Chapter Forty Two

256 5 0
                                    

Third Person's Point of View

Nakahanda na ang lahat. Handa na ang Pentagon Mafia at Phoenix para sa pagsugod. Sumakay na sila sa kanya-kanya nilang van. Si Gelo ay abala sa kanyang laptop habang katabi niya si Valerie na nag-aayos ng sniper nito. Nasa likod naman nila si Hans na tahimik lang na nakapikit.

Nasa pinakaharap si Iñigo at nagdadrive habang kasama nito si Barbara na nasa passengers seat. Nasa pinakadulo si Lumina at Primo na magkatabi naman. Nakapikit lamang si Lumina at para bang napakalalim ng iniisip. Hindi mawala ang pangamba sa kanya simula nung umalis isa. Hindi niya alam pero may hindi siya magandang nararamdaman. Itinago niya na lang ito para hindi na mag-alala pa ang mga kasama niya.

"Hey, you okay?" naimulat ni Lumina ang mga mata niya nang magsalita ang katabing si Primo. Pinilit na lamang niyang ngumiti at tumango.

"Yeah i'm fine" tanging sagot na lamang niya. Kahit na iyon ang sinagot niya, batid ni Primo na nangangamba ito kaya naman hinawakan nito ang kamay ng dalaga para pagaanin ang loob nito.

Hinawakan ni Primo ang ulo ni Lumina at ipinasandal ito sa kanyang balikat atsaka hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

Isang oras din ang nakalipas bago sila nakarating sa boundary ng Black Temple. Tumigil ang van ilang metro pa ang layo para hindi sila mahalata. Nagsibabaan na ang laman ng limang van.

"Remember the plan. We have to take Jean De Leon out of this place and the Lethal Serum. You are allowed to kill" ma-awtoridad na sabi ni Barbara. Nagsitanguan naman kanyang mga kasama at ang mga tauhan ng Phoenix.

Lahat sila ngayon ay armado. Maingat silang tumakbo papunta sa malaking pader na nakapalibot sa building ng Black Temple.

"Saan ang daan papasok dito?" tanong ni Barbara sa kasamang binata. Si Hans.

"Halika kayo, sumunod kayo sa akin"

Sumunod ang lahat kay Hans. Nagpunta sila may bandang likod ng building.

"Walang bantay sa parteng ito kaya kahit akyatin natin ito ay hindi nila tayo makikita" pahayag ni Hans.

Kumuha sila ng lubid na may anchor sa dulo ay inihagis ito sa kabilang parte ng pader. Nakiramdam muna sila kung may kakaiba pero nang wala silang mapansin ay nagsimula na silang umakyat. Naunang umakyat si Iñigo at tumalon na papunta sa loob.

"Clear"

Nang marinig nila ang senyales ni Iñigo sa transmitter ay sunod-sunod na silang nagsi-akyatan para makapasok sa loob. Bumungad sa kanila ang isang napakahaba at napakalaking building. May umuusok pa sa pinakataas ng building. Ito kasi ay nakalocate sa mismong laboratory ng Black Temple.

"Everyone move" nagsikilos naman na ang lahat nang magsalita si Barbara. Naghati-hati na sila. Pinalibutan nila ang buong building.

Ang magkakasama ngayon ay si Barbara, Hans, Primo, at Lumina at ibang tauhan . Habang ang sa kabila naman ay si Iñigo, Valerie, Gelo at iba ring tauhan ng Phoenix.

"Tandaan niyo, mag-ingat kayong mabuti. Stick to the plan"

Nagsimula nang gumalawa ang bawat isa. Nagpunta sila Lumina sa pinakalikod na parte ng building kung nasaan ang exit. May nakita silang mga taong nakapula at itim kaya napatago sila bigla.

"Gelo ano na? Ayos na ba?" tanong ni Lumina mula sa transmitter na suot.

"Two minutes" gaya ng sinabi ni Gelo, naghintay pa sila ng dalawang minuto. Pinasok kasi ni Gelo ang system ng Black Temple para magawa niyang i-access ang power system nila.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon