CHAPTER 1

3.3K 60 0
                                    

"My mate"

"How long Alpha Marcus? I wonder kung paano mo natitiis ang iyong mate na may kayakap at kahalikang iba." Ibayong sakit ang bumalot sa aking puso dahil sa sinabi ng aking Beta.

Mula ng pinanganak si Cassandra nanatili ako sa tabi nito, habang saksi at gabay sa kanyang pag-laki, maging ang pag sapit ng pagdadalaga nito- ang kanyang mahal na kabiyak.

Kumuyom ang aking mga kamao, mabilis akong napaluhod dahil sa sakit na rumihistro sa aking kalamnan. I watch my mate kissing and embracing another man while me in the other hand, was suffering for the consequences of her action.

Mabilis akong inalalayan ng aking Beta na tumayo habang tila mauubusan na ako ng lakas. Natapos din ang marubdub na halikan ng dalawa mula sa tagong parte ng parking lot kaya medyo naibsan ang sakit. Kung maari lang sana na patayin na lamang ang lalakeng kasalukuyang nobyo nito at ikulong si Cassandra sa kanyang bisig ay matagal na niyang ginawa.

"I love you Troy, and I can't imagine my life without you..." Parang tinarak ang puso ko sa mga salitang sinambit ng dalaga, namasa ang aking mata sa narinig mula sa aking mate, napahilamos ako't napatingala, Oh Goddess bakit niyo po ako binigyan ng kapareha na isang Tao na unti-unting pumapatay sa akin?

"I love you too Cass." Tugon ng mapag imbabaw na mortal at mabilis ulit nitong hinalikan si Cassndra dahilan para masuka ako ng dugo dahil sa kataksilan ng dalawa.

"Fuck you! mga malalandi! Mag aral muna kayo Totoy at Nene." Hindi ko na napigilan ang aking Beta sa mga lumalabas sa bibig nito.
Dahilan upang mabilis na umalis ang aking mate at ang kasintahan nito, fuck! Parang gusto ko ulit masuka sa iniisip ko.

"F*ck dude! Why don't you try to f*ck some chicks para maramdaman ng mate mo ang nararamdaman mo ngayon!" Umiling ako dito at pumasok na sa kotse. Maging ito ay halatang galit at apektado, I can't blame him, he's not only just my Right hand but also a closed friend of mine.

I'd rather suffer and feel all the pain wag lang masaktan ang aking kabiyak.
Mahal ko siya, mahal na mahal!
Hindi pa siya pinagbubuntis ng kanyang Ina ay minahal ko na ang babaeng dahilan ng paghihirap ko ngayon.


Matiim na tinitignan ni Alpha Marcus ang buwan habang ibayong sakit ang kanyang nadarama dahil ramdam niya ang hindi intensyong pag tataksil ng kanyang nakatakdang kabiyak.

Pinunasan niya ang tumulong luha at mabilis nag anyong lobo at matuling tumakbo sa loob ng kagubatan.
Nagtungo siya sa talon at duon malayang umululong nang punong puno ng lungkot, galit at pighati.

Malinaw na malinaw pa sa kanyang isipan kung paano niya unang nasilayan ang kagandahan at kainosentihan ng kanyang mahal na kabiyak, sanggol pa lamang ito noon- ngunit sariwa pa sa kanyang alaala na tila isang kahapon.
Kung paano niya ito hagkan at bantayan, higit sa lahat ilayo sa panganib, ngunit bigo siya na ilayo ito sa mata ng mga lalakeng mortal.

"Fuck!" Mabilis siyang nag mura at lihim na tumangis sa gitna ng talon matapos bumalik sa pag aanyong tao.

Muli niyang pinikit ang mata at inalala ang mga pag tatagpo nila ng babaeng minamahal.

"Push Mommy! Mommy push!" Pinag papawisan na siya ng malapot sa delivery room ng hospital, ngayon ang araw na ipapanganak ang kanyang mate.

Kinaylangan pa niyang magbayad ng ilang sakong ginto at dyamante upang payagan siya na mag panggap na nurse at makapasok sa delivery room.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon