukom naman ni Lumina ang mga kamao niya dahil sa galit. Naiinis siya dahil iniwan niyang mag-isa si Primo kasama ang kaibigan nito.

Sa kabilang banda, bakas ang pagkalito sa mukha ni Gelo nang makita niyang kasama nila Lumina sa Seth. Nagtataka siya dahil wala man lang itong kahit anong gapos at tanging ang putok na labi lang ang nakita niya.

"Anong ginagawa niya rito?" naguguluhang tanong ni Gelo at tiningnan si Seth.

"Bro? Pati ba naman ikaw?" nakangiwing sabi ni Seth.

"Pinaikot niya tayo Gelo. Hindi si Seth si Shadow" saad ni Valerie.

Kahit papaano, nakahinga nang maluwag si Valerie nang makumpirma nilang hindi si Shadow si Seth. Nagkaroon ng kapanatagan sa loob-loob niya dahil doon. Pero bago pa man ang lahat, malakas ang pakiramdam niyang hindi nga si Seth si Shadow at para siyang nabunutan ng tinik nang magkatotoo nga ito.

"Ibig sabihin...."

Tumango naman si Lumina.

"Yes it's Hans. He is the one we're looking for. He is Shadow"

*********************

"Woah. Nasaan tayo?" manghang sabi ni Seth nang makapasok sila sa Phoenix Headquarters.

Dinala sila rito ni Lumina para masiguro ang kaligtasan nila.

"Nandito ka sa headquarters namin panget" sagot sa kanya ni Valerie.

"Headquarters niyo? Mga ano ba kayo?" tanong ni Seth.

"Hindi naman siguro kayo mga sindikato ano? Yung mga nagbebenta ng lamang-loob?" alanganing sabi ni Hannah na ikinataas naman ng kilay ni Valerie.

"Mukha ba akong sindikato Hannah?" sabi nito. Pinitik naman ni Gelo ang noo ni Hannah.

"Aray ko ha! Masakit yun!"

"Hindi kami sindikato baliw"

Pumasok naman sila sa isang room kung saan nagpunta si Lumina. Bumungad naman kay Hannah at kay Seth ang pa-u-shape na built-in table at nakapalibot dito ang maraming swivel chair.

"Woah, may meeting ba?" sabi ni Seth. Kinurot lang naman siya ni Valerie sa tagiliran para senyasang manahimik ito. Nagtanong naman siya kung bakit at nginuso niya si Lumina.

Simula nung umalis sila sa University, hindi na kumibo si Lumina. Nakakunot ang noo nito na para bang may malalim na iniisip at nababalutan ito ng madilim na aura.

"She's intimidating" usal ni Hannah na nasa tabi ni Gelo at Valerie.

Sumang-ayon naman silang lahat. Nangamba naman si Gelo at si Valerie. Ngayon na lang ulit nila nakita ang nakakatakot na aura ni Lumina. Huli nila itong nakita two years ago, nung mga panahong napuruhan si Iñigo.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon