🌻symmetry_sunflower🌻
Marahas kong tinulak ang lapastangang hari at pinatawan ko ito ng malakas na sampal, hindi pa ako nakontento mabilis akong nag ipon ng enerhiya sa aking kamay at pinatama mismo sa kanyang puso na kinadaing nito.
Nanlilisik itong tumingin sa akin upang dumipensa ngunit linalamon na ako ng galit dahil sa kabastusan at kawalang respeto nito, tunay ngang lapastangan ang demonyong aking kaharap.
Ramdam ko ang pag uumapaw ng aking kapangyarihan at alam kong puti na ang aking mga bughaw na mata at nag babago na din ang kulay ng aking buhok.
"Subukan mo Harum! Ikaw ang may kailangan sa akin! Kailangan mo ako nang sa ganon mag karoon ka ng malakas na tagapag mana upang gamitin sa kasamaan mo! Kailangan mo ako upang palawakin ang iyong teritoryo sa pamamagitan ng pag iisa ng ating Imperyo! Hindi ako tanga!" Muli niya itong binato ng atake at ramdam niya ang pag lindol sa kaharian nito maging ang pag basag ng mga salamin, dinig na rin niya ang mapag puntiryang kidlat at mapaghabalos na hangin na bumabalot sa buong kaharian ng Tvastri
Hindi niya ma kontrol ang kapangyarihan parang gusto niyang sumabog.
Isipin pa lamang niya na dumampi ang labi nito sa kanya ay labis na siyang nandidiri.
Mabilis siyang naglaho sa paningin nito at bumalik siya sa bulwagan at sumalubong sa kanya ang kanyang mga alagad na tila handa ng makipag laban."TAHIMIK!" Isang malakas na kidlat ang dumaan na nag pahiyaw at nag bigay takot sa mga nilalang na madadaanan niya.
Ramdam niya ang prisensya ng hari sa kanyang likod kaya mabilis niya itong sinakal at tinapon sa pader.
Ngunit ngumisi lamang ito at humalakhak.
"I really admire you Cassandra! Kung inaakala mo na hawak mo ang lahat ay nag kakamali ka! I am not a King for nothing!"
"Pag-isipan mo ang ating kasunduan aking reyna." Mabilis nilang linisan ang kaharian ng Tvastri at umaga na sila nakarating sa Encantadia punong-puno siya ng galit at alam niyang ang kanyang unica hija lamang ang makakapawi nito.
Mabilis siynang nagsuot ng kapa na maitatago ang kanyang mukha at mababalot ang kanyang buong katawan.
Umusal siya ng dasal at sa isang iglap lamang ay tinatanaw niya ang anak na pinapanood ang banayad na pag baksak ng niyebe, I missed you my sweet Selvhirra, Mommy loves you so much anak.
"Greta wala ka pa bang balita sa Ina ni Selvhirra?" Napatago siya sa malaking ugat ng puno at piniling ikubli ang kanyang prisensya upang marinig ang usapan ng kanyang ina at ng kasama nito. Maling oras yata siyang palihim na dumalaw sa anak.
"Wala Arhana, ngunit hindi ako sumusuko at nananalig ako na mahahanap ko ang aking panganay na anak at mag kakasama kaming muli." Nakaramdam siya ng lungkot at labis labis siyang nangungulila sa pangangalaga nito.
"Lumalaki na si Selvhirra, dalaga na ang iyong apo at batid ko'y hindi na rin ako mag tatagal. Alam mong sa oras na lisanin ko ang mundong ito ay magigiba na ang orasyon na aking ginawa na nagsisilbing proteksyon sa iyong apo."
"Alam ko Arhana, ngunit hindi ako tumitigil sa pag hanap ng lunas at umaasa rin ako na babalik ang aking anak. Kailangan din ni Selvhirra ng normal na buhay hindi ang kinukulong sa tore nang walang hanggan."
BINABASA MO ANG
Owned by the Alpha of Trigus
Người sóiPrevious title: Raped by the Alpha of Trigus "It was you who own me from the very beginning Alpha. Isang pangyayari ang bumago sa buhay ni Cassandra, matapos siyang sapilitang nakipagtalik sa isang estranghero na may kakaibang anyo kapalit ng kali...