🌻symmetry_sunflower🌻
"You still have time to think ate." Tinignan niya ng masama ang kapatid. Tinutulungan niya kasi itong mag empake para sa babaunin nito papunta sa ibang bansa at para itong sirang plaka na paulit-ulit siya pinapa'alalahan tungkol sa oras.Mabilis nitong sinara ang maleta nang matapos sila, kaya kumuha na din siya ng bag pack at naglagay ng kakaunting gamit.
Nakamaang itong nakatingin sa kanya at kulang na lamng mag hugis puso ang kulay kape nitong mata. "Oh my! You're comming!" Mabilis itong tumakbo sa labas at pinag sisigawan na sasama siya na agad niyang kina iling.
Serously her sister is really the most makulit person she have ever with. They are totally opposite! She, the silent type of person while her sister has a machine mouth."Anak totoo ba ang sabi ni Farah?" Hindi na siya nagulat ng agad na pumasok ang kanyang mga magulang na bihis na bihis at handa ng gumayak.
"Happy birthday princess." Tipid siyang ngumiti hanggang naramdaman na lamang niya ang mga yakap nito sa kanya na labis na kinagalak ng kanyang puso. Sandyang napaka palad niya sa kanyang pamilya.
"So shall we?" Alanganin siyang umiling sa Ama at napapangiwing tumingin sa makulit niyang kapatid.
"Still Dad, I won't come but I want to go in our Rest house near in the Nercaza Forest." Paglilinaw niya sa mga ito, alanganin siyang ngumiti sa mga magulang na hindi maipinta ang mukha.
"Princess please, pinagbigyan na kita." Hindi niya alam pero may kakaibang sa tono ng kanyang Ama kaya natahimik siyang muli.
"No dad, please." Nagsusumamo na siya at tinignan ang kanyang ina na may pagmamaka-awa dito." Mamá pakiusap po." Napahilamos ang kanyang Ama at tila hirap na hirap ito mag desisyon
"We're getting late, just be extra careful Cassandra Amore!" Sa hulu ay pumayag din ang kanyang Dada ngunit halata pa rin ang pag tutol nito.Tahimik lang niyang tinatanaw ang labas mula sa bintana ng sasakyan, nababatid niyang malapit na siya sa kanilang resthouse dahil puro mga kakahuyan na ang nadadaanan nila. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang kwintas na hugis kalahating buwan. Mula nang hindi na nag pakita si Marcus sa kanya ay lagi na niya itong napapanaginipin ngunit pakiramdam niya ay nasa paligid lamang ito.
Napabuntong hininga siya at kinuha na lamang ang kanyang diary at duon isinulat ang mga kanyang nadarama at ginawa.
Pang lima na yata niya itong talaarawan dahil nag simula siyang mahilig sa pagsusulat noong limang taong gulang pa lamang siya."Siñorita malapit na po tayo." Hindi na siya nag abalang tumango sa kanilang driver at mabilis inayos ang mga gamit niya.
Tuluyan na nga nilang narating ang lugar at sinalubong siya ng mga kasambahay at tinulungang ibaba ang kanyng mga gamit.
"Hija kamusta na ang baby namin ang laki-laki na at ang ganda ganda..." napahagikgik siya sa sinabi nito at isa isa niyang yinakap ang mga kasambahay na naging parte ng buhay niya.
"Nagbalot po si mama ng pasalubong, pasensya na din po kasi biglaan ang pagpunta ko."umiling ang mga ito at nagkanya-kanyang bati.
Miss na miss niya ang mga ito.
Parang kailan lang noong mag kakasama pa silang pamilya dito sa rest house, kung siya ang pa pipiliin ay mas gusto niyang tumira dito."Kamusta na kayo? Ang mga makikisig mong tito, kamusta? naku yung mga batang yun! tandang tanda ko pa noong maliliit pa kayo ni Farrah halos hindi mo magawang humiwalay kay Marcus-" napatigil ang matanda ng makitang malungkot ang kanyang mga mata na mabilis kina palis ng ngiti nito.
"Gusto ko na pong magpahinga Nay..." mabilis siyang pumanhik sa kanyang quarto at nag umpisa nanamang manubig ang kanyang mga mata. Bakit ba kasi hindi maalis ang lalakeng iyon sa isip niya? Eh ang tanda-tanda na ni Marcus over her age! Bwisit talaga sa isip at puso niya ang lalake, palaging ito ang dahilan kumbakit siya tumatangis at nalulumbay.
"Kumain kana muna Cassandra hinatiran ka namin ng pagkain." Hindi niya sinagot ang nag salita at agad pinunasan ang luha.
Bumukas ang pinto at hinatid ni Nanay Rosa ang kanyang pagkain sa quarto, mag tatakipsilim na at naka-ugaliaan talaga nila na maaga kumain dito.Sanay na din ang mga kasamahan nila sa kanyang ugali, hindi niya talaga ugaling magsalita at mag-ingay na batid na ng mga ito.
"Bilin ng Papa mo na dito ka lang sa buong Rest house wag kang lalayo at wag kang mag tatangkang pumunta sa kagubatan." Yun lamang ang sinabi nito bago lisanin ang kanyang quarto.
Mabilis siyang kumain at agad na bumaba para hugasan ang kanyang pinagkainan.
Hindi niya maiwasang mapatanaw sa malaking bintana ng mansyon, mula sa kinaroroonan niya ay sagana niyang natatanaw ang kagubatan na tila inaakit siya nito at hinihikayat.Ang bilin ng iyong Dada Cassandra, pag pipigil niya sa sarili. Tumakbong umakyat siya sa kanyang quarto at mabilis pumasok at napasapo sa kanyang dibdib. Tila may nakatingin sa kanya mula sa malayo at parang may ilaw na kumislap sa kagubatan na di niya mawari.
Gosh, tama kaya ang hinala ko?
Nangangatog ang kanyang katawan at mabilis naligo upang mahimasmasan ang kanyang pag iisip.
Sa sobrang takot ay mabilis siyang nagpunas ng tuwalya at sinuot na lamang ang ruba kahit walang panloob at nagtalukbong ng kumot.
Pabaling baling siya ng higa, hindi talaga siya makatulog, kaya minabuti niyang bumaba para uminom ng gatas.
Patay na ang mga ilaw at tanging reflection ng buwan sa kanilang naglalakihang bintanang salamin ang nagsisilbing liwanag niya at gabay sa hagdan, komportable talaga siya sa dilim at nakakagaan iyon sa kanyang pakiramdam ngunit nakadikit na yata ang kamalasan sa kanya ng nagkamali siya sa pagbaba at halos pigil hininga siyang pumikit hanggang may sumalo sa kanyang matitigas na braso."Gotcha Baby I fucking missed you so bad."
BINABASA MO ANG
Owned by the Alpha of Trigus
Kurt AdamPrevious title: Raped by the Alpha of Trigus "It was you who own me from the very beginning Alpha. Isang pangyayari ang bumago sa buhay ni Cassandra, matapos siyang sapilitang nakipagtalik sa isang estranghero na may kakaibang anyo kapalit ng kali...