Lumina's Point of View
"Witwiw! Ang sesexy natin diyan ah!"
"Gago. Manahimik ka nga panget"
"Hindi ka naman kasama sa sinabihan ko ah"
"Tangina mo"
Napailing na lang ako nang mag-away na naman si Val at si Seth. Wala namang bago. Suot-suot na kasi niya yung swimwear na binigay sa kanya ni Hannah and guess what, saktong-sakto sa kanya at bagay niya.
Si Hannah naman ay nakasuot ng two piece swimsuit na kulay red. And she's so damn hot on that one. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit natulala si Gelo sa kanya kanina. Naku. Naku.
Ako naman, nakasuot ako ng one piece white swimsuit pero nagsuot ako ng short para hindi naman masyadong revealing sa ibaba. Gaya nga ng napag-usapan kagabi, magsiswimming na kami ngayon. Susulitin na namin ngayong araw dahil maaga rin naman ang alis namin bukas.
Yung mga lalaki naman, nakasummer shorts at nakatopless silang apat. Kaya naman bawat nadadaanan namin ay napapatingin sa kanila. Lalo na ang mga kababaihan. Sino ba namang hindi? Ineexpose lang naman nila ang mga abs nila at akala mo mga model sila kung maglakad.
Dumiretso na kami sa tubig at pumunta sa hanggang bewang ang lalim. Kanya-kanyang swimming style silang ginagawa.
"Wala ka pala panget eh! Ang bagal mong lumangoy!" tumatawang sabi ni Valerie kay Seth.
Nag-unahan kasi yung apat na lalaki sa paglangoy. One hundred meters. Nauna si Primo, sumunod si Gelo, pangatlo si Hans at last naman si Seth.
"Sira. Tinatamad lang talaga akong lumangoy" sinabuyan naman ni Valerie ng tubig si Seth sa mukha.
"Gunggong. Papalusot ka pa eh"
Napagpasyahan naming maglaro. Beach volleyball. Girls versus boys. Kahit tatlo lang kami ayos lang naman.
"Deym! Ang lakas pumalo ni Lumina!" usal ni Hans nang matamaan siya ng bola na pinalo ko.
"Bola lang yan Hans! Hindi ka mamamatay diyan!" natatawa kong sabi sa kanya.
Bumawi naman sila at nakapuntos pero lamang pa rin kami ng dalawa.
"Mga lalaki ba kayo? Natatalo pa kayo ng mga babae sa voleyball" ngising sabi ni Hannah. For sure para asarin lang sila.
"Aba, hindi naman kami maalam sa volleyball" sagot naman ni Gelo. And as usual, umikot na naman ang mata ni Hannah. Hindi kaya siya nahihilo sa lagi niyang pagganun?
Tinoss ko na kay Hannah yung bola at nareceive naman niya, pinalo naman ito ni Val papunta sa kabila. Nagawa nila itong depensahan at gaya namin, ganun din ang ginawa nila. Si Primo ang nagspike at sa sobrang bilis nito, muntik na akong matamaan. Mabuti na lang at nakaiwas ako.
"Yun oh! Puntos namin!" rinig kong sabi ni Seth.
Hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay Primo. May galit ba ang isang to? Halata naman kasing sa akin niya gustong papuntahin yung bola. Nginisian niya lang ako. Psh. Masyado naman ata niyang sineseryoso ang laban.
Nagtagal ang laro namin at draw ang nangyari. Walang nanalo. Paano ba naman, kapag makakalamang kami ng isa, makakahabol sila. Paulit-ulit na ganun lang kaya itinigil na namin. Wala namang nangyayari.
"Lumina" napalingon ako sa gilid ko nang tawagin ako ni Primo pero sana pala hindi ko na lang ginawa dahil sinabuyan niya ako ng tubig sa mukha.
Lintik.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at inilubog ko ang ulo niya sa tubig. Natawa naman ako nang umangat siyang nakakunot ang noo. Aba. Ginawa niya rin sa akin yan dati diba? Nung nasa talon kami.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.