Lumina's Point of View
Mabilisan akong nagbihis. Nagsuot ako ng itim na fitted pants, gray na fitted sando na pinatungan ko ng black leather jacket. Nagsuot din ako ng black boots. Inilugay ko ang buhok ko at naglagay ako ng cap. Kinuha ko naman ang baril ko but this time, totoong bala na ito. Naglagay ako ng strap sa isang binti ko at doon nilagay ang baril.
Tumalon ako ulit sa bintana at nilabas ang motor ko. Mabuti na lang at wala pa si Barbara ngayon. Nagpaalam lang ako sa guard na pupunta akong headquarters pero ang totoo hindi naman doon. Bahala nang masermonan kay Barbara mamaya.
***********
Pagkarating ko sa Battle Field. Nandito pa lang sa labas ay rinig mo na ang ingay sa loob. Mga hiyawan ng kung sino. Mabilisan akong bumaba sa motor ko at tinanggal ang helmet. Sinuot ko ang cap ko at binuksan ang phone ko. Nagpunta ako sa locator at nakita ko ang mismong location niya.
Gago siya. Ang sabi ko sabihin niya sa akin kung may pupuntahan siya! Bakit hindi niya sinabi sa akin ito!? Nandito si Shadow! Posibleng siya ang target!
Mabuti na lang at nalagyan ko ng tracker ang relo niya. Tulad lang ito ng kay Shadow na maliit pero mas updated yung kay Primo kaya mas nakikita ko ang exact location niya. Nanghingi pa talaga ako kay Gelo para rito. Nung una ayaw niya pa akong bigyan pero wala naman siyang magagawa. Hindi niya nga lang alam kung saan at kanino ko ito gagamitin.
Tiningnan ko ang red dot sa phone ko at sinundan ito. Pumasok ako sa likod ng Battle Field dahil ayoko sa harap. Masyadong maraming tao. Sinundan ko lang itong nasa location at dinala ako nito sa tabi ng elevated battle circle. Dito naglalaban ang dalawang gang o ano pa mang labanan. Pero napakunot ang noo ko nang makita ko siyang mag-isa. Nasaan ang dalawa niyang kasama?
Nasa gitna siya ng circle habang kaharap ang limang kalalakihan. So it is one versus five? Napangisi na lang ako.
Tahimik lang ako nanood. Nagcue naman na yung announcer na magsisimula na ang laban.
"Nightmares versus Red Bull Gang! The battle begins now!"
Mas lalong naghiyawan ang mga tao nang magsimula na ang laban. Pinalibutan agad si Primo nung limang lalaki. At ito namang loko, prente lang na nakatayo habang poker-faced na nakatingin sa kanila.
Hanggang sa nagsimula nang kumilos ang mga kalaban niya. Umiiwas lang muna siya sa mga tira ng kabilang gang dahilan para mainis ang mga ito. Ngayon ko lang nakitang makipaglaban si Primo at talaga namang mabibilis ang bawat paggalaw at bawat pag-atake niya. Mukhang hasang-hasa na ang isang ito dahil hindi man lang siya nagagawang patamaan ng mga kalaban niya. Well, siya naman ang leader ng Nightmares. Ang nangungunang gang dito sa Battle Field. Hindi ko expect na magaling siya makipaglaban dahil nga sa gangster lang ito pero nagkamali ako, ibahin mo siya.
Now tell me, kailangan pa ba niyang bantayan?
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang laban. Inanunsyo na nung announcer na Nightmares ang nanalo kaya mas lalong umingay dito dahil sa mga hiyaw. Saka ko lang narealize kung bakit ako nandito nung mamatay ang mga ilaw. Biglang natahimik sa paligid.
Shit! Tangina! Bigla akong napatakbo sa gitna ng circle at kahit madilim, naaaninag ko naman siya kahit papaano. Hinawakan ko ang kamay niya at nakita ko ang pagkabigla sa kanya.
"It's me asshole" mahinang sabi ko at kahit madilim, nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"What the hell are you doing here?" tinaasan ko siya ng kilay kahit alam kong hindi naman niya makikita.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko sayong dapat magpapa-alam ka sa akin kung aalis ka?" iritado kong saad. Nag-tsk lang naman siya. Hihilahin ko na sana siya paalis nang may maramdaman akong kakaiba rito sa circle.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.