Lumina's Point of View
"Congratulations to Nightmares!"
Umingay na naman ang paligid nang manalo ang Nightmares. Hindi naman na ako magtataka, madali lang naman patumbahin ang mga nakalaban ni Primo. Yes siya lang mag-isa. Si Seth kasi nga hindi raw availabe sa hindi ko malamang dahilan at si Hans naman, may emergency dahil itinakbo sa hospital ang mommy niya ngayong gabi. Tumawag siya kanina kay Primo.
Kaya ang ending, mag-isa lang ulit lumaban si Primo. Kahit naman wala siyang kasama kaya na niya. Lumabas na siya ng Battle Circle at nilapitan ako. Ni wala man nga ata siyang pawis. Ngumisi naman siya sa akin nang makalapit siya.
"Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangang sumama. I can handle it"
Tsk! Yabang! Wala naman akong pake sa mga kalaban niya. Ang inaalala ko ay si Shadow. Baka bigla na lang sumulpot ang gagong yun.
"We should go home" saad ko.
"Actually there's a place i need to visit" kumunot naman ang noo ko.
"Saan naman?"
8:00 pm pa lang naman at medyo maaga pa. Nakapagpaalam naman ako kay Barbara at naiintindihan naman daw niya dahil kasama ko si Primo. Sus, sabihin niya, ayaw niya lang mapuruhan itong anak ng kaibigan niya.
Hinila niya ako palabas ng Battle Field. Naging mapagmasid naman ako pero wala naman akong naramdamang kahit na ano. Sumakay na ako sa kotse niya. Kotse niya kasi ang gamit namin. Itetext ko sana si Barbara na may pupuntahan lang kami saglit ni Primo pero drained na pala ang phone ko at hindi ko na mabuksan.
"Primo patext nga ako"
"Shutdown na yung phone ko. Nadrained na"
Bumuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan. Sabihin ko na lang na nagtagal kami sa Battle Field. Halos lagpas isang oras din siguro ang naging byahe namin at nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kong nasa sementeryo kami. Pumasok siya sa loob at sumunod lang ako.
Naglakad siya papunta sa gitna hanggang sa magstop kami sa isang lapida. Elijah Zuckery. Yan ang pangalan na nabasa ko sa lapida. May bulaklak na din dito at mukhang may nauna nang bumisita.
"Today is my mother's death anniversary"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Malungkot yung boses niya at parang nalungkot din ako bigla.
"Mukhang bumisita na si dad dito" saad niya at inayos yung bulaklak na nasa gilid ng lapida at umupo siya sa damuhan.
Nakaramdam naman ako bigla ng guilt. Ito ba yung sinasabi ni Hans kanina na may pinagdadaanan lang siya kaya parang wala siya sa sarili? Aish. Sinabihan ko pa man din siya ng kung ano-ano.
"I know you're in a peaceful place now but i still wish that you were here with us"
Ramdam mo talaga yung lungkot sa boses niya. Bumibigat din ang pakiramdam ko dahil nakikita ko siyang malungkot. Hindi ko alam, baka siguro dahil hindi lang ako sanay na makita siyang malungkot.
Kinausap lang niya ng kinausap ang mommy niya na para bang kaharap niya lang ito. Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanya. At sa bawat salitang binibitiwan niya, halata talagang miss na miss na niya ang mommy niya. Close na close siguro sila. Kahit ako rin naman, hindi ko kakayaning mawala si Barbara sa akin.
Umupo naman ako sa tabi niya dahil nakikita kong sobrang lungkot na niya. Nakita kong napatingin siya sa akin. Tumingin naman ako sa lapida.
"Hi po Mrs. Zuckery. I am Lumina Velarde. Kaibigan po ako ni Primo"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.