Chapter Twenty Nine

265 8 0
                                    

Third Person's Point of View

Halos hindi mapakali si Lumina. Paulit-ulit siya sa kanyang ginagawa. Uupo. Tatayo. Tapos maglalakad sa isang direksyon at babalik na naman.

"Lumina pwede bang huminahon ka muna? Nahihilo na kami sayo" saad ni Valerie habang nakahawak sa sintido nito.

"He wants the bag" saad ni Lumina at umupo na naman sa swivel chair.

Umuwi na si Seth at Hannah pero pinasamahan niya ito sa mga tauhan ng Phoenix. Gusto niyang masiguro na ligtas silang makakauwi. Naipaliwanag naman na niya sa kanila ang nangyayari kaya sinabihan niyang mag-ingat pa rin sila sa mga posibleng mangyari.

"He wants me to give it to him two days after in exchange to Primo"

Hindi nila matrace kung nasaan ang location nila Primo. Sinubukan nilang itrace ang phone number ni Primo at Hans pero nabigo sila. Nakablock na kasi ang mga ito kaya hindi nila nagawang malaman ang lokasyon nila Primo.

"Ano nang balak mo?" tanong sa kanya ni Gelo.

"I have no choice but to give him what he wants"

"Sasamahan ka namin" umiling naman si Lumina.

"Binalaan niya akong huwag magsasama ng kung sino. Ako lang ang pupunta sa Ring of Fire"

"Pero Lumina, Ring of Fire yun. Delikado kung mag-isa ka lang na pupunta" napabalikwas naman sila sa kinauupuan nila nang hampasin ni Lumina ang lamesa.

"Pero sasaktan nila si Primo kapag nalaman nilang may iba akong kasama!"

Nagulat sila sa naging reaksyon ng dalaga. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mga mata nito na ikinakunot ng noo ni Valerie. Kilala niya si Lumina pagdating sa ganito. At hindi siya pwedeng magkamali sa naiisip niya ngayon.

Mahalaga sa kanya si Primo.

"We get it. Pero kailangan pa rin nating magkaroon ng back-up plans para makasigurado" sinang-ayunan naman ni Valerie ang sinabi ng pinsan niya.

Bumuga na lang ng hangin si Lumina at napahawak sa sintido nito. Pakiramdam niya sasabog na ang utak niya sa kakaisip kay Primo kung ano na ang kalagayan nito. Kung ayos lang ba siya, kung sinaktan ba nila ito. Hindi na siya mapalagay sa pag-aalala para sa binata.

********************

Two days after.

Lumabas na ng sasakyan si Lumina. Dala-dala nito ang bag na matagal nang binabalik-balikan ni Shadow para kunin kay Primo.

Nandito siya ngayon sa isang malaking sirang building. Ito kasi ang lokasyon na ibinigay ni Hans sa kanya. Ang akala niya nga ay sa lugar ng Ring of Fire ito makikipagkita pero laking gulat niya nang makita na iba ang address na ibinigay sa kanya.

"Nandito na kami Lumina"

Napatango naman siya nang marinig ang boses ni Gelo sa kabilang linya. Sa suot nitong transmitter. Manipis lang ito at maliit para hindi mapansin ng kalaban na may suot itong transmitter. Dahil kapag nakita nila ito, malamang ay malalaman nilang may kasama ito.

Hindi siya pinayagan ni Barbara na makipagkitang mag-isa kay Shadow kaya ipinadala niya si Valerie at Gelo para samahan siya. Nakapuwesto ang dalawa sa may isang malaking puno na hindi kalayuan sa sirang building. May dalang laptop si Gelo at nakabukas ito habang nakaupo siya sa isa sa mga sa ng puno habang si Valerie naman ay inaassemble ang hawak niyang sniper.

Pumasok na si Lumina sa loob ng building. Madilim. Parang walang katao-tao pero alam niyang nakatago lang ang mga ito.

"Lumabas ka na, nandito na ako"

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon