Third Person's Point of View
"Jean!"
Nagmamadaling lumapit si Hans nang makita niyang nakaupo sa sahig si Jean at umiiyak. Nakasunod naman sa kanya si Barbara na tagaktak na ang pawis dahil sa mga nakalaban.
"Jean! Ayos ka lang!?" napatingin sa kanya ang dalaga at mas lalo itong napaiyak.
"H-hans..." niyakap nito si Hans at umiyak.
"Sandali Jean. Anong nangyari sayo? Bakit may pasa ka sa pisngi!?" singhal ni Hans nang mapansin ang mukha ni Jean.
"S-si Lumina" nanlaki naman ang mga mata ni Barbara nang marinig ang pangalan ng anak niya. Agad siyang lumuhod para makalevel si Jean.
"Nasaan si Lumina!? Sabihin mo kung nasaan siya!?" tarantang sabi ni Barbara habang nakahawak sa mga braso ni Jean.
"Sumama siya kila Gregor"
Tila biglang nanlambot si Barbara dahil sa narinig.
"Sumama siya sa kanila kapalit ng pagpapakawala sa akin. Dala nila ang Lethal Serum at nanganganib ang buhay ni Lumina. Kailangan natin silang mahanap agad!"
Hindi na alam ni Barbara kung ano ang gagawin niya. Nakaramdam siya bigla ng takot at pangamba para sa kanyang anak. Ito ang ikinatatakot niya kung bakit ayaw niyang isama si Lumina rito. Ang takot na baka makuha siya nito mula sa kanya.
Sa kabilang banda, halos hindi na makagalaw si Primo dahil sa narinig mula sa transmitter. Narinig niya ang sinabi ni Jean mula sa trasmitter na suot ni Barbara.
"Lumina..."
Inis niyang nasuntok ang pader na nasa malapit niya.
"Damn it!"
Naiinis siya sa sarili niya. Ang sabi niya ay poprotektahan niya si Lumina pero nabigo siya. Nakuha siya nila Gregor. Napasuklay na lang siya sa buhok niya at hingal na napaupo sa lapag.
Pagod na pagod na rin ang katawan niya dahil sa dami ng nakalaban. Habang naghahanap kay Lumina, naubusan ito ng bala kanina kaya mano-mano niyang kinalaban ang mga nakakasalubong na tauhan ng Black Temple. May mga sugat na rin siyang nakuha pero wala siyang pake. Ang gusto niya lamang ay mahanap ang dalaga.
"Everyone get out of the building! Limang minuto na lang at sasabog na ang bomba!"
Nabigla naman si Primo dahil sa narinig kaya nagmamadali siyang tumayo at kahit madilim, hinanap niya ang daan palabas.
****
"Nasaan na ang iba!?" natatarantang tanong ni Valerie kay Gelo.
"Hindi ko alam. Ang sabi ko ay lumabas na sila ng building"
Aligaga namang tumingin si Valerie sa building. Dalawa pa lang sila ni Gelo na nakakalabas kasama ang iilang tauhan ng Phoenix. Si Iñigo naman kasi ay humiwalay sa kanila kanina sa loob para hanapin si Lumina. Sasamahan na sana nila ito kaya lang bigla na lang itong nawala sa paningin nila. Hindi naman nila ito masisisi dahil makikita ang labis na pag-aalala sa kanya nang malaman niyang nawawala si Lumina.
"Barbara!" agad nilang nilapitan sila Barbara nang makita nila ito. Kasama nito si Hans at si Jean. Agad namang inalalayan ni Gelo si Barbara na labis ang pangambang makikita sa mukha niya.
Isang minuto ang nakalipas at magkasunod na dumating si Iñigo at si Primo.
"Lumayo na tayo rito" nagawa pang makapagsalita ni Barbara sa kabila ng nalaman. Sumang-ayon naman ang iba sa kanya at tumakbo sila palayo sa building at ilang sandali lang, halos mapayuko sila nang marinig ang isang malakas na pagsabog.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.