Bumaba ako sa sasakyan ko at kinuha ang mga bulaklak sa loob ng kotse. Pumasok ako sa loob ng sementeryo at pinuntahan ang pakay ko. Ibinaba ko ang isa sa mga hawak kong bulaklak sa tapat ng isang lapida.
Iñigo Ferrer.
Kahit na hindi na namin nakita ang katawan niya dahil sa lakas ng pagsabog, pinagawan ko pa rin siya ng lapida.
"Are you doing well?" saad ko habang nakatingin sa kanyang lapida.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mong isakripisyo ang buhay mo para sa akin" saad ko at pinigilan na tumulo ang luha ko. Bigla ko na naman kasing naalala ang mga pangyayaring iyon.
"Pero alam mo, maraming salamat. Maraming salamat dahil iniligtas mo ako. Hinding-hindi ko sasayangin ang sakripisyong ginawa mo"
Umupo ako para mahawakan ang lapida niya.
"Until we meet again Iñigo" nakangiti kong saad bago ako tumayo at tinahak ang daan papunta sa isa ko pang pakay.
"Barbara" saad ko atsaka inilagay ang bulaklak sa tapat ng kanyang lapida. Seven months na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin sa akin pero alam ko sa sarili kong tanggap ko na.
Tanggap ko na wala na sila sa tabi ko.
Mahirap at malungkot pero kinaya ko. Nagpakalayo-layo ako para ayusin ulit ang sarili ko. Naging sapat naman ang pitong buwan dahil ito ako ngayon, nagagawa ko na ring ngumiti pagkatapos ng mga nangyari.
"Kumusta ka na diyan Barbara? Nakikita mo ba ako ngayon?" tumingala naman ako para makita ko ang langit sa itaas.
"Magkasama na siguro kayo ni dad tama ba?" napangiti ako sa naisip ko.
"Ikumusta mo ako sa kanya ha"
Nagtagal pa ako ng ilang minuto rito hanggang sa mapatingin ako sa relo ko at napatayo nang makita ko ang oras.
Shoot! May lakad pa ako!
"Barbara, aalis na muna ako. May kailangan pa akong puntahan. Bibisita na lang ako ulit sa susunod. Miss na miss na kita Barbara. I love you"
Hinawakan ko ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan niya bago ako umalis ng sementeryo. Patakbo akong pumunta sa kotse ko at nang makasakay ako, syempre pinaandar ko na ito.
Kalahating oras din siguro ang nakalipas bago ako nakarating sa pupuntahan ko. Kaya lang mukhang nahuli ako dahil pagdating ko, nagsisilabasan na ang mga tao. Patakbo akong pumasok sa hall at bumuntong hininga na lang ako nang makumpirma kong tapos na nga ang event.
"Lumina?"
Napalingon ako sa isang side nang makarinig ako ng sobrang pamilyar na boses.
"Oh my gash! Si Lumina nga!" napangiti ako nang makita ko si Valerie na nagmamadaling tumakbo palapit sa akin at niyakap ako kaagad. Yumakap naman ako pabalik.
"Lumina ikaw na ba talaga yan?" gulat ding tanong ni Gelo nang makalapit siya sa akin. Natawa naman ako ng bahagya at tumango.
"Yeah it's me. Lumina the reaper. I'm back" natatawa kong sagot.
Napansin ko ring nandito si Hannah, si Seth, si Jean at si Hans. Nakipagkuwentuhan muna ako sa kanila sandali at ang dami ko nang nalaman. Akalain mo nga naman, magkakatuluyan pala si Seth at si Valerie? Tapos si Gelo naman ay nanliligaw na raw kay Hannah.
Nagkaayos na rin daw sila Primo at Hans. Alam kong gustong-gusto kong patayin dati si Hans pero nawala na iyon simula nung tulungan niya kaming matunton ang Black Temple. Nanghingi na rin siya ng sorry sa akin ngayon lang din at pinatawad ko naman siya. Alam kong siya pa rin naman ang Hans Lamprea na nakilala ko. Si Jean naman daw ay sinunog ang Lethal Serum para tuluyan itong mabura sa mundong ito dahil masyado itong delikado.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.