Third Person's Point of View
Napakagulo na ng paligid. Ang kaninang maayos na building ng Black Temple ay nasira na. May mga basag na ring mga salamin ng building at mga gamit na nagkalat sa kung saan-saan.
"Fucking shit! Lumina nasaan ka!?" natatarantang tanong ni Primo mula sa transmitter nang makitang wala na ang dalaga sa tabi niya.
Nagkahiwa-hiwalay kasi silang apat dahil sa dami ng mga sumugod sa kanila. Idagdag pang may naghagis ng granada sa kanila kaya kanya-kanya sila ng nagawang pagtago dahilan para magkahiwa-hiwalay sila.
"Ano!? Hindi mo kasama si Lumina!?"
Halos mabingi rin si Primo nang marinig ang boses ni Iñigo sa kabilang linya.
"Kaya nga hinahanap ko diba?" inis na sabi nito.
"Shit! Akala ko bang magkasama lang kayo!?"
"Kanina oo! Pero bigla na lang siyang nawala!"
"Kung alam ko lang dapat pala sumama na ako sa inyo"
"Anong gusto mong palabasin!?"
"Wala akong gustong palabasin Primo. Ang gusto ko lang ay masigurong ligtas si Lumina"
"Ano ba yan! Magsitigil na nga kayong dalawa at hanapin niyo na lang si Lumina!"
Napabuntong hininga na lang si Primo nang awatin na sila ni Valerie. Mabilis siyang nagpalit ng bala ng baril at tumakbo papunta sa kung saan. Kanina niya pa kinakausap si Lumina sa transmitter pero wala itong nakukuhang sagot na mas lalong nakapagpakaba sa kanya. May natamo na rin siyang sugat sa braso at binti pero hindi niya ito binigyan ng pansin. Wala siyang ibang nasa isip ngayon kundi hanapin si Lumina.
"Tangina" napamura na lamang si Lumina nang may makasalubong siyang grupo ng mga armadong lalaki. Nakita siya ng mga ito kaya agad siyang napatago nang paputukan siya ng mga bala.
Ikinasa na niya ang baril atsaka lumabas sandali para barilin ang mga lalaki. Tatlo rito ang napatumba niya agad. Hindi na niya alam ang nangyayari sa mga kasama niya dahil natanggal ang transmitter sa tenga niya nang pasabugan sila ng granada kanina. Hindi niya na ito nakita at wala na siyang panahon para hanapin pa ito.
Sandali niyang sinilip ang mga lalaki at papunta na ito sa direksyon niya kaya naman nagmamadali siyang tumakbo papunta sa isang room. Pumasok siya roon at nagtago sa isang gilid. Madilim naman kaya malabong makita siya roon. Nang makita niyang nakapasok na ang mga lalaki mula sa night vision na suot niya, pinatamaan na niya sa ulo ang isa.
"Nasaan siya!?"
Napangisi na lang siya nang makitang natataranta ang mga ito habang palinga-linga sa paligid para hanapin siya. Inasinta niya ang dibdib ng isang lalaki at nagpakawala na naman ng bala. Naalarma ang iba kaya naman nagkalat sila sa room. Hindi naman na nagsayang ng oras si Lumina at lumabas na siya sa pinagtataguan niya at pinagbababaril ang mga lalaki. Tumalon siya papunta sa kinalalagyan ng isa nang akmang babatuhin siya nito pero agad niya itong sinipa at pinaputukan sa ulo.
Nang mapatumba ang lahat, nagmamadali siyang lumabas ng room at tumakbo papunta sa kung saan. Kailangan niyang mahanap ang laboratory. Nasa kalagitnaan siya ng pagtakbo nang may maaninag siyang babae na nakasuot ng labcoat at may dala-dala itong isa maliit na case. Natataranta ito habang palingon-lingon sa likod. Tumakbo siya papalapit dito at hinawakan sa braso ang babae.
"Oh my gash!" napasigaw ang babae dahil sa gulat. Tiningnan ni Lumina ang nakasulat sa labcoat nito.
Jean De Leon.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
AzioneI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.