Lumina's Point of View
"Dyusko naman Hannah! Bilisan mo ngang maligo! Lagpas isang oras ka na diyan!"
Kanina ko pa naririnig na nagrereklamo si Valerie. Paano ba naman, kanina pa pumasok ng bathroom itong si Hannat hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalabas. Kanina pa kami lagkit na lagkit ni Val dahil sa icing.
"Maghintay ka! Ang hirap kayang tanggalin ng icing!"
"Ganun na ba karami yung icing sa katawan niya at lagpas isang oras na siyang nagtatanggal?" nagkibit balikat na lang ako sa sinabi ni Val.
Mabuti na lang at may sarili bathroom ang bawat kwarto rito sa villa. Ilang sandali pa ay lumabas na si Hannah.
"Sa wakas ay lumabas din. Akala ko nalunod ka na sa loob" umikot lang ang mata ni Hannah at sabay naman silang nagtawanan. Mga baliw.
Pumasok naman na si Valerie sa loob. Akala mo kung sinong makapagsalita eh isa din naman siyang matagal sa banyo. Pagkatapos niya, kinuha ko na yung towel na binigay nung staff kanina rito sa resort at nilagay sa bathroom.
"Oy girls, tinatawag na tayo sa labas" sabi ni Valerie na kakapasok lang ng room. Lumabas kasi siya kanina.
"Maliligo pa si Lumina eh" sabi naman ni Hannah.
"Kung sana kasing binilisan niyong maligo diba? Edi sana tapos na tayong lahat" nginitian lang nila ako at nagpeace sign.
"Sorry naman"
"Mauna na kayo sa baba. Susunod na lang ako" tumango naman yung dalawa at pumasok na ako sa bathroom.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin naman na akong maligo. Hindi naman ako tulad nung dalawa na patagalan sa banyo. Ano bang ginagawa nila sa loob at ang tagal nilang maligo?
Nagpatuyo muna ako sandali ng buhok gamit ang blower, hiniram nila ito sa staff. Nang matapos akong magpatuyo, tumayo naman na ako sa kama. Nakasuot lang ako ngayon ng denim shorts at croptop na cream sweater dahil alam kong malamig sa labas. Bumaba na ako sa first floor at nagpunta muna sa kitchen para kumuha ng tubig sa refrigerator.
Ang tanging laman lang naman ng ref dito ay tubig tsaka sandamakmak na iba't ibang klaseng chips. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Nahagip naman ng mata ko yung phone na nasa tabi ng refrigerator. Nilagay ko na yung baso sa sink at kinuha yung phone. Kumunot naman ang noo ko nang makita yung phone. Sandali. Parang nakita ko na ito--------.
Natigil ako sa pag-inspect sa phone nang may marinig akong kaluskos. Sinundan ko naman iyon.
"Yes, nandito na kami sa resort. Kanina pa kami nakarating"
Nakita ko sa isang sulok si Seth na may kausap at ang seryoso ng mukha niya.
"Oo kasama ko sila"
Kumunot naman ang noo ko. Kami ba ang tinutukoy niya? Sinong kausap niya?
"Sige babalitaan na lang kita"
Napaayos naman ako ng tayo nang ibaba na niya yung phone niya. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ako.
"K-kanina ka pa diyan?" utal na tanong niya at halata pa ring nabigla siya nang makita ako.
Why so surprised?
"Hindi naman. Halos kabababa ko lang din" pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti.
"Ah ganun ba? Nasa labas na sila. Tara na?" tumango na lang ako. Sabay kaming lumabas ng villa.
"Oo nga pala, kaninong phone ito? Nakita ko sa kitchen" sabi ko habang naglalakad kami. Tiningnan naman niya yung hawak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/221546795-288-k957697.jpg)
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.