CHAPTER 20- birth

1.3K 36 1
                                    

🌻symmetry_sunflower🌻





Baby...

Pilit niyang hinahanap sa dilim ang pamilyar na boses ngunit wala siyang maaninag, ramdam niya ang paninikip ng dibdib at pag bundol ng kaba na bumabalot sa kanyang sistema.

Baby....

Cassandra...

I love you baby...

Tuluyan ng bumaksak ang kanyang masaganang luha habang pilit siyang nangangapa sa dilim.
Puno ng hirap at sakit ang boses nito na namumuntawi sa kanyang pandinig dahilan upang durugin ang puso niya ng paulit-ulit.

Muli siyang tumakbo, hanggang makita niya ang isang puting lobo na tila pilay at nanghihina.
Sinikap niyang lumapit sa lobong nababahidan ng pulang likido ang malanyebe nitong kulay.

"Wag!" Sigaw niya habang sunod sunod na pina-ulanan ito ng mga palaso hanggang nagbago ito ng anyo at lupaypay na bumaksak sa lupa. Saksi siya sa hirap at sakit na sumasalamin sa mga mata nito habang unti-unting pumipikit na parang namamaalam.

"Please lumaban ka! Tulong! Tulong!" Patuloy siyang sumisigaw at pilit inaabot ang lalake ngunit hindi niya ito mahawakan na parang may pwersa na nag lalayo sa kanya mula dito.

Napadausdos siya pababa ng makita niya ang pag lagay ng kadena sa leeg nito na sumusunog sa balat ng lalake at pag hambalos dito ng tila naglalakihang tinik na pilak.

Napa-awang ang kanyang labi at walang tigil sa pag alpas ang kanyang luha, pakiramdam niya ay nasasaktan din siya at napupuno ng habag at sakit ang kanyang puso. Gusto niyang takbuhin ang lalake at ikulong sa kanyang bisig ngunit ang ni paglapit dito ay hindi niya magawa.

Malakas ang kanyang palahaw at may lumabas na puting usok sa bibig nito na tila hinuhugot sa loob ng kanyang katawan at nag papahirap dito.

"Parang awa niyo na itigil niyo yan! Wag!" Isang nakaka kilabot na tawa ang kanyang narinig, napapa iling siya habang hindi niya inaalis ang mata sa lalake.

"Mate...."

"I love you baby..." muli siyang napahagulgol at pilit inaabot ang lalake ngunit tila ang layo layo nito.

"Tama na! Tama na! Please lumabana ka!"

"Cassandra bangon! Anak ko paki-usap!" Habol ang kanyang hininga at mabilis na yinakap ang kanyang ina habang nanginginig ang kanyang kalamnan.

Ilang linggo na matapos ang nangyari sa mundo ng mga Immortal at nakabalik na siya sa rest house nila sa mundo ng mga tao ngunit sariwang sariwa pa rin sa kanya ang nangyari.

"No" Sigaw niya sa mga nilalang at halos magimbal siya ng mag pakawala ng liwanag ang bracelet na nagmula sa kanyang ina na tila prinoprotektahan siya nito hanggang dumating ang kanyang kapatid.

Ngunit matapos ang pangyayaring iyon ay walang gabi na hindi siya binulabog ng kanyang masamang panaginip sa pamamagitan ng lalake na tila pinapahirapan at tinatawag siyang mate at nag sasaad kung gaano siya kamahal nito

Ramdam niya rin ang pag lobo at pag bigat ng kanyang tiyan na mas lalong nag papahirap sa kanya.

"Mama, napanaginipan ko nanaman siya...."lumuluha siya sa Ina, kumunot naman ang noo nito.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon