CHAPTER 54.2

831 22 0
                                    

Magaan ang loob ko na linisan ang kaharian ng Spade, kahit papaano ay gumaan ang aking loob dahil sa masinsinan naming pag-uusap.

Balak ko sanang pumunta sa Trigus ngunit naalala ko ang bilin ni Lauren na may mahalaga kaming pag-uusapan.

"Cassandra Anak, hinihintay ka ni Lady Lauren sa Veranda ng iyong kwarto." Ngumiti ako sa aking mama at pinasalubungan ito ng yakap.

"Kumain ka na ba anak?" Napatango ako at yinakap siya ng mahigpit.

"Mama..." pag lalambing ko dito.

"Hmm..." napangiti siya sa tugon nito kaya mas lalo siyang ginanahan sa sasabihin at hihilingin dito.

"Gusto ko po ng sinigang na adobo." Nakangiti niyang saad ngunit mabilis napawi ang kanyang sigla ng hindi maipinta ang mukha ng kanyang ina.

"Mama..."

"Cassandra Anak, sinigang na adobo? Pinag loloko mo ba ako anak." Napanguso siya at umiwas ng tingin dito, gusto niyang umiyak, kung nandito lamang si Marcus-

"I have been waiting for you Amore! We need to talk." Umupo siya sa mahabang sofa, kahit kailan talaga panira ang kanyang tiya.

Nakitang nag uusap pa sila ng kanyang Mama.

"Kailangan mo ng bumalik sa Encantadia sa lalong madaling panahon, kailangan nila ng Reyna, marami na ang mga kumikwestyun sa iyo. Nawala man si Harum ngunit alam natin na marami pang nilalang ang nag nanais sa iyong korona." -Lauren

"You can be a Queen Lauren." Sumama ang tingin nito dahil sa aking sinabi.

Mariin itong pumikit bago bumaling sa kanya. "Hindi ako makakabuo ng aking tagapagmana kung sakaling ako ang magiging Reyna ngunit sa aking pangitain hindi ang anak mong si Selvhirra ang mag mamana ng iyong trono." Anong ibig nitong sabihin?

"Bibigyan pa kita ng oras ngunit kailangan mo ng bumalik, dito mo itutuloy ang iyong pagbubuntis ngunit sa oras na ikaw ay mag silang babalik ka sa Imperyong iyong pinamumunuan."

"Paano si Selvhirra?" Mariin kong tanong, napatayo na ako sa sofa at hindi siya makapaniwalang tinignan.

"Ito ang kagustuhan ng Diyosa ng buwan Cassandra, nasa pangangalaga ng mga nakatataas ang iyong anak. Aalis na kami upang bumalik sa Encantadia kasama si Greta, gagawa kami ng paraan upang hanapin ang iyong kapatid. Sa Kaharian ng Trigus ka muna tutuloy, kailangan ng mga anak mo ang kanilang Ama. Kung ano man ang hidwaan niyo ng hari ay tapusin mo na." Kinalma ko ang aking sarili at piniling humiga sa sofa.

"Mama, yung pinapaluto ko po please..."

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon