CHAPTER 41

875 19 0
                                    


MARCUS POV

"Common Man! Welcome to the club!" Marahas siyang napabangon ng may malakas na pwersa na dumaloy sa kanyang panga. Putcha! maging ang kama na kanyang kinahihigan ay naputol ang apat na paa.

"Sabi ko sa inyo, sapakin niyo eh! Magigising yan ng maaga." Linibot niya ang paningin, paano siya nakarating sa lugar na ito? Mabilis sumariwa sa kanyang isipan ang naganap sa kanila ni Cassandra.

Hindi niya maiwasang panlamigan sa inakto ng kanyang Mate, hindi niya ito masisi dahil wala naman siyang kwenta. Nawalan siya ng emosyon. Tanging pagod at kawalang gana na lamang ang kanyang nadarama.

"Well, you did not thank us yet." Bumaling siya sa nakangisi nitong mukha.

"How are you dude?" Tanong ni Aster sa kanya the beta of Elvious Astrid, anong ginagawa nito dito?- May apat na lobo sa silid na pinangungunahan ni Vroco kasama ang kanyang beta na si Rocco at isang bata?

"He's still thinking grandfathers." Matabang na sabat ng bata habang nag didila ito ng lollipop. Sabay napaungol at nalukot ang mga mukha ng mga kasama niya dahil sa inakto nito.

"Stop your fucking tongue alpha kid! Baka hindi kana makatikim ng bagay na iyan!" Vroco

"Whatevers, ginagalang ko lamang kayo Lolo." the kid replied.

"Why am I here?" I asked.

"Aster had found you near at the cliff in Astrid." Napabuntong hininga siya.
Yeah Aster, he is the beta of Astrid kaya siguro ako nito nahanap.

"By the way welcome to the club!"

"Shut it Vroc!" Napa ismid siya ng sumigaw ang bata.

"I need your help to get back my kingdom." Sabay napabaling sa kanya ang apat.

"Am I late?" Bumukas ang pinto at linuwa nito ang kanyang beta na prenteng umupo sa sofa.

"Oh men! Can I join!" Tumayo ang bata matapos nitong mag salita at walang sabi na umupo sa  center table.

"You're still a ki-"

"Without my Help Grandfathers, malamang hindi pa bumalik ang wolf ni Lolo Marcus." Napangiwi siya sa sinabi nito. Lolo? The hell! Saan ba pinulot ang batang ito.

"Ow I want you to meet Devon Skyler the Alpha king of Alcadia." Napanganga siya, itong kutong lupang ito Alpha king?
"He's 12 by the way." Muli siyang napa maang. What the heck, kaya siguro siya tinatawag na lolo.

"Close your Mouth Marcus, let's proceed to our main objectives, malapit na ang pulang buwan at magandang pag kakataon iyon para sumugod tayo." Seryosong saad ni Aster na kanyang kinatango.

"We have an Alpha blood madali lang nating mapapalayas ang mga aso na iyon." Humalakhak si Vroco na sinabayan ng sarkasmo na halakhak ni Skyler na kanyang kinailing.

"I really need to find my Daughter." Singit niya na kinatigil ng mga lobo na kanyang kausap.

"Ara?" Matabang na tanong ni Aster at isinan lagok nito ang alak na hinain ng kanyang beta.

"Hindi, ang prinsesa ng Encantadia ang tinutukoy niya Beta, ang taga pag mana ng Isang buong Emperyo at kaharian ng Trigus." Pagkamangha ang reaksyon ng iba niyang kausap habang si Skyler ay mabilis nitong tinungga ang baso na may lamang alak dahilan upang maibuga niya ito sa mukha ni Aster.

"Sorry Lolo ang pangit ng taste!" Masamang tumingin si Aster dito at mahigpit na piningot nito ang bata na mabilis inawat ni Vroco.

"You kid!" inis na bulyaw ni Luric

"Stop!" Rindi niyang saad at tinungga ang alak.

"I want Skyler to find my daughter." Sabay-sabay napabaling sa kanya ang mga kausap.

"Ang huli kong balita ay namalagi ito sa bluemoon pack na kabilang sa teritoryo ng Astrid, Margaritta Artan at Greta Selvestre ang nag aalaga dito." Matiim niyang tinitigan si Skyler na nagnining-ning ang mga mata.

"I trust you young boy, find the princess of Encatadia and I will give you a reward." Sabay napamura ang mga kanyang mga kasamahan habang nakangisi sa kanya si Skyler.

"Once I succeded, ipangako mong ipapakasal mo sa akin ang isa sa magiging anak niyo ni Cassandra." Napa atras siya ng bahagya. What the hell!

"Know your limitation kid." Ngumisi lamang ang bata sa sinabi ni Vroco at marahan itong tumayo habang may nakasalampak na lolipop sa bibig nito.

"Sisimulan ko na ang paghahanap, I have to go." Sabay sabay nilang pinanuod ang pag alis ng batang Hari. The hell with that kid! Saka niya lang na realized ang nasabi! What was that?! Parang may sariling isip ang labi niya kanina.

"Mas mainam kung sa pulang buwan tayo susugod, may nagaganap ding pag aalyansa laban sa Hari sa pamumuno ng punong konseho, ang iyong Lolo." -saad ng kanyang beta, Ang kanyang lolo? Napahinga siya ng maluwag, sana'y ayos lamang ito.

"Kaya kahit papaano ay nakakagalaw parin kami sa Trigus, dahil sa dating Alpha, hindi tuluyang nahahawakan ni Hernan at Hakir ang pamumuno sa kaharian, ngunit batid kong alam na nila ang totoo na ika'y magbabalik." Nakikinig lamang kami sa aking beta habang nag sasalita ito.

"-Hindi kami tanga para hindi malaman na nag ka relasyon ang iyong asawa at ang taksil na si Hakir, malakas din ang kutob namin ni Farrah noon pa'man na hindi mo anak si Ara." Sunod-sunod na mura ang bumalot sa buong silid.
Napatiim bagang siya at kumuyom ang kanyang kamao, hindi niya namalayan na nabasag na ang baso sa higpit ng hawak niya dito.

"-bago pa maganap ang insidente ay naibigay mo na kay Cassandra ang iyong Markang simbolismo, possibleng madama parin ng iyong mate ang iyong pagtataksil ngunit wala akong nabalitaan kay Greta na kakaibang nangyari kay Cassandra isama pa na ni walang kahit anong lamat ang kwintas."

"Fuck! Sinasabi ko na nga ba!" Marahas niyang tinapon ang malaking bote ng alak sa pader.

"What the! Hoy galing pa iyan sa imperyo ng mga bampira."

"Gago wala na tayong iinumin! Dapat si Vroco ang binalibag mo sa pader!"

"Shut up! I need to take back what's mine! Tinalikuran na ako ng aking mate at batid kong maging ang ibang mamamayan sa Trigus ay ganun din, kinuha na ang lahat sa akin! Kailangan kong kunin ang aking Trono at hindi ko papaabutin ang pulang buwan."

Cassandra POV

"May balita na ba kayo sa aking Prinsesa?" Tanong ko sa mga encantadia na inatasan kong hanapin si Selvhirra.
Yumukod ang isang babae bago ito nag salita.

"Mahal na Reyna Sa ilalim po ng bangin ay may malaking pong ilog duon, batid namin na duon nahulog ang prinsesa."

"Ang tinutukoy naming ilog ay pa kanluran ang direksyon, marahil po'y nasa Kaharian ng Spade ang prinsesa sa pamumuno ni Haring Cressent, natagpuan din po namin ang bagay na ito." Napasinghap siya ng linahad nito ang kwintas na kanyang binili noon sa Astrid, ngunit nawala niya ito noong nagka bungguan sila ng anak.

Namasa ang kanyang mata.
"Tutungo tayo sa Kaharian ng Spade, kailangan kong mahanap ang aking anak." Seryoso kong saad habang tuluyan ng bumaksak ang aking luha, kailan ba matatapos ito?

"Karagdagan po, hindi lamang po kami ang nag hahanap sa prinsesa, nakikipag-ugnayan din po sa amin ang ibang mga lobo na pinamumunuan ng batang hari ng Alcadia, inatasan po siya ng Mahal na Haring Marcus upang hanapin ang inyon anak ." Tumalikod siya sa mga ito at kinuyom niya ang kanyang mga kamao.

Para ano? Para isampal sa anak nila na pangalawa lamang sila? Na bastarda niya ang kanyang anak? Napaka hayop niya! Wala ito noong maghihirap sila ng kanyang anak! Ni hindi man lang nito sinabi sa kanya ang totoo.

"Kailangan maunahan natin ang mga lobo sa pag hahanap sa aking anak upang makabalik na kami sa Encantadia." Hinarap niya ang mga ito.

"Magtutungo tayo duon ngayon din."

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon