CHAPTER 51

821 26 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito, pilit kong inaalala ang huling pangyayari na aking ginawa ngunit na blablanko ang aking isipan.

Malalakas na hiyaw, mga galit na tinig at higit sa lahat nag nanais ng isang kamatayan.

Pinilit kong humalo sa dagat ng mga lobo o kung ano mang klase ng nilalang ang aking makakasalimuha. Sa kalayuan ay may isang bilog na tila simbolo at sa loob nito ay may isang babaeng na nakagapos at luhaan, pagkamusmos at pag kalito ang sumasalamin sa mga mata nito habang tila may hinahanap ito sa paligid.

Pilit kong inaaninag ang babae, kasabay ng pangangatal ng aking labi at panginginig ng aking katawan.

"Selvhirra..." mas lumapit ako dito ngunit sadyang maraming lobo sa aking daraanan at hindi ko din magamit ang aking kapangyarihan.

"Selvhirra! Anak!" Pilit kong sinisigaw ang ngalan nito ngunit walang lumalabas na boses sa aking bibig at para akong nalulunod at hindi makahinga.

"Wag! Baby ko!" Nagawawala na ako habang tumatangis, nag simulan na nilang saktan at pagmalupitan ang aking walang laban na unica hija.

"Bitiwan niyo ang anak ko!" Pinipilit kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit ayaw nitong lumabas, puno ng luha ang magandang mukha ng aking prinsesa habang may pag mamaka-awa itong tumingin sa kanya.

"Anak ko!" Muli kong sigaw hanggang tila bumagal ang oras ng bumaksak ito sa simento at nag hihingalong tumingin sa akin.

"Mommy...." nanghihinang bulong ni Selvhirra na umabot sa aking pandinig.

"Anak! Baby ko ana-"

"Amore!"

"Cassandra!"

Habol ang aking hininga ng umahon ako sa bathtub na puno ng gatas.

Pag dating niya kasi sa resthouse ay ginamot siya ng kanyang tiya at ng kanyang Mama. Minabuti ng mga ito na paliguan siya ng gatas upang gumaan ang kanyang pakiramdam ngunit hindi niya namalayang siya'y nakaidlip at dinalaw sa panaginip ng kanyang anak.

"Amore!" Yumakap sa kanya ang kanyang tiya at puno ng pag aalala ang tinig nito.

"Wag mo ng uulitin iyon! Muntik ka nang mapahamak!" Napahagulgol ako ng muling bumalik sa aking alaala ang kalagayan ng kanyang panganay.

"Yung anak ko! I saw her Lauren! Papatayin nila ang anak ko! Please I know  you can find her if you want to, ituro mo na siya sa akin dahil hindi ko magamit ang kakayahan ko sa paghahanap sa kanya." Nagwawala na ako sa bathtub di alintana ang aking hubad na katawan. Ang sama ng panaginip ko, yung anak ko.

"Huminahon ka Amore, I am the eye of Encantadia alam ko ang kagustuhan ng Diyosa o Hindi!" Umiling ako dito, kung kagustuhan ng Diyosa na pahirapan ang aking anak, kung kinakailangan kong lumuhod at mag makaawa sa kanya ay aking gagawin.
Pilit ako nitong kinakalma hanggang maglabas na ito ng kapangyarihan, sinubukan kong patahimikin ang aking sarili at may pagmamakaawa na tumingin kay Lauren.

"Trust me, I am your Eye." Lauren

"Eye?" Anong ibig niyang sabihin.

Bumuntong hininga ito at umayos ng tayo.

"In every Empire they have an eye, the messenger of Gods and Goddesses. King Harum is the eye of Tvastri, King Devon Skyler is the eye of Astas Xenfrillia and me, Is the eye of Encantadia. Meron pa sa Imperyo ng mga bampira at iba pang Imperyo ngunit hindi ko sila kilala." -Lauren

Sandyang kakaiba talaga ang kapatid ng aking ina ngunit hindi ang pagiging mata nito ang aking tinutukoy.

"Ang anak ko-"

"Malapit na Cassandra, we will find her if you want ngunit sasayangin mo lang ang ating oras dahil mismong ang Diyosa na ang hahadlang, hindi mo ba napapansin? Maging ang iyong kapangyarihan ay may pumipigil, dahil hindi ito ang kanilang kagustuhan. Hindi na bata si Selvhirra- Cassandra"



"The cookies is ready My queen."

"I said po, handa na ang cookies."

"Mahal na Reyna HANDA NA PO ANG COOKIES!"

Napamaang ako kay Skyler at naguguluhan ko itong tinignan.
Kanina pa pala ito nagsasalita.

"You're spacing out po, kanina pa po kita tinatawag." Muli akong tumingin sa tanawing gubat, nasa veranda ako ng aking kwarto at kinakalma ang aking sarili matapos ang aking panaginip kay Selvhirra.

"You will see her soon My queen." Linagay nito ang cookies sa lamesita kasama ang gatas na hinanda nito.

"You are the Eye of Xenfrillia." Bahagya itong napatigil sa aking sinabi at kalaunan pagod na tumingin sa akin ang batang hari.

"I don't want to be an Eye that's why I sealed my ability but unfortunately being an Eye is not an abilility." Malungkot na tumingin sa akin si Skyler.

"Isang sumpa na masaksihan ang nakaraan at hinaharap ngunit wala kang kakayahang baguhin ito." Bahagya akong natulala sa sinabi ng batang hari at mas lalo siyang pinag masdan.

"You know what's painful, I can't use this gift to myself." Hindi ko lubusang maintindihan ang sinasabi nito ngunit halatang ayaw nitong pag usapan ang tungkol sa kanyang kakayahan.

"Kumain ka na po ng cookies mahal na reyna, masarap po iyan." Kumuha ako ng isa sa ginawa nito at sinawsaw sa gatas bago ko ito kainin.

"Crush po kita." Muntik na akong mabulunan sa biglang sinabi ng batang hari kaya mabilis akong uminom ng tubig, kalaunan ay napatawa ako dahil namumula na ang buong mukha ni Skyler.

"May nakakatawa po ba?" Oh god, what an innocent kid.

"Crush din kita." Pag sasakay ko dito at muli nanaman akong tumawa ngunit nag seryoso na ang mukha ng hari.

"May dumating pong imbitasyon mula sa kaharian ng Spade, nag balik na po kasi si Lady Anastasia at nag takda po sila ng paging mamayang gabi." Bakit naman ako iimbitahan ng Spade? I don't even know that Anastasia.



A/N

Mag paramdam naman po kayo mga readers.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon