Chapter Eleven

402 14 0
                                    

Lumina's Point of View

"Aray ko gago! Umayos ka ng upo!"

"Sus! Mataba ka lang kasi!"

"Mataba!? Itong katawan kong ito mataba!?"

"Sige nga maghubad ka para makita ko"

"Bastos! Kadiri kang gago ka!"

Kagusto ko nang tahiin ang bibig ni Seth ni Valerie dahil sa sobrang ingay nilang dalawa. Ayan kasi, nagyaya pa siyang dito kami umupo kasama ang Nightmares. Walang taga-awat dahil wala si Gelo. Kailangan kasi siya sa headquarters. For some tracking issues kaya hindi muna siya makakapasok.

"Lumayo-layo ka nga!"

"Bakit ako ang lalayo!? Bakit hindi ika------"

"Tangina! Pwede ba manahimik kayong dalawa!?" hindi ko na napigilan na magtaas ng boses dahil sa ingay nila. Napatingin naman sila sa akin. Maging ang iba rito sa cafeteria ay nakuha ko ang atensyon.

"Hala ka nagalit na si Lumina"

"Aba bakit ako? Kasalanan mo kaya. Ang ingay-ingay mo kasi"

"Pfftt.... Lumina mabuti pa kumain ka na lang, hayaan mo na silang dalawa" sabi ni Hans at hinila ako ulit paupo. Binigyan naman niya ako ng sandwich. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang nakakunot na noong itsura ni Primo habang nakatingin sa sandwich. Problema niya? Gusto niya ba yun?

Bumuntong hininga na lang ako at kinuha yung sandwich. Humarap naman ako kay Hans.

"Thanks" tipid na saad ko at nginitian niya lang ako.

It's been a week simula nung malaman kong si Primo ang babantayan ko. Hindi pa alam nila Val ang tungkol dito at maging ang gang ni Primo. Pinagbawalan kasi kami ni Barbara at ni Sir Theodore na ipaalam ito sa iba. Sumusunod lang kami. Sinabihan ko naman si Primo na kailangan ireport niya sa akin ang bawat nangyayari sa kanya. Kung saan siya pupunta o kung may kung anong lakad siya. Wala naman na akong magagawa kundi ang bantayan siya. Malilintikan ako kay Barbara kapag hindi ko ginawa ito.

At sa isang linggong nakalipas, hindi pa naman binalikan ni Shadow si Primo. I claimed it that he is Shadow. I am certain about that. Hindi na ako pwedeng magkamali this time. Saka ko na lang sasabihin kila Gelo.

Natapos kaming kumain at napagpasyahan nilang bumalik na sa room for next class. Hinila ko naman sa tabi ko si Valerie dahil delikado na magkatabi sila ni Seth. Nakakarindi sila kapag nagtatabi. Nadaanan namin ang grupo nila Hannah na masamang nakatingin sa amin.

"Sarap tanggalin ng mga mata nila tapos gawing lollipop" napangisi na lang ako sa sinabi ni Valerie. Nagtama nag mata namin ni Hannah at bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko.

Anong problema ng pesteng yun?

Bored ko lang siyang tiningnan at nagdire-diretso na ako sa room namin. Umupo naman na ako. Yung katabi ko naman, dumukmo lang at pumikit na. Balak sigurong matulog. Pumasok naman na yung professor namin.

Nasa kalagitnaan ng discussion nang magvibrate ang phone ko. Wala sana akong balak kuhanin ito kaya lang nagvibrate na naman. Binuksan ko ito dahil baka si Barbara ang nagtext pero ganun na lamang ang pagsalubong ng kilay ko nang makita kong galing ito sa unknown number.

I heard you are looking for me.

Yan ang nakalagay sa message. Shit!

Shadow.

Siya agad ang unang pumasok sa utak ko nang mabasa ko yung text. How the fuck did he know my number!?

Tumayo ako sa mula sa pagkakaupo. Nakita kong napatingin sa akin si Primo pero hindi ko na siya pinansin. Lumapit ako sa professor at nagpaalam na pupunta lang ng restroom. Pagkalabas na pagkalabas ko ng room, tinawagan ko kaagad si Gelo.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon