Chapter Thirty Nine

239 7 0
                                    

Lumina's Point of View

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Oo, mahal ko siya pero bakit ganito? Bakit naguguluhan ako? Mahal ko naman siya. Dati.

Naguguluhan ako. Lahat ng nararamdaman ko sa kanya dati, hindi ko na nararamdaman ngayon. At sa isang tao ko lang yun naranasan ulit. Kay Primo.

I don't know if this is right but what the hell can i do? Hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako sa kanya. Posible ba yun? Na habang hinihintay mong magising ang taong mahal mo, nahulog ka sa ibang tao?

"Iñigo..."

I saw him smile. But it's a sad one.

Napayuko na lang ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan.

"You don't, right?" nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ko ang lungkot sa boses niya.

"I-i'm sorry" nakayuko kong saad. Hinawakan niya ang chin at inangat ang ulo ko para makita niya ang mukha ko.

"You don't have to be sorry Lumina. I understand" bigla na lang may tumulong luha sa mata ko.

"Trust me Iñigo. I love you"

"But that was before. I came too late"

He already knew?

"Bago pa man ako macomatose, i know you feel the same way. I can feel it. I can see it in your eyes. At paggising ko akala ko walang nagbago pero meron pala" pinunasan niya ang pisngi ko.

"But don't feel sorry. Wala kang kasalanan"

Bumuntong hininga na lang ako.

"Naghintay ako ng lagpas dalawang taon para magising ka dahil ang sabi ko, aaminin ko na sayo ang nararamdaman ko pag nagising ka na. Pero hindi ko akalain na magkakaganito. Naging magulo at hindi ko akalain na mahuhulog ako sa ibang tao"

"It's him right?"

Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Hinayaan ko na lang na tumulo ang luha ko atsaka tumango.

"Right. I knew it. The way you look at him is different and so he is to you and the way you worry about him says it all"

"Siguro kung mas maaga akong nagising, baka ako pa rin. Pero wala naman akong magagawa. Hindi naman nauutusan ang puso. I just have to accept it that sometimes, unexpected things happens"

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako. I immediately hugged him back.

"Don't cry Lumina. I'll be fine. We can still be friends right?" tumango naman ako.

"Bestfriends" saad ko at pinunasan ang luha ko. I am glad that he understand me.

"Pero tandaan mo, kahit anong mangyari, ikaw pa rin Lumina. Basta nandito lang ako para sayo. Kapag pinaiyak ka niya, sabihan mo ako at aagawin kita sa kanya"

Napangiti na lang ako. Alam ko namang biro lang yung mga huli niyang sinabi para lang pagaanin ang loob ko. Pero hindi rin naman mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. I still love him pero hindi na yung tulad ng dati. I still love him now but only as a friend or like my brother.

Sa pag-uusap naming ito, nalinawan na ako sa kung sino ba talaga ang nasa puso ko. Nakakatawa lang isipin dahil hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya. Tama si Val, i can risk my life just for him. It's because i love him.

Masyado ko lang tinatak sa isip ko na si Iñigo pa rin ang mahal ko kahit alam kong nagbabago na ito.

Masaya rin ako na naiintindihan ako ni Iñigo. Nagpapasalamat ako dahil hindi makitid ang utak niya. Pero mas masaya ako dahil suportado niya ako. He will always have a place in my heart and i will forever be grateful for having him in my life.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon