Lumina's Point of View
Four days...
Apat na araw na ang nakalilipas simula nung mangyari yun at apat na araw na rin ang nagdaan at hindi pa rin siya nagigising.
"Ano ba yan? Ilang araw nang ganito ang atmosphere natin? Nakakapanibago" asik ni Seth habang nakain ng burger.
Nandito kami sa cafeteria at pare-parehas lang kaming tahimik. Kulang kami ng dalawa. Si Primo at si Hans. At sa tingin ko hindi na ito mabubuo pa.
Si Hans? Hindi na siya pumasok simula nung linlangin niya kami. At huwag na huwag talaga siyang magpapakita sa akin dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya. Sa susunod na magtuos kami ulit, hinding-hindi ko na hahayaang makahinga siya. Wala akong pake kung kaibigan man siya ni Primo.
Wala akong ibang maramdaman kundi ang galit dahil sa ginawa niya kay Primo.
"Nakakahawa kaya ang katahimikan ni Lumina. Napano ba ang isang yan? Ngayon na nga lang pumasok tapos ganyan pa?"
Ngayon ko na lang ulit narinig ang pagtataray ni Hannah. Napagpasiyahan ko kasing pumasok na ngayon para kahit papaano ay nababantayan namin si Seth at Hannah. Alam naming may possibility na mapasok ulit nila itong University at ikinatatakot namin kung pati sila ay madamay.
"Pustahan tayo, aayos lang yan kapag nagising na yung isa" pinasadahan ko lang tingin si Valerie.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang naging pag-uusap namin. Maging ako ay naguguluhan.
Natapos kaming kumain at bumalik na kami sa room. Hinatid naman muna ni Gelo si Hannah sa building nila dahil hindi naman namin kaklase si Hannah. I wonder kung ano na ang meron sa kanila. Iba na kasi ang samahan nila. Napapansin ko.
"Panget, kailan kami ulit pwedeng bumisita kay Primo?" rinig kong tanong ni Seth kay Valerie.
"Siguro kapag nagising na siya. Medyo maselan kasi ang headquarters ngayon dahil may inaasikaso" sagot naman ni Val.
Nalungkot naman ako bigla nang makita kong bakante ang tabing upuan ko. Bumutong hininga na lang ako. Kailan ba siya gigising?
**************
Pagkadismiss sa amin, dumiretso agad ako sa headquarters. Pupunta sana ako sa kanya nang makita ko naman si Sir Theodore na naglalakad. Napayuko na lang ako. Sa totoo lang nahihiya talaga ako sa kanya. Napahamak ang Pentagon Heir nang dahil sa akin.
"Sir Theodore------"
"Lumina" pinutol niya agad ang sasabihin ko.
"Magsosorry ka na naman ba? Hija, wala ka ngang kasalanan"
Iyan naman ang lagi niyang sinasabi. Pero hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.
"Wala namang nakaka-alam na gagawin niya yun. At sa tingin, paulit-ulit niya pa ring gagawin yun kung sakali man"
Parehas sila ng sinabi ni Val.
"Dahil alam kong special ka sa anak ko Lumina"
Natigilan naman ako sa sinabi ni Sir Theodore. Special? Magsasalita pa sana ako kaya lang nakita ko na siyang naglalakad paalis. Bumuntong hininga na lang ako at pumunta na sa pupuntahan ko.
Pagpasok ko sa private unit, kumuha ako ng upuan at inilagay iyon sa tabi ng kama niya atsaka umupo. Kinuha ko ang kamay niya at tinitigan siya.
"Iñigo"
BINABASA MO ANG
A Reaper Named Lumina (Completed)
AcciónI Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.