Chapter Sixteen

337 6 0
                                    

Lumina's Point of View

"So sinasabi mong nagkaharap na kayo ni Shadow!?" halos takpan ko na ang tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Valerie.

Mabuti na lang at walang gaanong tao dito sa bleachers dahil kung hindi, paniguradong mapapatingin iyon kay Valerie.

"So yun yung gabing sinabihan kitang nasa Battle Field si Shadow?" tumango naman ako sa tanong ni Gelo.

"Teka sandali lang ha, bakit parang ako lang ang walang alam dito?"

Nandito kami ngayon sa soccer field. Sa may bleachers dahil vacant naman kaya niyaya ko sila rito at napagpasyahang sabihin na sa kanila ang tungkol kay Shadow. Pero hindi ko sinabi ang tungkol kay Primo.

Kinuwento ko lang sa kanila ang pangyayari ng gabing iyon. Na muntik ko na siyang mahuli pero nakatakas lang siya. Binanggit ko na rin yung pagtext niya sa akin kaya ako napunta sa pinakadulong side ng University. Yung mga panahong nakatuos ko ang grupo ni Hannah.

"Pero paano niya nalamang hinahanap mo siya?" takang tanong ni Valerie.

"Yan din ang hindi ko alam" sagot ko naman.

Actually sa totoo lang, hindi ko alam kung paano niya nalaman na hinahanap ko siya. At yung sa number, wala rin akong ideya kung saan niya nakuha ito. Dahil yung nakuha kong phone, wala naman itong kalaman-laman at tanging number ko lang talaga ang nandoon. Mukhang gusto niya lang akong asarin ng mga panahon na yun.

"Kailangan na nating magdoble-ingat Lumina lalo pa't alam na niyang hinahanap natin siya. Hindi natin alam baka minamanmanan niya rin tayo dito sa University" seryosong saad ni Gelo na sinang-ayunan naman namin ni Val.

Matapos naming mag-usap, nagdecide kaming bumalik na sa room.

"Ano ba! Tigilan niyo nga ako!"

Tatlo kaming napatigil nang makarinig kami ng pagsigaw.

"Bagay lang sayo yan! Wala ka namang ibang ginawa kundi ang ipahamak lang kami!"

"Tama! Napakatanga namin dahil nagpa-uto kami sayo! Ginawa mo lang kaming sunud-sunuran!"

Nagkatinginan kami ni Val at Gelo nang makita namin si Hannah na pinagtutulungan ng mga kasamahan niya.

"Letse kayo! Bitiwan niyo nga ang buhok ko!"

Woah. Bumaliktad na ba ang mundo? Tiningnan ko naman si Valerie pero nakangisi lang siya at mukhang gustong-gusto pang nakikita si Hannah na inaapi ng mga miyembro niya.

Bumuntong hininga na lang ako at sumenyas na sa kanilang umalis na kami. Pero napakunot ang noo ko nang dalawa lang kaming umalis. Napataas naman ang kilay ko nang makita ko si Gelo na naglalakad papalapit sa kumpulan ng mga kababaihang umaapi kay Hannah.

"Let go of her" napabilog naman ang labi ko at hindi ko napigilang mapangisi nang gamitin ni Gelo ang seryoso at nakakatakot niyang boses. Minsan niya lang gamitin yan.

Mukhang natakot naman yung mga babae at lumayo ng kaunti kay Hannah.

"B-bagay lang sa kanya yan!"

"Oo nga! Ibabalik lang namin sa kanya kung anong mga ginawa niya sa amin!"

Hindi iyon pinansin ni Gelo at tinulungan niyang makatayo si Hannah na sobrang gulo ang buhok.

"Hindi naman niya kasalanang uto-uto kayo"

Parehas kami ni Valerie na muntik nang matawa sa sinabi ni Gelo.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon