Chapter Thirty Three

242 9 0
                                    

Third Person's Point of View

Halos paliparin na ni Lumina ang sasakyan niya para lang agarang makarating sa Phoenix Headquarters. Nang tumigil ang sasakyan niya, nagmamadali itong lumabas at tumakbo papasok sa headquarters.

"Panget, sino si Iñigo?" yan naman ang tanong ni Seth nang makababa sa sasakyan.

Ipinagpaalam kasi sila ni Valerie kay Barbara kung pwede niya itong isama sa headquarters dahil gising na nga si Primo, pumayag naman si Barbara dahil alam niyang kaibigan niya ang mga ito.

"Mahabang istorya panget. Mamaya makikita mo kung sino siya sa buhay ni Lumina" ang tanging sagot ni Valerie sa kasama niyang binata.

Sabay-sabay pumasok ang apat sa loob. Si Valerie, Seth, Gelo, at Hannah. Sumakay sila sa elevator papunta sa floor kung nasaan ang mga Private Unit.

"Iñigo!"

Natigil ang mga doktor sa pagcheck kay Iñigo maging si Barbara nang biglang dumating si Lumina. Halos maluha-luha siya nang makitang gising na nga ang binatang matagal na niyang hinihintay. Sumenyas naman si Barbara na lumabas muna sila para iwan ang dalawa. Bago lumabas si Barbara, binalingan muna niya ng tingin ang kanyang anak at ngumiti. Alam niyang matagal nang hinihintay ni Lumina ang araw na ito.

"Lumina"

Napangiti siya nang banggitin ng binata ang pangalan niya. Dali-dali naman siyang lumapit dito at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Shit Iñigo! Gising ka na nga" masayang sabi ng dalaga. Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman niya ngayon. Lagpas dalawang taon na niyang hinihintay ang paggising ng binata at hindi siya makapaniwalang may malay na ito.

Napangiti naman si Iñigo nang makita si Lumina. Yumakap naman ito pabalik at hinalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga.

"Woah, sino yun?" gulat na sabi ni Seth habang nakatingin sa loob ng isang private unit.

Nakatayo silang apat sa tapat ng pinto ng unit kung nasaan si Iñigo. Glass door kasi ito kaya malinaw nilang nakikita ang loob. Nasaksihan din nila ang pagyayakapan ng dalawa at ang paghalik ni Iñigo sa uli ni Lumina.

"Yun na ba si Iñigo?" tanong naman ni Hannah. Tumango naman si Gelo na nasa tabi niya bilang sagot.

"They both look so happy" dagdag pa ni Hannah.

"Oo nga. Ngayon ko na lang nakitang ngumiti ulit si Lumina. Sino ba siya?" tanong naman ni Seth.

Nagkatinginan naman ang magpinsan at pasimpleng ngumiti. Ibinalik ni Valerie ang tingin kay Lumina at Iñigo. Tama sila. Ngayon na lang ulit naging light ang mood ni Lumina simula nung may mangyari kay Primo.

"He is Iñigo Ferrer. Lumina's first love"

**************

"Primo! Sa wakas at nagising ka na rin!" inakbayan naman ni Seth si Primo pero agad din itong inalis ni Primo.

Nandito ngayon ang apat sa private unit kung nasaan si Primo. Inilibot niya ang paningin niya at nadismaya nang hindi niya nakita ang hinahanap niya. Inaasahan niya kasi na siya ang una niyang makikita paggising niya.

"May hinahanap ka ba?" pilyang sabi ni Valerie.

"Nasaan si Lumina?" napangisi naman siya. Tama nga ang hinala niya.

"Ayun nandun sa first love niya. Nagising na kasi" sinamaan naman ni Valerie ng tingin si Hannah dahil sa sinabi nito.

"What? Sinagot ko lang naman ang tanong niya" mataray na sabi ni Hannah.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon