Lumina's Point of View
Kinaumagahan, wala akong katabi. Malay ko ba kung nasaan ang seatmate ko. I wonder kung napuruhan ba siya kagabi. Nandito naman yung dalawa niyang kaibigan. Don't tell me natalo siya nung kalaban niya?
Maging si Gelo ay wala rin. Si Val lang ang nandito.
Dumating na ang prof namin at bigla ring dumating si Gelo. Hingal na hingal ito. Nagmarathon ba siya? Sinundan ko lang siya ng tingin. Tumingin naman siya sa akin at sumenyas na mag-usap kami mamaya. Tumango lang ako.
Natapos ang discussion at break time na ulit.
"Woy, bakit wala si Primo?" rinig kong tanong ni Seth kay Hans.
"Malay ko rin. Wala naman siyang sinabing mag-aabsent siya ngayon" sagot naman ni Hans.
"Lumina! Alam mo ba kung bakit absent si Primo?" napataas naman ang kilay ko nang ako ang tanungin ni Seth.
"Pake ko dun? Atsaka bakit sakin mo hinahanap. Close kami?" taas kilay kong saad.
"Hay nako. Pasensiya na Lumina. Alam mo naman si Seth, sinasaltik minsan" sabi ni Hans at ngumiti. Ibinaba ko naman ang kilay ko at tumango. Mabuti na lang at may matino pa sa grupo nila.
Napatingin naman ako nang may humawak sa braso ko. Nakita ko na lang na hila-hila ako ni Gelo palabas ng room. Si Val naman, nakasunod lang.
"Aish! Hindi mo naman ako kailangang hilahin Gelo. Tsk!" inis na sabi ko sa kanya nang bitiwan niya ako.
"Wala akong panahon sa katarayan mo Lumina" natawa naman si Valerie sa sinabi ng pinsan niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya.
"Oh ano na bang sasabihin mo pinsan?" tanong ni Valerie. Hinila naman kami ni Gelo palayo sa karamihan.
"Kagabi kasi, na-activate na naman yung locator" nanlaki naman ang mga mata ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Akala ko tulog ka na eh" napaikot na lang ang mata ko.
"Oh nasan naman ang location ni Shadow?" matinong tanong ni Valerie.
"Sa Layla Street. Malapit ito sa Blue Avenue"
Napakunot naman ang noo ko. Lalyla Street? Saan ko nga ba ito naki-----oh right! Kagabi! Yung eskinitang dinaanan ko kung saan ko nakita si----
"Gelo can you tell me what time mo nalocate si Shadow?" seryoso kong tanong sa kanya.
Kinuha niya ang phone niya ay may tiningnan doon.
"Mga around 10:30"
Fuck!
*****************
Lumipas ang dalawang araw at hindi pa rin pumasok si Primo. Tangina naman. Kung kailan may gusto akong alamin saka pa siya wala? Nasaan ba ang lintik na yun? Hindi pa naman siguro siya patay ano?
May gusto lang akong kumpirmahin. Siya lang ang nakita ko sa street na yun ng mga ganung oras kasama ang isang lalaki. At siya lang ang makakasagot sa akin kung si Shadow nga ang lalaking iyon o hindi. Kilala niya ba si Shadow? Actually sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip sa kanilang dalawa. Kay Shadow at kay Primo.
At kung siya nga si Shadow, ano yung bag na tinutukoy niya?
"Oh Lumina si Lance yun oh" sabi ni Val at itinuro si Lance na naglalakad papasok ng cafeteria.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.