Chapter Thirty

258 7 0
                                    

Third Person's Point of View

Hindi na nagsayang ng oras si Lumina at siya na ang naunang sumugod.

"Val, cover up Primo"

"Copy Lumina"

Inilabas ni Lumina ang dala niyang baril at unang pinuntirya ang mga lalaking may hawak na baril. Walang habas niya itong pinapaputukan sa noo o di kaya naman ay sa dibdib.

"Woah Lumina. You are getting vicious"

Hindi niya pinansin ang boses na narinig sa kabilang linya at nagfocus lamang sa pakikipaglaban. Napayuko siya nang maaninag na may balang palapit sa kanya. At nang mailagan niya ito, saka tumayo ng maayos at binaril ang taong nagpakawala ng bala.

Nagslide siya papunta sa isang grupo at napaatras naman ang mga kalalakihan. May mga nagpapaputok ng baril sa kanya kaya naman humablot siya ng isang lalaki at ginawa itong shield. Imbis na siya ang matamaan, yung lalaki ang napupuno ng bala. Sumuka na rin ito ng dugo dahil sa dami ng tama.

Nagtatago siya sa likod at magpapaputok din ng baril sa mga kalaban. May isang lalaki sa gilid niya na papatamaan sana siya ng bala nang bigla itong bumagsak.

"Oops. Got ya"

Napangisi na lang siya nang marinig ang boses ni Valerie. Nakaback-up lang sa kanya si Valerie dahil masyadong marami ang mga kalaban. Halos lagpas itong fifty at nasa trenta pa ito sa ngayon.

Binitiwan na niya yung lalaking hawak niya nang maubusan siya ng bala. Nagtumbling papunta sa isang lalaki at nang makalapit siya, mabilis niyang hinablot ang patalim na hawak nito at isinaksak ito sa dibdib. Hinugot niya ang patalim mula sa dibdib at ihinagis naman ito sa isa pang lalaki na papalapit sa kanya na tumama naman sa noo.

"Oh shit!"

Napakunot ang noo niya nang makarinig ng pagkalabog sa kabilang linya.

"Valerie anong nangyari sayo?" rinig niya ring saad ni Gelo. Si Gelo naman ay kasalukuyang tumatakbo papunta sa sasakyan. Medyo malayo kasi ang pinagparkingan nila para hindi sila masyadong mahalata.

"Nalaglag ako sa sanga. Don't worry i'm fine"

Tumayo naman si Valerie mula sa pagkakabagsak at kinuha ang sniper niya. Tumakbo naman siya papunta sa building.

Sa isang banda, ang walang malay na si Primo ay biglang nagising dahil sa mga ingay na naririnig niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at agad siyang napamura nang makita si Lumina na may sinasaksak na isang lalaki.

Maingat naman siyang umupo pero napadaing siya dahil sa sakit ng katawan. Maraming pasa ang katawan niya at sugat dahil na rin sa pangbubugbog ni Hans nang manlaban siya kanina bago siya isakay sa van. Napansin naman ni Lumina ang paggalaw ni Primo kaya napatingin siya rito. Para siyang nabuhayan nang makitang gising na ito pero agad itong napalitan ng takot dahil alam niya ang susunod na gagawin nito.

"Tangina Primo! Huwag kang aalis sa puwesto mo!"

Maging si Primo ay nabuhayan nang marinig ang boses ng dalaga. Hindi napansin ni Lumina na may parating sa kanya dahil nakay Primo ang atensyon nito kaya naman nagawa siya nitong hampasin sa likod at napaluhod.

"Damn! L-lumina!"

Pinilit na tumayo ni Primo para makalapit sa dalaga pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang ma-out of balance siya agad. Mabilis namang hinawakan ni Lumina ang bakal na ipinalo sa kanya nang lalaki at malakas itong hinampas sa ulo.

"Gago ka. Masakit yun ha" saad niya atsaka hinampas na naman yung lalaki.

Binalingan niya ng tingin si Primo na ngayon ay nasa lapag na naman pero makikita mo na pinipilit pa rin nitong makatayo. Nagpatuloy naman sa pakikipaglaban si Lumina.

Naghigh kick siya at sinipa ang isa sa dibdib. Pagkatapos ay tinalon niya ang isang lalaki papunta sa leeg nito. Ipit-ipit niya ang leeg ng isang lalaki at sabay bending niya at naglagay siya ng pwersa sa mga paa niya kaya naman pagbend niya, ay siya namang pagbalibag ng lalaki.

May taong palapit kay Lumina pero hindi niya ito napansin kaya buong pwersang tumayo si Primo at sa pagkakataong ito, hindi na siya natumba at nagawa niyang makapunta sa likuran ni Lumina at sanggain yung bakal na dapat ay tatama kay Lumina. Napamura na lang siya nang tumama ito sa may balikat niya dahilan ng pagkatumba niya.

Mabilisan namang lumingon si Lumina sa kanyang likod at nagtiim ang bagang sa kanyang nakita. Mabilis siyang lumapit sa lalaki at sinipa ito sa sikmura kaya tumalsik ito. Kinuha niya ang patalim na nasa gilid niya at inihagis ito sa lalaki.

"Tangina mo Primo. Sabing huwag kang aalis sa puwesto mo eh!" nanggigigil na saad ni Lumina at tinulungang makatayo si Primo.

"H-he was going to h-hit you"

"Primo naman! Hindi ka talaga nakikinig sa akin ano? Ayos lang na ako ang matamaan, basta huwag lang ikaw"

Wala sa lugar pero hindi naiwasan ni Primo na mapangiti dahil sa sinabi ni Lumina.

Si Valerie na malapit na sanang makapasok sa building ay natigilan nang marinig ang sinabi ni Lumina. At si Gelo naman na nakasakay na sa van ay nahulog pa ang susi dahil din sa narinig. Halos hindi makapaniwala ang magpinsan.

"Nasaan na kayo? We need back-up"

Saka lang natauhan si Valerie at Gelo nang muling magsalita si Lumina. Tuluyan nang nakapasok si Valerie sa loob ng building. Pumwesto naman na siya at sumilip sa scope ng baril niya. Pinapatamaan niya ang mga nagbabalak na lumapit kila Lumina at Primo. Si Gelo naman ay pinaandar na ang van papunta sa tapat ng building.

Nang matumba na ang lahat, isinabit ni Valerie ang sniper sa kanyang balikat at tumakbo papunta kila Lumina para tulungan ito sa pag-aalalay.

Malapit na sana silang makalabas nang sa isang gilid ay may isang lalaking nagawang tumayo. May hawak itong baril at itinutok ito kay Lumina. Napansin ito ni Primo at automatic na niyakap niya si Lumina. Bago pa man makapagreact si Lumina, nakarinig na siya ng dalawang magkasunod na putok ng baril.

Halos manigas siya sa kinatatayuan niya nang unti-unting bumabagsak ang binatang nakayakap sa kanya.

"Fuck! Primo!"

Napaluhod siya para saluhin ang katawan ni Primo na pabagsak. Nakarinig na naman sila ng putok ng baril and this time, galing na ito kay Gelo. Natumba na ang lalaking bumaril kay Primo.

Mabilis na tumakbo si Gelo papalapit sa puwesto nila Valerie. Maging si Valerie ay hindi nakakilos dahil sa nakita.

"P-primo..." halos manginig ang mga kamay ni Lumina habang tinatakpan nito ang dibdib ni Primo na walang tigil sa pagdugo.

"Lumina, tara na. Kailangan na nating umalis. Kailangan nating madala si Primo sa headquarters"

Natataranta namang tumango si Lumina at hinayaan niyang buhatin ni Gelo si Primo. Mabilisan silang nagpunta sa van at nang makasakay silang lahat, pinaandar naman na ni Gelo ang sasakyan. Hindi na napigilan ni Lumina ang mga luha niya nang makita ang kalagayan ni Primo.

"P-primo..."

Naging kulay pula na rin ang kamay niya at ang damit niya dahil sa dugo na nanggaling kay Primo.

Si Valerie naman ay tahimik na nakamasid sa kaibigan niya. Nahihiwagaan siya sa ikinikilos nito pero ngayon na nakita niya ang reaksyon ni Lumina nang makitang nabaril si Primo, mukhang alam na niya ang sagot sa kanyang palaisipan. Hinawakan na lamang niya ang balikat ng kaibigan.

"V-val, si Primo..." umiiyak na saad ni Lumina. Binigyan niya ito ng isang ngiti at niyakap.

"Tiwala lang Lumina. Magiging ayos din siya"






A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon