Lumina's Point of View
Parehas kami ng naging reaksyon. Pagkabigla.
Tangina! Anong sinabi ko!?
"What?" hindi makapaniwalang sabi niya. Napaiwas naman agad ako ng tingin dahil ramdam na ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Hey Lumina, what did you say?"
Hindi ko siya pinansin at inistraight ko nang ininom yung gatas at nilagay sa sink yung baso.
"I-inaantok na ako Primo. Aakyat na ako sa kwarto ko" nagmamadali akong umalis ng kitchen pero dahil siya si dakilang Primo, nahawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.
Fuck!
Hinawakan niya ang dalawa kong braso at sapilitang pinaharap sa kanya. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil sa hiya. Tanginang bibig naman kasi to.
"Lumina i am asking you again, what did you say?"
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi niya ito pinakawalan.
"Lumina ang dali lang naman ng tinatanong ko. Come on, speak. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko" sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Gago. Sa tingin mo madali yung tinatanong mo? Hindi mo ba nakikita? N-nahihiya ako" nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti kaya napaiwas na naman ako ng tingin. Letse lang talaga. Ayoko ng ganito.
"Just let me hear it again"
Hindi ko akalain na aamin ako ngayong gabi sa lalaking ito. Bumuntong hininga na lang ako. Mukhanh tototohanin niya yung sinabi niyang hindi kami aalis dito hangga't hindi ako sumasagot. Fuck it! Huminga ako ng malalim.
"I said i love you Primo" nakayuko kong saad. Biglang tumahimik sa paligid. Maging siya ay hindi na gumalaw at nagsalita kaya naman nag-angat ako ng tingin para makita siya.
Napangiwi naman ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin habang nakangiti ng malawak.
"You mean it?" nakangiti niyang tanong.
"Mukha ba akong nagbibiro Primo?" taas kilay kong saad. Umiling naman siya.
"I just can't believe it"
Napasuklay na lang ako sa buhok ko kahit hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Either me. I still can't believe it. Pero anong magagawa ko? Nahulog na ako sayo. All this time akala ko si Iñigo pa rin pero nagkamali ako Primo. Nalamangan mo siya" saad ko sabay ngisi. Paano ba naman, ngumisi din ang loko.
"Sabi ko na nga ba. Lamang na lamang ako sa lalaking iyon" tsk. Nagyabang pa.
"Ako ba hindi mo ako tatanungin sa kung anong nararamdaman ko para sayo?" tanong niya at ngumiti na naman ng malawak. Napangiti naman ako at bahagyang hinilamos ang isa kong kamay sa mukha niya.
"Hindi na kailangan. Alam ko naman ang sagot" proud ko pang sabi. Ramdam ko naman. Kahit hindi na niya sabihin. Sadyang nagbulag-bulagan lang ako dati.
"Ano ba?"
"You love me too" mayabang kong saad. Umiling naman siya kaya napataas ang kilay ko.
"What!? Hindi!? Aba gago ka Primo! Lumayas ka rito sa bahay ngayon din!" tinawanan naman niya ako.
"Gago ka! Tinatawanan mo pa ako!? Tangina mo" inis kong saad at akmang tatalikod na ako nang hilahin na naman niya ako palapit sa kanya at ikinulong sa mga bisig niya. And again, nagwala na naman ang sistema ko.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
AçãoI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.