CHAPTER 18

1.3K 43 0
                                    

🌻symmetry_sunflower🌻

Mark

"Mama kailangan niyang malaman ang totoo! The Mark of Alpha Marcus is fading! Their baby is dying kung sana hindi niyo sila pinag hiwalay noon!" Tumulo ang luha ni Greta sa sinabi ng kanyang bunsong anak, hindi niya maiwasang isipin na kasalanan din nila ni Alfredo kumbakit mas nagulo ang sitwasyon, masyado silang nag padalos dalos at hindi inisip ang kakalabasan ng kanilang mga pasya.

"Farrah..." wala na siyang masabi, hindi na niya alam ang dapat sabihin pati siya gulong gulo na.

"You need to tell her the truth! Kapag hindi niya nalaman ang totoo mamatay ang anak niya! Mama please..." pati ito ay tumulo na ang luha...

"What Truth..." sabay silang napagaling sa kagigising lang na si Cassandra.
Puno ng habag na hinaplos ni Greta ang anak habang linalamon siya ng konsensya dahil sa paglilihim dito.

"Mama where am I?" Tanong niya sa Ina habang pilit hinuhuli ang tingin nito.

"You're in the hospital." Bumaling siya sa kapatid na sumagot ng tanong niya.
"Dalawang araw ka ng walang malay, mahina ang kapit ng bata any moment pwede siyang mamatay! Siguro ikaw na ang pinaka masayang ina na mamatayan ng anak!" Wala sa sariling napahawak siya sa may kaunting umbok na tiyan at sunod-sunod na lumuha.
" Don't you see? Mamatay man ang batang iyan hindi na mag babago ang tingin sayo ng mga tao! Even your damn useless ex-boyfriend." Napahilamos siya sa tinuran ng kapatid at tila na blanko ang kanyang isip, tama naman kasi ito, maspinapairal niya ang kanyang galit at pansariling kagustuhan.

"You need to tell her the truth mama, siguro paraan na ito para malaman niya ang totoo kasi pagod na pagod na ako." Muling bumukas ang pinto at pumasok ang babae na naka bistida ng puti, masuyo itong tumingin sa kanya.

"Does she already know the truth Greta? Mas may importante pa siyang malalaman." Palipat lipat ang tingin niya sa mga ito na tila siya musmos na naguguluhan sa kanyang paligid.

"Just tell me, hindi ako tanga at may isip ako para maka-intindi." Hindi na siya magugulat kung may kakaiba sa mga nangyayari lalo na sa kanyang magiging anak dahil simula't sapul pa lang alam niyang demonyo at halimaw na ang ama ng kanyang dinadala.

"Minarkahan ka ng isang Lobo Cassandra." Marka? Lobo? Ang Diablong iyon ay Lobo? napatawa siya ng pagak sa isip.
Ganun paman ay pilit siyang naging mahinahon habang hinahaplos ang kanyang sinapupunan. Kailangan niyang malaman ang totoo dahil nababaliw na siya sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya.

"Bakit ako mamarkahan ng lobo kung totoo nga ang mga nilalang na iyon?" Nag tinginan ang mga ito, sinapo niya ang sintido, bwisit! mag titigan na lamang ba ang mga ito.

"You are His mate, ikaw ang nakatakda sa kanya, ikaw ang kalahati ng buhay ng Lobo..." Tumawa siya ng pagak, ni wala nga siyang pakealam sa mga nilalang na mga iyon kung talaga ngang nabubuhay sila 

"You got to be kidding me?! Wala akong paki alam sa kanya! Kailangan niyang mag bayad sa akin at sa pag tatanim niya ng halimaw sa sinapupunan ko!" Galit niyang sagot dito.

"Huminahon ka Cassandra! Nag lalaho ang iyong markha! Sa ngayon ang alam namin ay nakatakda ka sa Lobo at hindi ito pang karaniwan dahil isa sa pinaka malakas na Lobo ang nag mamay-ari sayo-"

"Shut it! Walang nag mamay ari sa akin at wala akong paki-alam sa kanya!" Mabilis niyang putol sa Ina at hindi niya mawari kumbakit tila may kirot siyang naramdaman sa kanyang puso at hindi niya namalayang umaagos na ang kanyang luha.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon