CHAPTER 27 (a)

958 33 0
                                    

🌻symmetry_sunflower🌻

choose


Muli kong sinipat ang hourglass at kaunting oras na lamang. Tila sasabog na ako sa kaba, kapag hindi ko sila pinaslang ay mamatay ang aking anak at malalagay sa kapahamakan ang aming kaharian, dadanak lalo ang dugo at sisibol ang mas malaking kaguluhan at puputok ang digmaan.

Ngunit anong karapatan ko kumitil ng buhay? Anong karapatan kong maging makasarili? Anong karapatan ko na kunin ang buhay ng taong lobo na ipinagkaloob sa akin ng Diyosa ng buwan? Isa lamang akong Ina na gustong makasama ang kanyang anak.
Isa lamang akong reyna na gustong magkaroon ng kapayapaan ang aking nasasakupan.
At higit sa lahat isa lamang akong babae na nakatakda sa isang lobo, pero bakit ang lupit-lupit?

Ito na ba ang parusa ko sa pananakit sa lalakeng nakatakda sa akin? Kung ganoon sobra-sobra naman yata at bakit kailangan pa madamay ng aking anak at kailangan pa na dumanak ang dugo sa dalawang panig? Bakit kailangan ko na dungisan ang aking mga kamay na tanging kapalit ay pag kulong ko sa lalakeng kinamumuhian ko.

"Kill him Cassandra, prove me and to our whole empire your faithfulness and loyalty to me, kill your mate!" Hindi niya pinansin ang hari at lumapit ako kay Marcus.

Buong buhay ng anak ko ay nagdurusa siya, kinulong at inalisan ng kalayaan, araw-araw pinag babayaran naming mag ina ang kasalanan na hindi namin ginawa. Wala kaming kasalanan ngunit tila kami mga tulisan.

Minuto na lamang at mauubos na ang buhangin sa hourglass. Isang kawal ang nag alis ng talukbong ng babae at duon tuluyan na akong mas napahagulgol.
Duguan ito at ano mang oras ay maaari ng bawian na ng buhay.

"Farah!!!!!" Hiyaw ko at lumapit sa kanya.

"Hayop ka! Harum! Pakawalan mo ang kapatid ko! Pakawalan mo sila!"

"What a Coincidence My queen, hindi ko akalain na may kapatid kang taong lobo na isang tuso." Humalakhak ito at tumingin sa akin ng matalim. "Kill them for me or I kill your daughter to that dirty dog!" Puno ng singhapan ang paligid.

"May anak ang Reyna?!"

"Hindi maari!"

"Who's that man?!"

"Where's the princess?!"

"What the hell is happening?!"

"This is insane, she can't kill those werewolves!"

"Hayop ka! Demonyo ka!"

"We need to help our Queen!"

"But the King will kill our princess!"

"Naglihim ang palasyo at ang Reyna!"

"I had a wonderful night with your sister Cassandra..I had my best fuck to her! She's good and amazing in bed." Kumuyom ang aking kamao at humigpit ang hawak ko sa aking espadan, nawawalan na ako ng pag-asa, maraming nakatutok sa amin na mga palaso, nagkalat na din ang mga kawal ng hari at mga mangkukulam.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko demonyo ka?!" Iniipon ko ang enerhiya sa aking mga palad at ramdam ko na ang pag hangin ng malakas.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon