Lumina's Point of View
"Is that the only reason why you want me to put me away from danger?"
Napasuklay na lang ako sa buhok ko matapos kong bumuntong hininga. Hindi ko gusto na makitang malungkot ang mga mata niya.
"Pero may panahon pa naman para linawin mo ang nararamdaman mo"
Nailing ko na lang ang ulo ko nang maalala ko yung sinabi sa akin ni Valerie. Hindi pwede to. Hindi pwedeng dalawa sila.
"Nevermind. I am fine now. Just don't blame yourself. You can go now. I'm sure your first love is waiting for you"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mukhang alam na rin niyang nagising si Iñigo. Pero tangina, paano ako aalis kung ganyan kalungkot ang boses niya?
Damn it Primo.
Kusang gumalaw ang mga paa ko at nagulat na lang ako nang makita kong lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Alam kong maski siya ay nabigla sa ginawa ko. Lintik. Pati rin naman ako.
"Lumina..."
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at bumuntong hininga.
"I have my own reason kung bakit ayokong mapamahak ka. And please, huwag na huwag mo na ulit gagawin yun. Sobra mo kong pinakaba Primo"
"I will do the everything just to make you safe Lumina"
Kumalas ako sa yakap ko sa kanya at kunot noo siyang tiningnan.
"Primo naman! I am a reaper and was tasked to protect you! Hindi ka ulit pwedeng mapahamak!"
Siya naman ngayon ang kumunot ang noo.
"Then why?"
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.
"Give me a fucking valid reason why should i not risk my life for you" seriousness is over him. If i was just a normal girl, i would be definitely intimidated by the voice he used by now.
I just sighed and look directly in his eyes.
"Because i can't lose you Primo"
***********************
After one week...
"Humihina ka na ata Lumina?"
Aba ang yabang nito ha! Tinaasan ko siya ng kilay atsaka ako nagbend para patirin siya. Nagawa niyang makatalon kaya mabilis akong gumulong papunta sa kanya atsaka hinila ang paa niya dahilan para bumagsak din siya.
"Shit!" tumayo ako at inapakan ang dibdib niya.
"Sino sa atin ngayon ang mahina?" ngising saad ko. Ngumiti lang siya kaya tinanggal ko na yung paa ko sa dibdib niya. Nilahad ko ang kamay ko para tulungan siyang makatayo.
"You're still great" ngiting sabi niya. I just smirk. Nandito kami ngayon sa training room ng headquarters. Nagyaya siyang magtraining eh. Ni hindi na nga ako pumasok. Pagbigyan.
"And will always be great" bigla naman niya akong sinakal gamit ang braso niya pero hindi naman niya dinidiinan.
"Natulog lang ako ng dalawang taon naging mahangin ka na" natawa naman ako sa sinabi niya at hinawakan ang braso niya para tanggalin yun sa leeg ko pero hindi niya ito tinanggal.
"Iñigo, nagbibiro lang ako" natatawa kong saad. Tatanggalin ko na sana ulit yung braso niya sa leeg ko nang matigilan ako nang bigla niya akong hinalikan si pisngi kaya naman napalingon ako sa kanya. Nakita ko lang ang isang matamis na ngiti sa kanya at tinanggal na niya yung braso niya sa pagkakasakal sa akin.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.