CHAPTER 6

1.4K 31 0
                                    


🌻symmetry_sunflower🌻

Pag bungad ko pa lang sa opisina ng aking ama ay mabilis na akong tumilapon sa pader na ikina-ungol ko sa sobrang sakit.

"You fucking pain of the Ass Marcus! Napaka walang kwenta mong Alpha sa nasasakupan natin! You were missing again for months at nakakalimutan mo ng gampanan ang responsibilidad na pinataw ko sayo!" Isang suntok nanaman ang kanyang natanggap hanggang sa naging sunod sunod na ito dahilan upang mag kanda' bali-bali ang kanyang mga buto.

"Hanggang ngayon nag papakabaliw ka pa din sa mundo ng mga tao! Bullshit! Sana binigay ko na lamang sa kapatid mo ang iyong posisyon kung wala ka rin lang namanng kwenta!" He's close his eyes to refrain he's anger, after all what he have done to this Kingdom, is still his brother who he want's to be an Alpha!
Tang ina! Hindi siya papayag na bastardo nitong anak sa ibang babae ang luluklok sa pwesto na matagal niyang pinaghihirapan.

"I'm doing everything for our kingdom Father." Matalim ang titig niya dito hanggang ramdam niya nag nag iba ang kulay ng kanyang mga mata. Hindi matanggap ng wolf niya ang mga sinasabi nito.

Taon na ang lumipas at nag dadalaga na ang kanyang mate kaya mas binabantayan niya ito, nasa dose anyos na ang taon nito, paminsan minsan ay dumadalaw siya sa kanyang mate upang mag pakita dito sa pag aakalang tiyuhin siya nito. Ngunit mas madalas nasa malayo siya at gumagalaw na tila hangin upang mapanatili niya itong ligtas.

"I am very disappointed, if it's not about the sake of your bloodline and the agreement, you are fucking nothing but a puff."

🌻symmetry_sunflower🌻

"Cassandra..." napatakbo siya sa pinang-galingan ng boses nito, she's here again, the woman that always appears in her dream. Napakaganda ng paligid at tila nasa isa siyang paraiso. "Nagustuhan mo ba Amore?" Napatango siya sa babaeng nakapula habang hinahaplos nito ang kulay lupa niyang kulot na buhok. May dumadapo din na paru-paro sa kanyang buhok habang maraming malayang lumilipad sa kanyang paligid.

"It's been a long time po, bakit po ngayon ka lang ulit nag pakita." Wala itong emosyong tumingin sa kanya at may linalaro itong apoy sa maganda nitong palad.

Unti-unti itong lumapit sa kanya at nag simulang bumulong sa kanyang tenga, nanginginig at napapalunok siya sa mga sinisiwalat nito, bakit nito sinasabi ang mga bagay na iyon sa kanya? Bakit tila alam nito ang lahat?

Muli nitong hinaplos ang kanyang mukha at bahagyang pinisil ang kanyang baba, tipid itong ngumiti sa kanya hanggang maramdaman niya ang pag halik nito sa kanyang noo.

"Take care Cassandra Amore." Mabilis itong pumasok sa kagubatan kaya hinabol niya ito ngunit napahinto siya ng makaramdam siya ng init dahilan upang ikahina ng kanyang mga tuhod, umiikot din ang kanyang paningin at para siyang maduduwal. Napakapit siya sa puno at pinikit ang kanyang mata dahil parang sinu-sunog ang kanyang kaibuturan.

Isang ungol ang kanyang narinig kaya mabilis siyang napamulat ng kanyang mga mata, umawang ang kanyang labi at hindi makapaniwala na tumingin sa napaka'laking lobo na nasa kanyang harapan. Kulay puti ito na kakulay ng niyebe habang may marka na naka-ukit na kalahating buwan sa noo ng lobo, matiim na nakatitig sa kanya ang itim na itim nitong mga mata, ngunit hindi siya makaramdam ng takot bagkus ay kasiyahan at kaginhawaan ang bumabalot sa kanyang kaibuturan.

Hinawakan niya ang noo nito at napasinghap siya ng dilaan nito ang kanyang pisngi at pagdikitin ang kanilang noo. Ilang minuto pa niya ito pinakiramdaman,naiilang siya na tumingin dito.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon