Third Person's Point of View
"Lumina don't move"
Hindi na alam ni Lumina kung ano ang gagawin niya.
"That's natural detector bomb. Nadidetect ng bombang iyan kung may taong nakaapak sa spot kung nasaan ito at automatic itong mag-aactivate. Once na tanggalin mo ang paa mo rin yan, wala mang isang segundo ay sasabog ito"
Parang nanigas naman si Lumina nang marinig ang sinabi ni Iñigo. Ito ang tinutukoy ng mga lalaking narinig niyang pinag-uusapan kanina.
"Iñigo what should i do?" kinakabahang tanong ni Lumina.
Napasuklay naman si Iñigo sa kanyang buhok at pilit na nag-isip kung paano niya maaalis si Lumina nang hindi sumasabog ang bomba. Maging siya ay natataranta.
"Pwede naman siguro nating palitan ng baril ang paa ko" umaasang sabi ni Lumina. Umiling naman si Iñigo.
"Hindi pwede. Bagay ang baril at tanging tao lang ang nadedetect nito. Kapag pinalitan natin ng baril yang paa mo, dalawa tayong sasabog rito"
Natahimik na lang si Lumina. Hindi niya alam kung paano siya aalis sa lugar na iyon. Tinitigan ni Iñigo si Lumina. Kulay violet na ito at lumilitaw na rin ang mga ugat nitong kulay pula at asul. Bumuntong hininga siya.
"Lumina natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayong gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka? Kahit pa na isugal ko ang buhay ko?"
Naguluhan si Lumina sa ipinahayag ni Iñigo pero ganunpaman, tumango ito. Natatandaan pa naman niya ang oras na yun.
"Lumina" bigla siyang kinabahan nang tawagin siya ni Iñigo at tumingin sa kanya ng diretso. Hindi niya mawari pero alam niyang may binabalak ito.
"Iñigo anong binabalak mo?" hindi niya sinagot si Lumina at ngumiti lang. Magtatanong pa sana si Lumina nang hawakan ni Iñigo ang kanyang bewang at sa isang iglap, nagkapalit na sila ng puwesto.
Tila ba nanigas si Lumina dahil sa ginawa ni Iñigo. Hindi niya akalaing pagpapalitin nito ang puwesto nilang dalawa. Siya na ngayon ang nakatapak sa area kung nasaan ang bomba.
"I-iñigo" naluluhang sabi ni Lumina at nag-angat ng tingin makita ang mukha ni Iñigo.
"Lumina umalis ka na. Kailangan mong magamot agad" agad na umiling ang dalaga at hinampas si Iñigo ng mahina sa dibdib.
"H-hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama. N-nakakainis ka! Bakit mo ginawa iyon!?"
"Pinaninindigan ko lang kung ano ang sinabi ko noon" tuluyan nang naiyak si Lumina.
"I-iñigo tara na, umalis na tayo rito" umiling ang binata.
"You should go Lumina. Kung pareho tayong aalis, sabay tayong mamamatay. Pero kung iiwan mo ako rito, pwede ka pang mabuhay"
Napayuko na lang si Lumina at tahimik na umiyak. Bumibigat na rin ang paghinga niya dahil sa Lethal Serum.
"Kailangan mo ng umalis. Baka bumigay na ang katawan mo" nag-aalalang turan ni Iñigo.
"B-bakit? Bakit mo ginawa to? Ako dapat ang nandiyan at hindi ikaw" hinawakan ni Iñigo ang kamay ng dalaga at ngumiti.
"Mahal kita Lumina. Matagal na. Alam mo yan at alam kong alam mo rin na gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang"
Parang mas lalong nanikip ang dibdib ni Lumina dahil sa narinig.
"H-hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama" hinigpitan ni Iñigo ang pagkakahawak sa kamay ni Lumina.
"Huwag ka ng makulit. Iwanan mo na ako. Iligtas mo ang sarili mo"
Umiling si Lumina at niyakap ng mahigpit si Iñigo.
"I-iñigo huwag namang ganito. H-hindi ko kayang mawala ka" napangiti na lang si Iñigo at napatingala para pigilan na tumulo ang kanyang mga luha.
Naging malaki ang parte ni Iñigo sa buhay ni Lumina kaya magiging malaki ang impact nito kapag nawala sa Iñigo sa buhay niya.
"Mas hindi ko kakayanin kapag ikaw ang nawala Lumina. Umalis ka na. Iwan mo na ako rito. Wala ng oras, baka makita ka nila at mahuli ka pa"
Tahimik lang na umiyak si Lumina at para bang ayaw niyang pakinggan ang mga sinasabi ni Iñigo.
"Masaya ako na nakilala kita. Kahit na hindi naging tayo sa dulo, masaya ako na malamang minahal mo rin ako dati. Palagi mong tatandaan na ikaw lang ang babaeng mahal ko. At kahit hindi mo na ako nakikita sa mundong ito, tandaan mo na nakabantay pa rin ako sayo"
Mas lalong nagsibagsakan ang mga luha ni Lumina dahil sa narinig nito.
"Magpakasaya ka Lumina. Ayokong makita kang malungkot pagkatapos ng araw na ito ha? Magagalit ako kapag nalungkot ka"
Tinanggal ni Iñigo ang transmitter sa kanyang tenga at isinuot ito sa tenga ni Lumina. At sa huling pagkakataon, niyakap ng mahigpit ni Iñigo si Lumina at hinalikan ito sa kanyang noo.
"Mahal na mahal kita Lumina"
Bahagya niyang itinulak si Lumina para makalayo na ito sa kanya pero hindi binitiwan ng dalaga ang kanyang kamay.
"Lumina let go of my hand" halos hindi na makapagsalita ang dalaga dahil sa pag-iyak nito. Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya sa nakikita niya. Alam niyang hindi ugali ni Lumina ang umiyak. Nasasaktan siyang makita itong umiiyak nang dahil sa kanya.
Napalingon si Iñigo sa kanilang likuran nang makarinig siya ng mga taong pababa sa hagdan.
"Lumina umalis ka na. Parating na sila"
"Iñigo hindi ko kaya-----"
"Makinig ka sa akin! Umalis ka na!"
Huminga ng malalim ang dalaga at pinagmasdan ang lalaking nasa harapan niya. Ayaw man niyang umalis pero anong magagawa niya? Nagsakripisyo na ito at hindi niya hahayaang mapunta ito sa wala. Kailangan niyang iligtas ang sarili niya gaya ng sabi nito.
Gusto niyang masilayan ang mukha ng binata sa huling pagkakataon.
"Ayun sila!"
"Lumina go!"
Wala nang nagawa si Lumina kundi ang bitiwan ang kamay ni Iñigo at nagsimulang tumakbo palayo nang makita ang mga armadong lalaki na bumaba galing sa hagdan. Lumuluha siyang tumakbo. Muli niyang nilingon ang kinalalagyan ni Iñigo. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti. Ngiting pagpapaalam.
Palapit ng palapit ang mga armadong lalaki sa puwesto ni Iñigo. Napahawak na lamang siya sa kanyang bibig nang i-angat ni Iñigo ang kanyang mga paa nang makarating ang mga lalaki sa puwesto niya at wala pa mang isang segundo, sumabog na ito.
"I-iñigo!" tuluyan na siyang napahagulgol.
Hindi niya akalain na wala na ang taong dalawang taon niyang hinintay na magising. Hindi niya akalain na magagawa nitong ibuwis ang kanyang buhay mailigtas lamang siya. Hindi niya akalain na sa isang iglap ay mawawala na ito ng tuluyan sa kanya.
Kahit nawawalan na siya ng ganang gumalaw at unti-unting nawawalan ng lakas, pinilit niya pa ring maglakad papalayo. Pero hindi mawala sa kanyang isipan ang itsura ni Iñigo sa mga huling sandali na nagkatinginan sila.
'You'll forever be in my heart Iñigo'
![](https://img.wattpad.com/cover/221546795-288-k957697.jpg)
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
AçãoI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.