Lumina's Point of View
Nagpunta ako sa private unit kung saan nakastay si Primo. Nandito pa rin naman siya para magpahinga. Dito muna sila nagstay ni Sir Theodore sa headquarters for their safety. Hindi na rin kasi safe kung babalik pa sila sa bahay nila.
Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa kama habang may hawak na libro. Woah. May tiyaga pala tong magbasa. Nang makita niya ako, isinara niya yung libro.
"Go on, keep reading" saad ko nang makalapit ako sa kanya. Umiling naman siya.
"Mas gusto kong tingnan ka Lumina" napaismid ako sa sinabi niya. And then ngumisi siya. Tsk. Iniling ko na lang ang ulo ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang leeg niya. Wala ng gaanong init.
"Mukhang pawala na ang lagnat mo" nakangiti kong sabi.
"Magaling kaya ang nag-aalaga sa akin" i just rolled my eyes na ikinatawa niya. Napatingin naman ako sa kanya. Ngayon ko na lang ulit siya narinig na tumawa. Napangiti na lang ako. It's good to see him laugh.
Dalawang araw na siyang nandito at mabuti na lang at iniinom niya yung mga gamot na pinainom ko sa kanya kaya pagaling na siya. Kaunting pahinga pa at pwede na siyang madischarge rito. Nagtagal pa ako ng ilang minuto hanggang sa napagpasiyahan kong lumabas na. May lakad kami ni Iñigo ngayon.
"Aalis ka na?" tumango ako bilang sagot sa tinanong ni Primo.
"May lakad kami ni Iñigo ngayon" biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Kanina nakangiti siya pero ngayon naging poker face na ito.
"Tsk" i just shrugged. Ano namang sagot yan. Tsk.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ang phone ko na nilapag ko kanina sa table.
"Lumina..." napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ako. Itinaas ko naman ang dalawa kong kilay. Wala naman siyang sinasabi.
"Tsk. Kung wala ka namang sasabihin, aali-------" napatigil ako sa pagsasalita nang hilahin niya ang kamay ko kaya napalapit ako sa kanya at kasabay nun ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.
Para akong nabingi dahil sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nabibingi ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko.
"Sige na umalis ka na"
Saka lang ako nakarecover at sinamaan ko siya ng tingin.
"Gago ka talaga!" singhal ko sa kanya na ikinatawa lang niya. Pasalamat siya at may sakit pa siya dahil kung hindi, baka nasapak ko na siya.
"Ingat" may pilyong ngiting saad niya at kumaway-kaway pa siya. Inikutan ko na lang siya ng mata at lumabas na. Napahawak naman ako sa dibdib ko nang may makita akong tao sa tapat ng private unit ni Primo.
"K-kanina ka pa diyan?" kinakabahan kong tanong dahil baka nakita niya yung ginawa ni Primo. Ngumiti naman siya sa akin.
"Kararating ko lang. Tara na?" nakangiti siya pero bakit parang iba ang sinasabi ng mats niya? Hindi ko na lang iyon pinansin at tumango.
"Tara na"
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Iñigo. Basta niyaya niya lang akong umalis ngayon. Sumakay kami sa sasakyan niya at pinaandar na niya ito. Tahimik lang si Iñigo sa byahe na ikinataka ko. Hindi naman siya ganyan katahimik. May problema ba siya?
"Hey Iñigo, are you fine?" tanong ko habang nagdadrive siya. Tumango naman siya at ngumiti habang nakatingin sa daan.
"Yes i am"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.