Lumina's Point of View
"So you are saying na hindi niyo alam ang itsura ni Shadow!?" hindi makapaniwalang sabi ni Valerie.
"Mukha ba kaming nagbibiro Val?" saad naman ng pinsan niya.
"But heck! Ang laki kaya ng University na ito! Paano natin malalaman kung sino si Shadow sa kanila?" tanong niya.
"Actually we have a lead" napatingin naman siya sa akin.
"Really? Sino?"
Pinakita ko naman siya kanya ang phone ko. Picture ito nung lalaking iba ang kinikilos sa cafeteria. His name is Lance Reyes. He's a student who took BS Educ. Major in Mathematics. Nalaman ko ang mga ito nang magtanong ako sa isa sa mga kaklase niya. Sinundan ko kasi siya nung isang araw papunta sa room nila.
"Hindi pa confirm kung siya nga si Shadow kaya kailangan natin siyang bantayan" tumango naman silang dalawa.
Breaktime at inabangan namin yung lalaki. Hindi lang kami nagpapahalata syempre. Nakita na namin siyang papasok sa cafeteria at nang makapasok na siya, sumunod naman na kami. Naghanap kami ng table na malapit sa kanya pero sad to say, lahat ay occupied na.
"Uy Lumina! Dito na lang kayo oh!" napalingon kami sa tumawag sa akin at nakita ko si Seth na kumakaway. Katabi niya si Hans at katabi naman ni Hans si Primo.
"Lumina doon daw tayo oh" napataas na lang ang kilay ko nang nauna nang umupo si Valerie. Tiningnan ko naman si Gelo, he just shrugged and sumunod na kay Valerie. Nakaupo siya sa tabi ni Val ngayon.
Wala na akong nagawa kundi ang umupo na rin. Pang-animan naman itong table na ito. Bali ganito ang posisyon, pacircle kasi ang table. Hans-Primo-Ako-Gelo-Val-Seth.
Dahil napakaraming pagkain dito sa lamesa, hindi na nila kami pinag-order.
"Ay letse! Sabing ayoko ng hot sauce eh! Bakit mo nilagyan!?" nagtaas na ang boses ni Val.
"Sorry ha! Ikaw na nga lang itong binibigyan ng pizza" angal naman ni Seth. Sila kasi ang magkatabi ngayon kaya sila ang nagbabangayan.
"Magbibigay ka na lang rin pala, ayus-ayusin mo naman!"
"Ang yabang mo ha!"
Napahawak na lang ako sa sintido ko. Ang ingay nila. Si Gelo naman, ayun, pinipigilan na matawa sa ginagawa ng pinsan niya. Sinipa ko naman ang paa niya kaya napatingin siya sa akin. Sinenyasan ko naman siyang awatin na si Val. Masyado anng maingay eh. Kami na nga lang itong nakiki-upo.
"Hoy kayong dalawa diyan, manahimik na nga kayo" natatawang sabi ni Hans at sumubo nung kinakain niya.
"Ito kaya!/Siya kaya!"
Hay nako.
"Wala ka bang balak kumain?" napalingon naman ako sa gilid ko nang magsalita si Primo. Oh shoot. Sa sobrang pagbabantay ko kay Lance, nakalimutan kong kumain. Idagdag mo pa ang bangayan ni Val at ni Seth na talaga namang masakit sa tenga.
Hindi ko na siya sinagot at kumuha na lang ako ng isang sandwich.
"Primo, pumunta ka raw sa office ng ate mo. Nagtext siya sa akin oh" sabi ni Hans habang hawak ang phone niya.
Bakit sa kanya nagtext? Hindi kay Primo?
"Teka, bakit ikaw ang tinext ni Ate Pandora?" tanong ni Seth. Oh good at naitanong niya ang gusto kong malaman.
"Parang hindi mo kilala si Primo. Hindi naman yan nagbabasa ng message" napatango-tango na lang si Seth.
Wow. Pa-VIP pala itong lalaking ito.
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
ActionI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.