Chapter Seventeen

326 8 0
                                    

Lumina's Point of View

Woah.

That's what i can say from what i see.

"How the hell did you find this kind of breathtaking place?" manghang tanong ko sa kanya.

Nasa tapat ako ngayon ng isang talon. Napakaganda lang tingnan dahil napapalibutan ito ng iba't ibang kulay na bulaklak. May mga paru-paro pang nagsisiliparan. Lalo na nung papunta kami, dumaan kami sa isang napakahabang tulay para lang makarating dito. It's kind of adventure.

"This is my mother's favorite place. Dito niya ako laging dinadala kapag gusto naming mamasyal" napatingin naman ako sa kanya nang banggitin niya ang mommy niya. Nakatingin lang siya sa talon pero bakas ang lungkot sa mga mata niya.

Bahagya ko naman siyang tinabig kaya napatingin siya sa akin.

"Don't be sad. I'm sure masaya ang mommy mo ngayon kung nasaan man siya dahil bumisita ka sa paboritong lugar niya" sabi ko at ngumiti sa kanya.

Ilang segundo niya rin siguro akong tiningnan hanggang sa nakita ko siyang ngumiti.

What the fuck!? Did he just smile?

"Nagsmile ka ba?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. Umiling naman siya.

"Nope" tanggi niya. Sus! Hindi naman ako bulag no!

"Itatanggi mo pa. Nakita ko no! Ngumiti ka" pang-aasar ko at sinundot-sundot ko pa ang tagiliran at bewang niya.

"H-hey! Stop that shit!" natawa naman ako nang lumayo siya sa akin.

Haha! May kiliti ang isang Primo Zuckery sa bewang! Ang tagapagmana ng Pentagon Mafia, tumitiklop sa isang kiliti!

"Now i've found your weakness" taas kilay kong saad at ginagalaw-galaw ko pa ang mga daliri ko.

"Don't you dare-----damn!" napamura na lang siya nang tumakbo na ako papalapit sa kanya kaya tumakbo din siya palayo.

Natatawa naman akong humabol sa kanya.

"Come on! Huwag kang duwag!" natatawa kong sabi. Hindi ko siya maabutan kasi ang bilis niyang tumakbo. Letse! Ang hahaba naman kasi ng mga paa niya! Siya na kasi matangkad.

Mga ilang minuto rin siguro kaming naghahabulan at walang napapagod sa aming dalawa. Talagang ayaw niyang magpakiliti ha. Ito lang pala ang katapat niya ha.

"Stop running Primo!"

Sa pagsigaw kong yun, tumigil naman siya sa pagtakbo. Napangisi naman ako nang huminto siya kaya ginawa ko na yung chance para makalapit sa kanya.

"Got ya!" saad ko at kiniliti ko na siya. Mukhang nabigla siya sa ginawa ko kaya napaharap siya sa akin at pilit na hinuhuli ang kamay ko.

"S-shit! Stop tickling me!"

"I won't i won't" natatawa kong saad. Eh sa nag-eenjoy ako eh.

"I said sto-----"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sabay kaming ma-out of balance. Nakahawak ako sa kamay niya kaya nahila ko siya at sabay kaming natumba nung may maapakan akong bato.

Hindi naman ako makagalaw nang makita kong nasa itaas ko siya habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Napatitig naman ako sa mga mata niya. Ito na naman ang mga mata niyang may kakaibang dating sa akin.

Why do i feel something different?

"Did you call my name earlier?"

Nai-alis ko ang tingin ko sa mga mata niya nang magsalita siya. Wait ano raw? Tinawag? Ah right. Dahan-dahan naman akong tumango.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon