Third Person's Point of View
Naging magulo ang cafeteria ng Dark University. On-going na kasi ang labanan sa pagitan ni Lumina, Valerie at ng Bloody Sorority.
Ang Bloody Sorority ay ang grupo na pinamumunuan ni Hannah Madrigal. Ang nakaaway nina Lumina. Ang lagi lang nilang target ay puro kababaihan. Ang iba rito ay nakaka-away nila o ang iba naman ay trip lang.
"Argh! Tangina mong peste ka!" binigyan ni Valeri ng isang malakas na suntok ang babaeng humila sa buhok niya.
Sa kabilang banda naman, kumuha ng upuan si Lumina at hinampas ito sa dalawang babaeng palapit sa kanya. Dahil sa lakas nito, natumba agad ang dalawang babae at nawalan ng malay.
Nakita naman niya na papalapit sa kanya si Hannah kaya naman nagbanat siya ng buto.
"Come on bitch" nakangising hamon niya kay Hannah.
Halos sobrang pula na ni Hannah dahil sa galit at inis kay Lumina. Sumugod naman na siya kay Lumina pero ang tanging ginagawa niya lang ay ang umiwas.
"Lumaban ka nga!" inis na sabi ni Hannah.
"Sabi mo eh" prenteng sabi ni Lumina at binigyan ng isang suntok sa mukha si Hannah. Napaatras ito at napahawak sa ilong niya. Sinamaan naman niya ng tingin si Lumina.
"Oh bakit? Sabi mo lumaban ako eh"
Mas lalong nanggigil si Hannah. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang patamaan si Lumina. Si Gelo naman ay nakaupo lang at napapa-iling dahil sa ginagawa ng dalawa niyang kasamahan. Gusto man niyang pigilan pero nakikita niyang nag-eenjoy naman ang dalawa kaya hinayaan niya na lang.
Dahil sa nawawalan na ng pasensiya si Lumina at gusto na niyang tapusin ang kaguluhan na ginagawa nila, mabilis siyang pumunta sa likod ni Hannah at hinatak ang buhok ko. Nakahawak ito ng sobrang higpit sa buhok ni Hannah.
"Ouch! Let me go!" maarteng sabi ni Hannah habang pilit na inaabot ang kamay ni Lumina.
"Alam mo naiinis ako sa mga kagaya mo. Yung bang ang hilig maghanap ng gulo pero hindi naman kaya ang kalaban. Sa susunod na gumawa ka ng gulo, siguraduhin mong hindi ka mapapahiya sa kalaban mo ha" bulong niya sa tenga ni Hannah at malakas na inihampas ang ulo nito sa lamesa. Nawalan naman ng malay si Hannah at humandusay ang katawan sa lapag.
Bigla namang natakot ang iba pang kasamahan ni Hannah dahil sa nangyari sa leader kaya wala silang nagawa kundi ang kuhanin ang leader nila at nagmamadaling tumakbo palabas.
"Tsk! Tsk! Mga duwag naman pala! Walang kwenta!" mayabang na sabi ni Valerie.
Napatunganga naman ang mga manonood dahil sa nasaksihan nila. Kilala nila ang Bloody Sorority. Ni wala pang babaeng kumalaban sa kanila dahil sa takot na baka anong gawin sa kanila perp ito si Valerie at si Lumina, walang takot na pinatumba ang grupo ni Hannah.
Sa isang banda, nakatingin naman ang Nightmares sa dalawang babae. Halata ang pagkabilib nila rito. Lihim namang napangisi si Primo habang nakatingin kay Lumina. Hindi maitatago sa mga mata niya ang paghanga sa dalaga.
Pero ang hindi nila namamalayan, may lihim na nakamasid sa kanila. Nakapako lang ang mata nito sa isang babae.
Kay Lumina.
Lumina's Point of View
"That was fun!"
Napasuklay na lang ako sa buhok ko habang nakatingin kay Valerie. Katatapos lang ng kaguluhan na kinasangkutan namin. Normal lang naman yun dito.
"Oh nag-enjoy naman kayo?" natatawang sabi ni Gelo at tumayo.
"Slight lang. Medyo wala silang thrill kalaban" napangisi naman ako sa sinabi ni Valerie.
"Teka nga Valerie, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Eh kasi naman, naka-uniform din siya tulad namin. Graduated na rin naman ang isang ito ah.
"Pinadala ako ni Barbara rito. Sabi niya kasi may mission daw kayong dalawa. At sabi pa niya, mas mapapabilis daw itong matapos kung marami tayo. Sabi nga nila, the more the merrier!"
Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa na pupunta muna akong restroom dahil ang dumi nga ng damit ko no. Hindi ako papasok ng ganito karumi ang uniform ko.
Papasok pa lang sana ako nang restroom nang may humawak sa kamay ko. Nanlaki naman ang mga mata ko at inihanda ko na ang kamao ko. Akmang susuntukin ko na ang humawak sa kamay ko nang mapatigil ako dahil nakita ko si asshole.
Naibaba ko naman ang kamao ko.
"Palaban ka talaga no? I think i should call you freak now" poker face na saad niya. Nagtsk lang ako atsaka binawi ang kamay ko.
Freak niya mukha niya! Gago.
"Ano bang problema mo? At bakit ka nandito?"
May inabot naman siyang paperbag.
"Anong laman niyan?" kunot noo kong tanong.
"Uso tingnan" napaikot na lang ang mata ko at tiningnan yung laman ng paperbag. And then may nakita akong bagong set ng uniform.
"Is this for me?" tanong ko at mas lalo siyang napapoker face.
"Sayo ko binigay diba?"
Tsk. Tsk.
"Whatever"
Hindi na ako nag-inarte at pumasok na ako sa restroom. Kaysa naman magtiis akong marumi ang damit. Tsaka wala akong dalang extra clothes no. Malay ko bang totopakin yung babae kanina at napagtripan ako.
Nagpalit ako sa isa sa mga cubicle doon. Lumabas naman na ako matapos kong magpalit ng damit at napangiti ako nang makita kong sakto lang sa akin itong uniform na binigay ni Primo. Saan naman niya nakuha ang isang ito? And good choice, match sa size ko.
Akala ko umalis na si Primo pero inabutan ko pa siya sa labas ng restroom.
"Nagkasya ba sayo?" agad niyang tanong nang makalabas ako. Tumango naman ako at bahagyang ngumiti na ikinatigil niya.
"Yeah. It fits me. Saan mo nga pala ito nakuha?" tanong ko. Pero mukhang hindi niya narinig dahil nakatulala pa rin siya kaya naman nagsnap ako ng finger sa harap niya dahilan para mapaayos siya ng tayo.
"W-what?"
"Sabi ko, saan mo nakuha ang uniform na to?"
Tiningnan naman na niya ako.
"Sa dean's office. May stack naman doon" napatango naman ako.
"Malaya ka bang nakakapasok sa dean's office?" out of nowhere na tanong ko. Napakunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko pero maya-maya lang, tumango naman siya.
"Why?" takang tanong niya.
"Wala naman. Naitanong ko lang"
"Tsk. Freak"
"Tsk. Asshole"
Natawa na lang ako sa inasta naming dalawa. Para kaming timang. Paalis na sana kami sa tapat ng restroom nang mapatigil ako dahil sa kakaiba kong nararamdaman.
Someone's watching.
Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang tao.
"Hey freak, something's wrong?" ibinaling ko naman ang tingin ko kay Primo at umiling.
Pero hindi ako pwedeng magkamali kanina. Ganun na ganun ang pakiramdam ko kapag alam kong may nagmamasid sa akin.
What the fuck was that?
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.