Lumina's Point of View
Nagising ako at napahawak sa ulo ko. Nakita kong may dugong tumutulo sa may noo ko. Pero imbis na mag-alala para sa sarili ko, ang unang pumasok sa utak ko ay si Primo.
"Primo" kagaya ko ay nakahiga siya ilalim ng upuan at walang malay. Agad kong ininspect ang katawan niya at laking pasasalamat nang makita kong wala siyang tama ng kung ano man. Tanging galos lang sa pisngi dahil siguro sa pagtalsik ng bubog.
Inilibot ko ang paningin sa labas at ang lakas pa rin ng ulan. Nakita ko ang pag-usok ng sasakyan dahilan para manlaki ang mga mata ko. Shit. We need to get out of here.
"Primo wake up!" tinapik tapik ko ang pisngi at ang braso niya pero hindi siya gumigising. Tumayo na ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hinila ko si Primo at napadaing ako nang kumirot ang braso ko. Shoot! Nakalimutan kong may tama pala ako ng bala sa braso.
Mas lalo akong nataranta nang mag-apoy na yung harap ng sasakyan ni Primo pero nawala rin agad dahil sa ulan.
"Tangina Primo! Gumising ka nga!" naramdaman ko ang paggalaw ng katawan niya at ang unti-unting pagbukas ng mga mata niya. Napatingin siya sa akin. Hawak-hawak ko ang isa niyang kamay dahil hinihila ko nga siya palabas.
"W-what's happening-----you're bleeding" saad niya habang nakatingin sa noo ko.
"Bilisan mo! Lumabas ka na sa sasakyan mo! Sasabog na ito!" mukhang natauhan siya sa sinabi ko at mabilis siyang kumilos palabas ng sasakyan niya.
Nang makalabas siya, sabay kaming tumakbo palayo sa sasakyan niya at hindi nga ako nagkamali, ilang sandali lang ay biglang sumabog ang sasakyan ni Primo.
"Lumina you're bleeding"
Hinawakan ko ang kamay niya at tumakbo sa kung saan. Gabing-gabi na at mukhang walang dumadaan pa rito kaya kailangan naming humanap ng masisilungan. Masyadong malakas ang ulan.
"Kailangan nating humanap ng masisilungan Primo"
Takbo lang kami ng takbo dahil lumalakas na ang ulan. Nabuhayan naman ako nang may maaninag akong parang isang waiting shed kaya hinila ko na si Primo pagdating doon. Akala ko waiting shed siya pero nang makalapit kami, para itong munting kubo pero halata na ang kalumaan nito. Pumasok kami sa loob at wala naman itong kalaman-laman. Napakaliit lang din nito at kasya lang sa aming dalawa.
Hingal naman akong napaupo sa lapag pero mabilis na umalalay sa akin si Primo.
"Hey are you fine?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Ikaw ba? Ayos ka lang? Wala bang masakit sayo?" kumunot ang noo niya.
"Ako ang nagtatanong sayo Lumina. Ayos lang ako pero ika-------damn it! May tama ka sa braso!?"
Naiiwas ko na lang ang tingin ko at napahawak sa braso. Ramdam ko ang masama niyang tingin na hindi ko na lang pinansin. May kinuha siya sa bulsa niya at panyo ito. Kahit basa ito, pinunasan niya ang gilid ng noo kung saan may dugo at kinuha niya ang braso ko para itali doon yung panyo.
"Fuck. Kailangan na nating makaalis dito. May tama ka ng ba-----"
"Primo, dito na tayo magpalipas ng gabi. Malakas ang ulan at madilim sa daan. Wala tayong mahihingan ng tulong sa ngayon kaya hintayin na lang nating sumikat ang araw" pagpuputol ko sa sasabihin niya.
Naglipat-lipat pa ang tingin niya sa akin at sa braso ko hanggang sa narinig ko na lang siyang bumuntong hininga.
"Will you be fine?" tipid na nginitian ko lang siya at tumango. Hindi naman ako mamamatay sa simpleng tama sa braso. Sumenyas akong umupo na rin siya para makapagpahinga siya. Umupo naman siya sa tabi ko.
Wala pa man kaming phone ngayon dahil nandun iyon sa sasakyan. Kung sakali man, hindi rin namin ito magagamit dahil drained sila. Ibang relo pa man din ang suot ko at walang tracking device na nakakabit dito kaya imposibleng mahanap ako ni Barbara. Bumuntong hininga na lang ako.
Parehas kaming basang-basa ni Primo ngayon dahil sa malakas na ulan. Napayakap na lang ako sa sarili ko nang lamigin ako bigla. Napatingin naman sa akin yung kasama ko.
"Are you cold?" tumango lang ako. Humiga siya sa lapag at inispread niya yung isa niyang braso.
"Come here" saad niya at sumenyas na humiga rin ako sa tabi niya. Nagdalawang-isip naman ako kung hihiga ako sa tabi niya.
"Come on Lumina. Kailangan mo ring magpahinga" wala na akong nagawa nang hilahin niya ako pahiga sa tabi niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa braso niya.
Para namang may kung anong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang yakapin niya ako. Nakasuporta ang isa niyang kamay sa likod ko at ang isa naman ay sa may ulo ko.
"P-primo anong ginagawa mo?" nag-angat ako ng tingin para makita ang mukha niya. Nagtama ang mga mata namin at tipid na ngiti lang ang nakita ko sa kanya.
"I'm just giving you a body heat para kahit papaano mabawasan ang pagkalamig mo"
Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong tumango at ngumiti dahil sa sinabi niya. Body heat. Tsk. Daming alam pero mukhang effective naman dahil nabawasan yung lamig na nararamdaman ko.
Lumipas ang ilang minuto at gising pa rin ako. Hindi ako makatulog at hinihintay ko lang na dapuan ako ng antok. Ito namang si Primo, nakapikit na at hindi ko alam kung tulog na ba siya. Pinagmasdan ko naman ang mukha niya. Masyadong on-point ang itsura ng isang ito. Para bang ang bawat parte ng mukha niya ay maingat na pinag-isipan. Siya na kasi gwapo.
"Primo..." tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya nagmulat ng mata. Tulog na ata siya.
"Alam mo bang sobra akong natakot kanina para sayo?"
Totoo yun. Hindi ko akalain na makakaramdam ulit ako ng takot kanina. Huling kong naramdaman iyon ay nung mga panahong nakita kong duguan at walang malay si Iñigo.
"Natakot ako dahil baka mapahamak ka. Nangako ako sa mommy mo na ilalayo kita sa pahamak at ayokong sirain yun. Pero masaya ako na wala namang nangyaring masama sayo" napangiti na lang ako nang marealize kong kinakausap ko ang isang tulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bumukas naman ang mga mata niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil akala kong tulog na siya.
"Is it true? You're scared for me?" halos bulong lang na sabi niya pero sapat na para marinig ko.
Nasabi ko naman na kanina kaya wala ng dahilan para itanggi pa. Tumango na lang ako. Nakita ko ang pasimple niyang pagngiti kaya napangiti rin ako.
"You said that you'll going to stay me away from danger right?" tumango na naman ako.
"I'll do the same to you Lumina"
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"I will do anything to protect you no matter what"
Sa mga sandaling iyon, para bang naging panatag ang pakiramdam ko. Those words are so soothing. It gives me relief. Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Sleep Lumina. You have to rest"
Isang tango lang ulit ang isinagot ko at ipinikit na ang mga mata ko.
"Goodnight Primo" saad ko nang maipikit ko na ang mga mata ko.
"Goodnight too, Lumina"
Natigilan ako nang maramdaman kong may malambot na bagay ang dumampi sa noo ko. Ramdam ko rin na may kung ano na naman akong naramdaman sa tiyan ko at ang mabilis na paggalaw sa may dibdib ko. What the heck?
Did he just kissed me in my forehead?
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.