Lumina's Point of View
"Fuck you Gelo! Umayos ka nga!" inis na saad ko kay Gelo dahil paano ba naman, kanina pa nakabusangot.
"Bakit kasi papasok tayo ulit eh. Pwede namang magmanman na lang tayo sa University na ito" sinuntok ko na lang siya sa braso niya.
"Aww! Sadista ka talaga!" i just rolled my eyes.
"Tandaan mo Gelo, act normal. Walang pwedeng makaalam na miyembro tayo ng Phoenix" tumango naman siya.
"Alam ko alam ko. Baka ikaw nga diyan, naku. Mainitin pa naman ang ulo mo" sinamaan ko naman siya ng tingin. Nginitian niya lang ako atsaka bumaba ng kotse. Tsk. Tsk.
Ito ang unang araw na papasok kami sa Dark University. Well, maganda at malaki ang University. Hindi naman madilim kaya hindi ko alam kung bakit Dark ang pangalan nito. Base sa research ko, may mga gangster sa school na ito kaya nagkaroon ako ng clue na may target si Shadow na gang dito kaya siya nandito.
Kailangan ko lang malaman kung sino ang target para hindi niya maituloy ang plano niya.
Pumunta naman kami ni Gelo sa Dean's Office.
"Ito ang identificafion card niyo" inabot sa amin ng babaeng siguro nasa mid 30's o wala pa ang id namin.
"Salamat po" sabi ni Gelo.
"Hindi ko inaasahan na marami ang magtatransfer sa University ngayon taon" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Dean.
"Marami?" takang tanong ko.
"Yes Ms. Velarde. Hindi naman talaga madami. Mas marami lang kumpara noong taon. Eleven ang nagtransfer dito including the two of you"
Eleven? Then paniguradong kasama siya roon.
"Pwede ko po bang makuha ang list ng mga pangalan ng mga nagtransfer dito ngayon?" nagsalubong naman ang kilay ni Dean sa sinabi ko.
"At anong dahilan?" nagkatinginan naman kami ni Gelo. Sinesenyasan niya ako na tumigil na.
"I just want to know" prente kong sabi at nagdekwatro pa. Wala akong pake kung nakapalda man ako o ano. May cycling naman. Actually ang init nga ng uniform nila dito. Masyadong maraming patong. Nakakainis.
"I'm sorry Ms. Velarde pero hindi ko pwedeng ibigay sayo ang listahan. That's a private information"
Napa-tsk na lang ako. Pangalan lang naman ang hinihingi ko. I just shrugged.
"Mabuti pa at pumasok na kayo sa klase niyo. At paalala lang pala, magugulo ang mga estudyante rito kaya huwag sana kayong mabibigla kung makakakita kayo ng kaguluhan" tumawa naman si Gelo kaya napatingin kami sa kanya.
"Huwag kang mag-alala Principal. We can handle them" siniko ko naman si Gelo dahil sa sinabi niya. Napa-aray naman siya.
"Are you sure Mr. Agustin? May mga gangster sa paaralan na ito at karamihan mga warfreak at basagulero. Are you sure you can handle them?"
Napangisi na lang ako. Kung alam lang niya na nakapatay na kami ng mga tao. Hinila ko na lang patayo si Gelo at nagpaalam na sa Dean.
"Minaliit niya ba ako Lumina?" hindi makapaniwalang saad niya habang nakaturo pa sa sarili niya.
"I told you act normal" saad ko habang naglalakad kami.
"Wow ha. Ikaw nga itong bigla-bigla na lang manghihingi ng pangalan ng mga transferee"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.