Chapter Eighteen

293 9 0
                                    

Lumina's Point of View

"Ano ba? Tumayo ka na nga diyan!"

Gusto ko na siyang itulak sa upuan niya. Kanina pa kami hinihintay nila Val sa cafeteria at itong isa naman na ito ay nakadukmo lang sa lamesa niya. Ewan ko ba at parang sinapian siya ng katamaran ngayon.

"Dali na! Huwag ka nang maarte!"

"Isa Primo!" nang banggitin ko ang pangalan niya, tumayo naman na siya. Aish! Kailangan pa ba talagang banggitin ko ang pangalan niya?

Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalabas ng room. See? Ni hindi man lang ako hinintay. Napailing na lang ako at sumunod na palabas.

Pumunta naman na kami sa cafeteria at itong isang ito, may nakasalubong na lalaki tapos bigla na lang tinulak. Yung lalaki naman ay halos manginig-nginig na habang patayo. Tiningnan ko na lang siya na para bang sinasabing pagpasensiyahan na lang niya si Primo.

Nakita naman namin sila Val na nakaupo na sa isang table at may mga pagkain na sa harapan. Umupo naman na si Primo at umupo rin ako sa tabi niya. Eh sa yun lang ang bakanteng upuan eh.

"Akala namin hindi na kayo darating" saad ni Hans nang makaupo kami.

"Ito kasing lider niyo, nag-iinarte pa" natawa naman si Seth at si Hans sa sinabi ko at itong isa naman, sinamaan lang ako ng tingin. I just raised my brow.

Simula nang matapos ang araw na yun, yung nagpunta kami sa talon, mas naging komportable akong kasama si Primo. Siguro dahil nakita ko yung other side niya. Na hindi lang pala siya si Primo na laging nakakunot ang noo at nakabusangot. Mas naging okay rin naman yun para sa akin at hindi ako nahihirapang bantayan siya.

Hindi na rin asshole at freak ang tawagan namin kundi pangalan na mismo namin. Nag-evolve ba.

"Pagpasensiyahan mo na yan si Primo. May pinagdadaanan lang yan ngayon" sabi ni Hans. Pinagdadaanan?

"Birthday ko na pala sa Biyernes" lahat kami ay napatingin kay Seth nang magsalita siya. Ano na ba ngayon? Tuesday?

"Weh panget? May birthday ka pala" Val.

"Bakit anong tingin mo sakin? Hindi tao?"

"Parang? Ang panget mo kasi eh!"

At nagsimula na naman silang magbangayan. Bakit ba panget ang tawagan nila? Wala namang panget sa kanilang dalawa? Iba na talaga ang takbo ng utak ng mga tao ngayon.

"Ipapareserve ko yung resort namin sa friday at doon na lang tayo. Pwede ba kayo? Overnight tayo" sabi ni Seth.

"I like that idea. Magrelax-relax naman tayo" sabi ni Gelo. Tiningnan ko naman siya at tinaasan ng kilay.

Kailangan pa naming humingi ng permiso kay Barbara bago kami makasama no.

"I'm in! Birthday mo yun tol! Dapat kumpleto tayo!" nakangiting sabi ni Hans at inakbayan si Seth.

"Kayo ba?" tanong niya at tumingin naman sa amin. Tiningnan naman ako ni Valerie.

"Balitaan na lang kita kung sasama ako. Magpapaalam muna ako kay Barbara" sagot ko naman.

"Sino naman si Barbara?" tanong ni Hans. Napaismid naman si Gelo at natawa naman si Valerie.

"My mother" napanganga naman siya at tsaka si Seth. Si Primo naman ay nakakunot lang ang noo.

"Pangalan lang ang tawag mo sa kanya?" tanong pa ni Hans at tumango lang ako.

"Woah! That's cool!" komento naman ni Seth. Nagkibit balikat na lang ako atsaka sila nginitian. Well this group is actually nice. Hindi ko akalain na magiging close kami sa kanila.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon