Lumina's Point of View
"Primo ano ba? Kumain ka na nga"
Nagsisimula na akong mawalan ng pasensya rito kay Primo. Ipinagpaluto ko na siya ng pagkain sa maid nila pero ito siya, nakahiga lang naman sa kama niya at hindi ako pinapansin. Ang sarap niyang sapakin.
Kailangan niyang uminom ng gamot para kahit papaano ay mabawasan ang init niya. Sa inis ko, hinila ko yung kumot na bumabalot sa kanya at hinila ko yung paa niya kaya nalaglag siya sa kama.
"Damn it Lumina!" inis na saad nito habang nakahawak sa may tagiliran niya.
"Kumain ka na kasi" inalok ko yung kamay ko sa kanya at inabot naman niya ito. Ang init pati ng mga kamay niya.
"Kakain ka o kikilitiin kita?" ngising saad ko na nakapagatigil sa kanya. Itinaas ko na ang mga kamay ko at akmang aabutin ang bewang niya nang bigla siyang lumapit sa kama kung nasaan yung pagkain niya at sumubo agad.
Tsk. Yun lang pala ang katapat niya.
Matapos niyang kumain, pinainom ko na siya ng gamot niya at bumalik na rin naman na siya sa pagkakahiga. Malapit na rin kasing maghapon. Ilang minuto rin ang lumipas at mukhang nakatulog na siya. Inayos ko naman ang pagkakakumot sa kanya. Umupo muna ako sa sofa na nandito sa gilid ng kama niya.
"Cold"
Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Oh. I thought he's already asleep.
"What did you say?"
"I'm cold" sagot niya habang nakapikit pa rin. Kinuha ko ang remote ng aircon at pinatay ito.
"Nakapatay na ang aircon. You can now back to sleep"
Uupo na sana ako sa sofa nang magsalita na naman siya.
"Still cold" napatingin ako sa kanya at nakabaluktot na siya habang yakap-yakap ang kumot.
"Still can't sleep?" tumango naman siya.
"I'm just giving you a body heat para kahit papaano mabawasan ang pagkalamig mo"
Natigilan naman ako nang maalala ko yung gabing yun. Body heat. I know it may sounds crazy but it's effective. Bumuntong hininga na lang ako. Tinanggal ko ang sapatos ko at maingat akong tumabi sa kanya atsaka ko pinalupot ang kamay ko sa kanya para yakapin siya.
Bumukas ang mga mata niya at napaismid ako nang may kumabog na namang malakas sa dibdib ko.
Damn it.
"What are you doing?" matamlay na tanong niya. Ofcourse he has a fever.
"Body heat?"
Nakita ko ang panandalian niyang pagngisi at mas lalong bumilis ang kabog sa dibdib ko nang ipalupot niya rin ang kamay niya sa akin para yakapin ako. Nasa likod ko ang isa niyang kamay habang nasa ulo ko ang isa. Halos nakasandal na rin ako sa may dibdib niya.
Parang may nakikipaghabulan sa loob ng chest ko. Ako dapat ang nagbibigay sa kanya ng body heat pero bakit parang ako ang naiinitan?
Damn it! This is not good!
But this is the only thing that comes to my mind for him to feel somehow warm.
"You feel better?" tanong ko at nag-angat ng tingin para tingnan ang mukha niya. Hindi siya nagmulat ng mga mata niya pero nakita ko ang pagngiti niya.
"Best"
******************
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nagvivibrate. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita na ang lapit ng mukha namin sa isa't isa ni Primo. Oh shit. Body heat. I almost forgot. Babangon na sana ako nang hindi ko nagawa dahil nakayakap siya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/221546795-288-k957697.jpg)
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
AcţiuneI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.