Lumina's Point of View
"Nakaka-antok naman Lumina. Pwede bang umuwi na tayo?"
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Gelo. Kailan pa ba yan hindi nagreklamo? Lagi namang may rants sa buhay yan.
"Edi umuwi ka mag-isa mo"
"Pagagalitan ako ni Barbara kapag iniwan kita rito"
Alam naman pala niya eh. Kaya manahimik na lang siya diyan. Nandito kami ngayon sa library dahil may binabasa ako sa phone ko.
Nightmares.
May wifi rito sa library kaya nagconnect muna ako. Libre namang magconnect. Nakalimutan ko kasing isearch kagabi ang gang na ito kaya ngayon ko na lang isesearch. Si Gelo naman, ayun, binagsak na ang ulo sa lamesa. Matutulog siguro.
Nightmares is a notorious gang.
Oh really? Notorious? Well, mukhang pwede naman dahil minsan, bigla-bigla na lang silang mangbubugbog. Kapag may table silang matripan sa cafeteria at kapag may nakaupo roon, sapilitan nila itong paaalisin sa pamamagitan ng marahas na paraan.
They are also known as being the leading gang in Battle Arena.
What the fuck? Really!? Sila ang nangunguna sa Battle Arena!? Yes, hindi naman ako gangster pero alam ko ang Battle Arena. That's the place kung saan naglalaban ang mga gang. At akalain mo nga naman, ang asshole na yun, nangunguna sa Battle Arena.
They are consists of three members only.
Yeah alam ko naman. Silang tatlo. Ang siraulong si Primo, ang loko-lokong si Seth at ang mukhang matinong si Hans.
Wala naman na akong ibang nabasa na importante kaya naman itinigil ko na ang pagbabasa. Tumayo naman na ako at hinila ko na si Gelo.
"S-sandali naman Lumina! Pahingahin mo naman ako! Bigla-bigla ka na lang nanghihila eh!"
"Huwag ka na magreklamo. Tara na sa cafeteria at nagugutom na ako"
Nagpunta naman kami sa cafeteria. Pinag-order ko na siya ng pagkain at ako naman ang naghanap ng upuan namin. Nakita ko naman sa bandang gitna ang Nightmares. Pffttt... Pinigilan ko namang matawa nang maisip ko na naman ang pangalan nila.
Napaayos naman ako ng upo nang tumingin sa gawi ko si Primo. Nakakunot ang noo nito. I just mouthed the word asshole and turn my gaze to Gelo which is currently walking while holding the tray of foods.
Nang mailapag na ni Gelo ang tray, agad naman akong kumuha ng fries. Umupo naman na siya at akmang kukuha siya ng pagkain nang kinuha niya ang phone niya. Nanlaki naman ang mga mata niya kaya napakunot ang noo ko.
"May problema ba?" takang tanong ko sa kanya. Iniharap naman niya sa akin yung phone niya.
"Naka-activate ang locator"
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang red dot na umiilaw.
"It says Dark University's cafeteria"
Literal na napalingon ako sa paligid dahil sa sinabi ni Gelo. Nandito lang sa cafeteria si Shadow. Pero masyadong maraming lalaki rito. Hindi ko matutukoy agad kung sino si Shadow.
"Hindi ba kayang malocate ang exact place niya rito sa cafeteria?" mahinang tanong ko kay Gelo. Umiling naman siya.
"Ito na ang pinaka-exact na pwede nating malaman. Two years ago pa kasi ang locator na nakadikit kay Shadow at hindi ito updated. Sa updated version, doon natin pwedeng malaman ang exact location niya"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.