Third Person's Point of View
Natigilan ang lahat dahil sa narinig na pag-uusap ni Iñigo at Lumina mula sa transmitter na kanilang suot.
"G-gelo, si Iñigo" malungkot na saad ni Valerie na napatigil sa pagtakbo matapos marinig ang pagsabog. Isang ngiting mapait na lamang ang ibinigay niya sa pinsan bilang sagot.
"G-gelo" niyakap na lamang niya ang pinsan niya. Maging siya ay nabigla sa nangyari. Hindi nito inaasahan na hahantong sila sa ganung sitwasyon. Malapit din sa kanila ang binata kaya sobra rin ang pagkalungkot nila nang malaman ang nangyari.
"Lumina asan ka!?"
Sa kabilang banda naman ay ang aligagang si Primo. Kanina pa siya nakikipagbarilan sa mga nakakasalubong niya. May tama na rin siya ng bala sa braso at dumudugo na ito. Wala siyang makuhang sagot sa dalaga. Ang tanging naririnig niya lang sa kabilang linya ay ang pag-iyak nito.
"Shit Lumina"
Alam niyang hindi maganda ang kondisyon ng dalaga at mas lalo itong hindi gumanda dahil sa pangyayari. Sobra-sobra na ang pag-aalala niya. Gustong-gusto na niyang makita ang dalaga.
Nakarating na siya sa first floor kung saan umaapoy dahilan ng pagsabog. Tinakpan niya ang kanyang ilong gamit ang damit niya dahil sa makapal na usok. Tumakbo siya papunta sa isang hallway kung saan papunta ito ng exit. Natigilan siya nang may makita siyang babaeng nakahawak sa pader at parang habol na ang hininga nito.
"Lumina!"
Agad siyang kumilos nang makilala kung sino ito. Mabilisan siyang tumakbo papunta sa puwesto ng dalaga. At nang makalapit siya, agad niya itong inalalayan at binigyan ng isang yakap.
"P-primo" nanginginig ang mga kamay nito at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya.
"Sshh... Stop crying" pagpapatahan ni Primo habang hinihimas-himas ang buhok nito.
"S-si I-iñigo----" nahihirapang saad ni Lumina at naiyak na naman habang nakasandal sa dibdib ni Primo.
Hindi maiwasan na makaramdam ng awa ni Primo dahil sa nakikita niya. Bukod sa iba na ang kulay ni Lumina, mugto pa ang mga mata nito dahil sa kakaiyak. Hindi naman niya ito masisi. Bukod sa alam niyang si Iñigo ang kauna-unahang lalaking minahal ni Lumina, alam niyang naging mahalaga rin ito sa kanya kaya ganun ang reaksyon niya.
Naalala naman niya bigla ang pag-uusap nila ng binata sa van kanina bago sila makarating sa lugar kung saan dinala si Lumina.
"Primo gaano mo kamahal si Lumina?"
Kumunot naman ang noo ni Primo at lumingon sa katabi niyang si Iñigo. Sila ang magkatabi sa may likuran ng van.
"At bakit mo tinatanong?" kunot noong saad ni Primo.
"Sagutin mo na lang ako" napa-tsk na lang siya pero sumagot din naman.
"Hindi ko masusukat ang pagmamahal ko kay Lumina pero kayang-kaya kong isugal ang lahat ng meron ako para lang sa kanya. Mahal na mahal ko siya"
Napangiti naman ang binata at tumango.
"Alagaan mo siyang mabuti. Huwag mo siya hahayaang maging malungkot. Palagi mo siyang pasayahin at pangitiin-----"
"Teka bakit mo ba sinasabi ang mga yan? Alam ko ang mga dapat kong gawin Iñigo" kunot noong pahayag ni Primo.
"Nagpapa-alala lang. Baka makalimutan mo" ngumisi naman si Primo.
"Tsk. Hindi mo kailangang ipaalala. Sisiguruhin kong siya ang magiging pinakamasayang babae sa mundo"
Tumango na lang ulit si Iñigo dahil sa sinabi ni Primo.
"Mabuti naman kung ganun. Pinakawalan ko siya para sayo dahil alam kong ikaw na ang nasa puso niya kaya alagaan mo siyang mabuti"
Hindi man gusto ni Primo ang presensiya ni Iñigo dahil sa katotohanang siya ang first love ni Lumina, pero hindi niya inaasahang yun na ang huli nilang pag-uusap.
"Oh, what a scene" napalingon silang dalawa sa taong nagsalita. Napamura na lang si Primo nang makitang nakatayo si Damian Fernando sa mismong exit ng warehouse.
"G-gago" nagawa pang magmura ni Lumina kahit na umiiyak pa ito.
"Hanga talaga ako sa tibay ng katawan mo Lumina. Akalain mo nga namang nagagawa mo pang tumayo ngayon"
Hinila ni Primo si Lumina papunta sa likod niya upang itago ito. Hinawakan naman ni Lumina ang kamay ni Primo. Napalingon siya rito at nakita niya itong nakahawak na sa kanyang dibdib at nahihirapang huminga.
"Shit Lumin-----" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla siyang tumalsik sa kung saan dahil sa pagsipa ni Damian.
"P-primo!----- f-fuck!" napamura na lang si Lumina nang hawakan ni Damian ang kanyang buhok ng mahigpit.
"F-fuck you to d-death Carlos" siniko ni Lumina ang tagiliran ni Damian pero parang wala itong naging epekto sa kanya dahil sa nanghihina na nga si Lumina.
"Don't touch my girl!"
Nakatayo na si Primo at akmang susuntukin si Damian nang makailag ito at binitiwan si Lumina. Bumagsak si Lumina sa lapag.
"Lumina!"
Akmang pupuntahan na ni Primo si Lumina nang harangan siya ni Damian. Agad naman siyang umilag sa sipa na dapat ay tatama sa kanya. Nagpalitan sila ng suntok at ilang beses din siyang natamaan ng kamao ni Damian. Kahit may katandaan na ito, hindi pa rin maitatago ng galing nito sa pakikipaglaban.
"Wala kang karapatang saktan ang babaeng mahal ko" seryoso at tila ba nawawalang pasensya na sabi ni Primo.
Galit ang nararamdaman niya ngayon dahil sa ginawa nito kay Lumina. Umilag siya sa kamao ni Damian at binigyan ito ng malakas na uppercut sa sikmura. Dahil sa lakas nun, napaubo ng dugo si Damian. Agad ding nakabawi si Damian at sumugod kay Primo.
Pinilit na makaupo ni Lumina at inilibot ang paningin. Nang buksan niya ang kanyang mga mata, umikot pa ang kanyang paningin kaya bahagya niyang inalog-alog ang kanyang ulo. Nang tuluyang umayos ang kanyang paningin, napamura na lamang siya nang makitang nakikipaglaban si Primo kay Damian. Parehas na napuruhan ang dalawa. Kung nasa tamang kondisyon lang ang katawan niya, agad siyang tatakbo papunta kay Primo at tulungan ito. Pero wala siyang magawa, nanlalambot ang katawan niya kaya naman naghanap siya ng ibang paraan para makatulong.
Nakita niya ang isang armadong lalaki na duguan at nakahandusay sa baba. Gumapang siya papunta roon at kinuha ang baril na nasa kamay ng bangkay. Patuloy pa rin na naglalaban ang dalawa. Naghahanap lamang siya ng tsempo. Sinubukan niyang ikasa ang baril pero hindi niya magawa.
"T-tangina" napamura na lang siya dahil sa frustration.
Muli siyang lumingon kay Primo na ngayon ay nasipa si Damian kaya tumalsik ito.
"P-primo!"
Napalingon naman si Primo nang tawagin siya ni Lumina. Buong lakas na inihagis ng dalaga ang baril papunta sa kanya. Agad niya itong sinalo at ikinasa. Akmang tatayo na si Damian nang muli itong bumagsak dahil binaril na ni Primo ang kanyang ulo.
Dali-dali namang lumapit si Primo papunta kay Lumina.
"Kaya mo pa ba?" tanong ni Primo habang inaalalayan niya si Lumina na makatayo.
"K-kaya ko pa"
Hinawakan niya ang bewang ni Lumina at inilagay ang isang kamay nito sa kanyang leeg. Lakad-takbo silang lumabas ng warehouse. Ang akala nila ay makakalayo na sila nang may maaninag si Primo sa di kalayuan. Isa itong lalaki na nakasuot ng suit and tie habang may hawak na baril na nakatutok sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ni Primo nang makitang kinalabit na nito ang baril at wala na siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ang nanghihinang si Lumina.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.