Chapter Forty

251 7 0
                                    

Lumina's Point of View

Halos dis-oras na ng gabi at nandito pa rin kami sa headquarters. Nagulat silang lahat nang kasama naming bumalik si Shadow sa headquarters. Malapit ko na talaga siyang mapatay kanina sa totoo lang. Mabuti na lang at nagsalita siya agad.

Nakipagtulungan siya sa amin. Sinabi niya ang exact location ng Black Temple at ng Ring of Fire. Kaya bukas na bukas din ay magaganap ang pagsugod. Bilang kapalit ng antiserum, ay ang pagligtas namin kay Jean. Sa ngayon ay nasa Phoenix Dungeon si Hans. Doon muna siya napagpasyahang ilagay at may mga nakabantay naman sa kanya. Hindi naman siya umangal. Wala siyang ibang bukang bibig kundi ang iligtas namin si Jean. At nung mga oras na yun, nakita ko ang totoong Hans.

Dumating din sila Sir Theodore at ilang official ng Pentagon Mafia para makipagtulungan. Bali hati ang mangyayari bukas, sabay na susugurin ang Black Temple at ang Ring of Fire. Pangungunahan ng Pentagon Mafia ang pagsugod sa Ring of Fire at ang Phoenix naman para sa Black Temple.

"Tomorrow is a big day Lumina. Sigurado ka bang sasama ka pa? Ikaw ang kailangan nila. Natatakot akong baka may kung anong mangyaring masama sayo" saad ni Barbara habang nagdadrive. Pauwi pa lang kami ngayon.

"Barbara. Hindi ko hahayaang kayo lang ang lumaban. I promise to you na walang mangyayaring masama bukas. We'll going to get the justice for dad"

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Barbara. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero hindi ako papayag na wala akong gawin bukas. Gagawin ko ang lahat para mapabagsak ang Black Temple. Ang tagal na naming hinihintay ni Barbara ang pagkakataong ito.

Nakarating kami sa bahay at dumiretso na kami sa loob. Paakyat na sana ako ng hagdan nang mapatingin ako sa sofa at nagulat ako sa nakita ko.

"What the hell is he doing here?" gulat na tanong ko kay Barbara. Ngumiti naman si Barbara habang nakatingin sa kanya.

"For good. Nagrequest si Theodore na dito muna magstay si Primo sa bahay natin para sa kaligtasan niya" napatango na lang ako. Hinawakan naman ni Barbara ang balikat ko.

"Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga. Kailangan mo ng lakas para bukas" hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Aakyat na rin ako niyan" siya naman ang tumango.

"Goodnight Lumina" she said and kiss my cheeks kaya napangiti ako.

"Goodnight din Barbara"

Umakyat na si Barbara sa taas at ako naman, ibinalik ang tingin ko sa lalaking payapang natutulog sa sofa. Bakit dito siya natutulog? Meron naman kaming guest room. Malaki naman ang sofa at kasya siya rito. Maluwang pa nga. Pero wala siyang unan at kumot. Ang ginagamit niyang unan ay yung braso niya.

Nagpunta ako sa guest room at kinuha ang unan at kumot sa kama at pagkatapos, bumalik ako sa sala. Maingat kong ini-angat ang ulo niya ay inilagay ang unan na kinuha ko. Dahan-dahan ko rin siyang kinumutan para hindi siya magising. Tinitigan ko ang mukha niya at napangisi na lang ako nang may maramdaman na naman akong kakaiba sa dibdib ko. Hanep. Titig pa lang to ha. Hindi pa siya gising niyan.

I can't believe that i'm feeling this way towards him.

Para kasing hindi kapani-paniwala. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mukha niyang natutulog.

"Goodnight Primo"

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa hagdan. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili at nagpalit ng damit pantulog. Lumabas ako ng bathroom habang nagpupunas ng buhok ko.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon