Chapter Fifteen

322 10 0
                                    

Lumina's Point of View

"Who is Shadow?"

Napacross-arms na lang ako. Well, expected ko naman na itatanong niya yan dahil sa nasaksihan niya kagabi. Siguro hindi niya expect na kilala ko ang lalaking humahabol sa kanya.

"An enemy" casual na sagot ko.

"Why did he became your enemy?" lumapit ako sa kanya at sumandal din sa sasakyan niya.

"Simple lang. Assassin siya ng Ring of Fire. Kalaban ng organisasyon namin ang Ring of Fire at alam mo naman siguro na sila rin ang nang-ambush sa Mafia niyo" simpleng sagot ko.

"Is that it?" salubong ang kilay kong tumingin sa kanya.

"Yeah" ngumisi naman siya na ikinakunot ng noo ko.

"I doubt it" napataas naman ang kilay ko.

"I bet that's not the only reason why you want to get him. The anger i saw in your eyes yesterday, it's says something" napaiwas na lang ako ng tingin.

"Who's him?"

Umalis naman ako sa pagkakasandal sa kotse niya at seryoso siyang tiningnan. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi ko alam na tsismoso ka pala" saad ko.

"Just curious"

"Mabuti pa umalis ka na" tanging sabi ko at tumalikod na.

"The bag..." napatigil naman ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya.

"Hindi ba't gusto mong malaman kung anong laman nun?"

Doon na ako tuluyang humarap ulit sa kanya. Bakit bigla niyang binanggit ang bag?

"Yeah i want to" sagot ko.

"I will let you see it" napaismid naman ako sa sinabi niya. Anong nakain ng isang ito? Parang kailan lang ang ayaw niyang sabihin sa akin kung anong laman ng bag na yun. Napangisi na lang ako sa takbo ng utak niya.

"Anong kapalit?" siya naman ang napangisi dahil sa itinanong ko.

"Tell me who is he"

********************

Pumikit ako at hinayaang liparin ng hangin ang buhok ko rito sa rooftop. Nilingon ko naman ang katabi ko at nakatingin lang siya sa kawalan. Tumingin naman siya sa akin na para bang sinasabi niyang magsalita na ako. Bumuntong hininga na lang ako.

Para sa lintik na bag na yun.

"He is Iñigo Ferrer" panimula ko. Panandalian naman akong napangiti dahil ngayon ko na lang ulit binanggit ang buo niyang pangalan.

"Two years ago may mission si Iñigo at nagkataong nakalaban niya si Shadow. But sad to say masyado siyang napuruhan. Nahuli ako ng dating. Pagkakita ko sa kanya duguan na siya at walang malay"

"Where is he now?"

"Nandito siya sa headquarters. Nasa isa siyang private unit at comatose pa rin ang lagay. Two years na akong naghihintay na magising siya. Kaya gusto kong mahuli si Shadow is because of him" mapait kong saad. Napansin niya siguro yung lungkot sa boses kaya napatingin siya sa akin.

"He must be very special to you right?"

Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong napansin sa boses niya or baka naman guni-guni ko lang.

A Reaper Named Lumina (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon