Chapter Ten

372 13 0
                                    

Lumina's Point of View

"Oh ayan na pala siya eh" tiningnan ako ni Barbara at sumenyas na lumapit ako. But i am still in shocked so i stay still kaya naman siya na mismo ang lumapit sa akin at hinila ako.

"This is my daughter Lumina Velarde. A reaper of Phoenix and will be the guardian of the heir"

Ngumiti naman yung head ng Pentagon Mafia pero yung katabi niya ay nakakunot ang noo.

"It's finally nice to meet you Lumina. Hawig talaga kayo Barbara" ngumiti naman si Barbara.

"Aba syempre naman Theodore, nagmana sa akin ang babaeng ito"

Casual lang naman silang mag-usap dahil kung hindi niyo pa alam, magkaibigan ang dalawang yan. Kaya siguro sa amin sila nanghingi ng tulong.

Binalingan ko ng tingin si Primo na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin habang nakakunot ang noo. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Itong isang ito ang babantayan ko!? Malaki na ito eh! Atsaka leader pa nga to ng leading gang? So tell me? Kailangan pa ba niyang bantayan?

"Nag-aaral itong si Lumina sa Dark University for some mission. I bet nagkita na kayo, tama ba ako?" saad ni Barbara. Isang tipid na tango lang ang sinagot ko.

Kung alam mo lang Barbara, tinawag akong bitch niyan.

"Lumina, this is my son. Primo Zuckery. Siya ang tagapagmana ng Pentagon Mafia. Nanghingi ako sa inyo ng tulong dahil nangangamba ako sa kaligtasan niya"

"Naku Theodore, huwag kang mag-alala. Babantayan yan ni Lumina. Hindi ba Lumina?" tiningnan ko lang si Barbara at ngumiwi. Bigla naman niya akong kinurot sa tagiliran kaya napalayo ako sa kanya.

"Hindi ba Lumina?" bawat binitiwan niyang salita ay madiin kaya sapilitan akong napatango.

"See? Babantayan niya raw. Mabuti na lang din at sa iisang paaralan lang sila nag-aaral. What a coincidence nga naman" lihim na lang na napa-ikot ang mga mata ko.

"Kayong dalawa diyan, mag-usap muna kayo. May pag-uusapan lang kami ni Theodore"

Pinagkrus ko lang ang mga kamay ko at lumabas na ng office ni Barbara.

"So you're a reaper" itinagilid ko ang ulo ko at nakita kong nakasunod na siya sa akin sa paglakad. Babalik lang naman ako sa kanina, kung saan ako nagpapahangin.

"So ikaw pala ang heir ng Pentagon Mafia" saad ko.

"No wonder why your reflexes are good" tatango-tangong sabi niya.

"No wonder why you are still an asshole"

Ewan ko ba! Naiinis ako! Bakit kasi babantayan ko ang isang ito!?

"You look annoyed" hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Hindi pa ba obvious!? Malamang nababanas ako! Bakit kailangan pa kitang bantayan!? May on-going akong inaasikaso ngayon at dumagdag ka pa? Malaki ka naman na ah! Kaya mo na ang sarili mo!" iritado kong sabi at ibinalik ang tingin sa harapan atsaka huminga ng malalim.

"What's your mission?"

"Wala ka ng pake du------"

Natigilan ako sa pagsasalita nang may maalala ako. Right. May kailangan pala ako sa kanya.

"I need to know something. Sino yung lalaking kausap mo sa Layla Street two days ago?" kumunot naman ang noo niya at para bang hindi niya alam yung sinasabi ko.

"What?"

"Around 10:30 in the evening. You are with someone and talking about a bag. Who is that?" siya naman ang natigilan sa sinabi ko.

"You was there?" takang tanong niya.

"Accidentally. May pinuntahan lang ako at nagkataon na nakita kita"

"But that's already late at night. It's dangerous for a girl like you to wander around"

"I am reaper. Don't forget that. Pwede bang sabihin mo na lang sakin kung sino siya? Ang dami mo pang tanong eh. Tsk"

"And why do you want to know?" napapoker face na lang ako.

"Look asshole, tagabantay mo na ako ngayon so kailangan alam ko ang lahat ng nangyayari sayo" he just turn away his gaze from me.

"I don't know" kunot noo naman akong napatingin sa kanya. He don't know?

"Hindi ko siya kilala pero may kailangan siya sa akin"

"The bag?" he nodded.

"Ano bang laman ng bag na sinasabi niya?" curious kong tanong.

"It's something confidential. I guess that is really important kaya gustong-gusto niyang makuha sa akin"

Confidential?

"Paano ba napunta sayo yun?"

"That was in the Battle Field. Pauwi na sana ako nang may makita akong dalawang tao sa likod ng Battle Field. Mukhang may agreement sila. Inabot naman nung isa yung bag"

"I thought that was just a normal conservation not until he shot the other man. So i interfere. I run after the shooter. Naabutan ko siya at nakalaban ko siya. Parehas kaming napuruhan pero nakuha ko yung bag sa kanya kaya ngayon, binabalikan niya ako para doon"

Kung ganun... Anong laman ng bag na yun?

"Ano bang laman ng bag na yun? At bakit inaabangan ka pa niya para doon?"

"That's not for you to know" inis naman akong tumingin sa kanya.

"Tell me! I need to know it!"

"It's dangerous"

"Siraulo ka ba? Sinabi nang ako ang tagabantay-----"

"Hindi ko kailangan ng tagabantay. Si dad lang ang mapilit"

"Just tell me what's inside that fucking bag!" umiling siya kaya naman napasuklay na lang ako sa buhok ko para pakalmahin ang sarili ko.

Kailangan kong malaman kung anong laman nun. Sabi ni Gelo, natrack niya si Shadow nung gabing yun sa may Layla Street around 10:30 pm. Sakto namang ganung oras ay nandun ako at nakita ko si Primo kasama yung lalaking yun at hinahanap ang bag sa kanya.

Atsaka ang sabi ni Barbara, inambush ang Pentagon Mafia at ang Ring of Fire ang may kagagawan nun. Posibleng kaya nila inambush ang isa sa mga hideout ng Pentagon ay para sa list na yun. That bag must be very important. And just like what he said, it's dangerous. Tangina lang niya at ayaw niyang ipaalam.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Yung lalaking kausap ni Primo ay si Shadow. And one thing is also i'm sure of.

Primo is the target.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon