🌻symmetry_sunflower🌻
"Halimaw ang lalakeng iyon! Halimaw siya! Hindi pangkaraniwang nilalang! ANO SA TINGIN NIYO ANG MAGIGING URI NG ANAK KO. HAYOP SIYA! HINDI KO MATATANGGAP ANG BUNGA NG KABABUYAN SA AKIN!"
"Tama na Cassandra! Anong klaseng pag-iisip meron ka? Mag-handa kana at kailangan natin pumunta sa Doctor...Anak mo ang gusto mong patayin laman at dugo mo yan!" Pilit niyang sinasarado ang isip sa sinasabi ng kanyang mama, gusto niyang sundin ito ngunit ang isipin na ang batang ito ang mas lalong sisira ng buhay niya ay tila mas lalong yinuyurakan ang kanyang pagkatao.
"Mama, please ako na pong bahala kay ate, maghanda na din po kayo..." narinig na lamang niya ang pag sara ng pinto at wala sa sariling napayakap siya sa kapatid. Inalalayan siya nitong pumunta sa CR at ito na rin ang nagpaligo sa kanya habang tahimik siyang tumatangis.
"Ate, please keep the baby, hindi lahat ng babae ay pinag papalang magkaroon ng anak." Mariin siyang pumikit bago sagutin ang kapatid. "Hindi niyo ako naiintindihan..." Hindi na ito umimik at pinili na lamang nitong manahimik, habang nanalangin siya na hindi nag bunga ang kababuyan sa kanya.
"Do you here the heart beat of your baby Mommy? Hear the sounds." Naka ngiti ang doctor na sumusuri sa kanya.
Hindi niya ito inimik habang sinasagawa nito ang ultra sound, kung maari lang ay lisanin na niya ang hospital at mag mukmok na lamang siya sa kanyang quarto ay mas ikakatahimik pa ng kanyang mundo ."-this is your first pregnancy kaya medyo maselan tayo ngayon Misis and you are 11 weeks pregnant with a healthy baby congratulations, kaya lang mababa ang timabang mo even your blood pressure is not normal for a pregnant woman which is bad for your condition, hmmm furthermore your body temperature is not normal too so i recommend you a meds na hindi makaka apekto sa baby and ofcourse your daily vitamins and I'll give you some guidelines througout your pregnancy process na makakatulong sa development ng baby but I found something odd to your baby's condition." Kumunot ang noo ng doctor na nag pakabog sa kanyang dibdib, wala sa sariling napahawak siya sa kanyang puson at tila sinakop ng pag aalala ang kanyang sistema na mabilis niyang winaksi. "The heart beat of your baby is not normal..malakas at mabilis ito compare to other normal fetus..yes the baby is healthy but you need to take care of yourselves dahil dalawa na kayong inaalagaan mo hija...having a baby is a gift and a fullfilment for a woman..."- Natapos din ang kanyang check up na tanging ang mama niya lang ang sumasagot sa doctor...
Hindi niya mapigilang mapangiti ng mapait habang nakikita niya ang mga babaeng buntis habang nasa pila ng check up's at inaalalayan ng kanyakanyang asawa o nobyo ng mga ito."Cassandra..." napabaling siya sa di kalayuan at parang gusto na niyang magtago ng makita niya si Clarisse at papalapit sa kanya.
"Kamusta kana?" Mabilis itong nakalapit sa kanya at medyo hinila siya sa walang masdo na tao.
Mapait siyang napangiti dito at saksi siya kung paano siya nito hinagod ng tingin hanggang dumapo ang tingin nito sa magazine na hawak niya na may imaheng buntis, ang guidliness na binigay sa kanya ng doctor."Cass...y-you're...oh my ..." muling nag baksakan ang kanyang luha, hindi man nito mabuo ang pangungusap alam niyang may ideya na na nabubuo sa isipan nito na lalong nag pababa sa kanyang pagkatao.
Naramdaman na lamang niya ang pagyakap ng kanyang kaibigan habang patuloy siyang lumuluha.
"I am with Troy Cass, hinatid niya ako kasi sinugod nanaman si Mommy sa hospital." Tila nabuhayan siya ng loob sa sinabi nito kaya mabilis niya linibot ang paningin.
"I have to go Clarrise." Mula sa kanyang likuran ay narinig niya ang tinig ng kanyang nobyo at walang pag dadalawang isip niya itong liningon ito.
"Cassandra." Gulat ang rumihistro sa mukha ni Troy ngunit kalaunan ay nag tiim bagang ito at nang-uuyam na tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Owned by the Alpha of Trigus
WerewolfPrevious title: Raped by the Alpha of Trigus "It was you who own me from the very beginning Alpha. Isang pangyayari ang bumago sa buhay ni Cassandra, matapos siyang sapilitang nakipagtalik sa isang estranghero na may kakaibang anyo kapalit ng kali...