Chapter Forty Nine

355 7 0
                                    

Third Person's Point of View

Nang makasakay sila sa van, agad na lumapit si Lumina kay Barbara at hinawakan ang mga kamay nito. Duguan ang sa may dibdib nito.

"B-barbara"

Iminulat ni Barbara ang kanyang mga mata pero makikita ang hirap sa kanyang mukha.

"L-l-lumina" nahihirapang saad nito at pilit na inabot ang mukha ni Lumina.

"P-please hold on" umiiyak na sabi ni Lumina. Pinilit na ngumiti ni Barbara.

"A-alagaan mo ang sarili mo"

Mas lalong nagsibagsakan ang mga luha ni Lumina dahil sa sinabi ng kanyang ina.

"B-barbara naman, h-huwag kang magsalita ng ganyan"

Bagaman nanghihina si Lumina, ramdam naman niyang umeepekto na ang antiserum sa kanyang katawan kaya kahit papaano ay nabawasan ang kirot na nararamdaman niya.

"R-ramdam kong hindi na ako magtatagal" tuluyan nang napahagulgol si Lumina.

"H-hindi ko kayang mawala ka Barbara. Please huwag mo naman akong iwan"

Unti-unti nang bumabagal ang paghinga ni Barbara.

"I-ikaw na ang bahala sa Phoenix. H-huwag mong pababayaan ang sarili mo. L-lagi akong n-nakabantay sayo. Anak"

"B-barbara"

Lahat ng tao sa van ay tahimik lang na nakatingin sa kanila. Maluha-luha na rin ang mga ito dahil sa kanilang naririnig.

"T-tinatawag na ako ng d-daddy mo Lumina. M-magkikita na kami ulit"

Niyakap ni Lumina ang kanyang ina. Napangiti naman si Barbara nang yakapin siya ng anak. Masaya siya na si Lumina ang huling imahe na kanyang nakita bago siya mamatay.

"I-i l-love y-you my o-one and o-only daughter"

"M-mahal na mahal din kita... Mommy"

Isang ngiti ang pinakawalan ni Barbara nang marinig niya ang salitang mommy. Masarap palang pakinggan ang salitang iyon at masaya siyang narinig niya iyon bago siya mawalan ng hininga. Ilang sandali pa ay tuluyan nang bumigay ang katawan ni Barbara.

"B-barbara!"

Walang ibang maririnig sa van kundi ang malakas na pag-iyak ni Lumina nang tumigil na sa paghinga si Barbara. Ramdam na ramdam nila ang sakit na dinaramdam ni Lumina. Sobra-sobra itong nasasaktan dahil nawalan na siya ng kaibigan, at ngayon, nawala pa sa kanya ang pinakamamahal niyang ina.

Napahawak na lamang si Valerie sa kanyang bibig upang pigilang makagawa ng ingay sa kanyang pag-iyak. Maging si Jean na hindi naman sila lubusang kilala ay naiyak din dahil sa nasakihan, niyakap na lamang ito ni Hans. Si Gelo na nagmamaneho ay hindi na rin napigilan ang pagtulo ng luha. Para na rin nilang naging ina sa Barbara kaya nasasaktan din sila sa pagkawala nito.

Tahimik namang nakatanaw si Primo kay Lumina. Gustong-gusto niya itong lapitan at yakapin pero alam niyang hindi ito ang tamang panahon para doon. Napatingin na lamang siya kay Barbara na wala ng buhay.

'Ipapangako ko Barbara, aalagaan ko ng mabuti si Lumina'

****************

Two weeks later....

"Lumina kumain ka naman oh" inilapit ni Primo ang pagkain na kanyang dala kay Lumina pero tinabig lang ito ni Lumina.

Bumuntong hininga siya. Sobrang payat na ni Lumina. Halos hindi na ito kumain at hindi na rin siya nagsasalita. Hindi nila ito makausap ng maayos. Minsan madadatnan na lang nila itong nakatulala o di kaya naman ay umiiyak.

Hindi naman nila masisisi ang dalaga, masyado itong nasaktan sa mga nangyari. Dalawang importanteng tao sa kanyang buhay ang nawala.

"Kahit kaunti lang Lumina. Please? Nasasaktan akong makita kang ganyan"

Ginawa na ni Primo ang lahat ng makakaya niya para lamang pagaanin ang loob ni Lumina pero wala itong naging epekto. Araw-araw din siyang nasa bahay nila Lumina para samahan at bantayan ito.

Nailapag ni Primo ang pagkain sa lamesa na katabi lamang ng kama ni Lumina nang makita niya itong umiyak. Agad siyang lumapit at niyakap ito. Hinawakan nito ang likod ng ulo ni Lumina at bahagyang hinimas-himas ito.

Sa tuwing nakikita ni Primo si Lumina sa ganitong sitwasyon, hindi niya maiwasang malungkot. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob ng dalaga. Ginawa niya ang lahat pero wala pa rin.

Tahimik namang umiyak si Lumina habang nakasandal sa dibdib ni Primo. Dapat ay masaya na siya dahil wala ng kalaban. Napatumba na nila ang Black Temple at Ring of Fire pero ni katiting na kasiyahan ay wala siyang maramdaman.

"Ssshhh... Stop crying Lumina. Everything will be fine"

Hinayaan na lamang niyang umiyak ng umiyak ang dalaga hanggang sa mapagod ito at makatulog mismo sa kanyang dibdib. Maingat naman niyang inihiga si Lumina sa kanyang kama atsaka ito kinumutan. Hinawi nito ang buhok na tumatakip sa mukha ni Lumina. Pinagmasdan niya ito ng ilang sandali.

"Sleep tight Lumina. I know you're tired physically and emotionally. I hope you'll be fine as soon as possible. I miss you" saad niya atsaka hinalikan ang noo ni Lumina.

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto ni Lumina.

"Ano? Kumain ba siya?" agad na salubong sa kanya ni Valerie. Nagpunta kasi si Valerie upang bisitahin si Lumina. Umiling si Primo dahilan para sumimangot si Valerie.

"Awang-awa na ako sa kanya Valerie. Sana maging ayos na siya. Hindi ko na kayang makita siyang sobrang lungkot" bumuntong hininga naman si Valerie sa sinabi ni Primo.

Maging si Valerie ay nalulungkot dahil sa kalagayan ng bestfriend niya pero laking pasasalamat niya kay Primo dahil lagi itong nakasubaybay kay Lumina.

Hinawakan ni Valerie ang balikat ni Primo.

"Maghintay at magtiwala lang tayo Primo. Matatanggap niya rin ang pangyayari at magiging okay rin siya"

Kinabukasan, maagang dumating si Primo sa bahay nila Lumina upang ipagluto ito ng almusal. Hindi siya nakatulog sa bahay nila Lumina dahil may inasikaso siya sa Pentagon Mafia. Nang matapos na siyang magluto, iniakyat na niya ang pagkain sa kwarto ni Lumina. Pero laking gulat niya nang makitang walang tao sa kwarto.

"Lumina" aligaga niyang inilapag ang pagkain sa kung saan. Nagpunta siya sa bathroom ng kwarto ni Lumina pero walang tao.

Nilibot niya ang buong bahay, sa sala, sa kusina, sa kwarto ni Barbara, sa guest room, sa garden, sa labas, pero wala siyang nakitang presensiya ni Lumina. Hingal na hingal siyang bumalik sa kwarto ng dalaga. Bahagyang nakabukas ang cabinet ni Lumina kaya nilapitan niya ito. Nanlaki ang mga mata nita nang makitang wala na ang mga gamit ng dalaga.

May isang kulay puting sobre ang nasa loob ng closet at kinuha niya ito.

I have to go Primo.

Bumagsak ang balikat ni Primo nang mabasa niya agad ang unang linya ng sulat na iniwan ni Lumina.

Gusto ko munang mapag-isa. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari at maging ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko. Gusto ko munang magpakalayo at hintayin na dumating ang araw na matatanggap ko na ang lahat. Sorry if i have to leave you. But i have to.

Wait for me Primo, i will come back and we will start again.

Hindi namalayan ni Primo na nababasa na pala ang sulat na kanyang binabasa. Hindi niya namamalayan na lumuluha na pala siya. Nalulungkot siya dahil sa biglaang pag-alis ng dalaga. Pero wala naman siyang magagawa. Ito ang gusto ni Lumina. Hindi naman niya ito mapipigilan pa dahil nakaalis na siya. Napahilamos na lang siya sa kanyang mukha at bumuntong hininga atsaka tinitigan ang sulat na iniwan ni Lumina.

"No matter how long it takes, i will wait for you Lumina"

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon