CHAPTER 21

1.3K 35 0
                                    

🌻symmetry_sunflower🌻

Encantadia

Ilang taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa aking ala-ala ang mga pinag-daanan ng aking anak sa kamay ng mapanganib na halimaw. Binuhay man nito ang aking anak ngunit paghihirap naman ang hatid at kabayaran nang alay na marka nito.

Napupuot ang aking puso at patuloy na nag uumapaw ang aking galit! Kasalanan nila ang lahat! Inalisan nila ako ng karapatang maging Ina! Inalisan nila ako ng karapatang makapiling ang aking musmos na prinsesa! Inalisan nila ako ng pangarap na araw araw pumapatay at dumudurog sa akin.

Wala sa sarili kong nabato ang aking kupita at nagkalat sa sahig ang mala kulay dugo na alak.
Muli akong napasapo sa aking dibdib at pilit kinalma ang aking sarili.

Kasalanan ng demonyong iyon kumbakit nagdurusa ang kanyang unica hija, hanggang ngayon ay hindi ako makahanap ng lunas sa pinataw na sumpa nito.

Kinumpas niya ang kamay at sa isang iglap ay nasa harap na siya ng tore kung saan pinili ng kanyang Mama Greta na itago si Selvhirra dahil sa karamdaman nito.

Bumuhos ang kanyang luha ng makita niya itong nakatanaw sa bintana habang may lungkot na sumasalamin sa mga mata ng kanyang anghel. Tulala ang inosente nitong mukha sa asul na kalangitan hanggang nasaksihan niya ang pag punas nito ng luha.

Tila walang tigil ang kanyang pagtangis dahil sa sitwasyon nang kanyang mahal na anak, pakiramdam niya ay siya na ang pinaka walang kwentang Ina sa buong mundo.

Patawarin mo ang mommy sweetheart kaunting panahon na lamang ay mabubuo na tayo...
Muli niya itong tinanaw at napangiti siya ng makita itong nagbabasa ng libro habang nakadungaw sa bintana.

Muli ay umusal siya ng orasyon para madagdagan ang proteksyon ng tore at maitago ito sa kahit sino man maliban sa kanyang Mama Greta.

Pinikit ko ang aking mga mata at hindi ko maiwasang balikan ang mapait at masalimuot kong kahapon.

Ang palahaw ng aking sanggol ang huli kong narinig bago ako panawan ng ulirat, ngunit makaraan ang ilang oras ay nagising akong muli at laking pasasalamat ko na wala na ang halimaw. 

Nanlalabo man ang aking paningin ay pinilit kong tumayo habang hindi maalis ang tingin sa aking anak, gumagalaw ito habang hilam ang mga luha sa musmos nitong mukha. Pagkahabag ang kanyang nadaram at agad niyang natutop ang bibig ng makita niya ang marka nitong itim na umukit mula sa dibdib nito hanggang leeg na umabot sa maliit at malambot nitong balikat.

"Baby..." dahandahan siyang lumapit sa kanyang anghel ngunit ng akma niya itong hahawakan ng tila may harang na pumapagitan sa kanila na labis niyang kinapalahaw, Anong nangyayari bakit hindi niya mahawakan ang kanyang anak? Muli niya itong pinilit abutin ngunit ayaw talaga hanggang mapa daudos siya pababa at wala siyang magawa
Nag simulng umiyak ang kanyang anak, gusto niya itong aluin at yakapin dahil sa hubad nitong katawan na marahil ay nakakaramdam na ito ng lamig ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya mahawakan ang anak.

Hinanap niya ang katawan ni Farrah at nang makita niya ito ay mabilis siyang gumapang papunta sa kapatid, patuloy ang pag bagsak ng kanyang luha at nanlulumo itong nilapitan.
Sunog ang leeg nito at duguan ang ulo isama pa ang labas nitong buto sa ibang katawan.

Hindi na niya alam ang dapat gawin, gusto niyang sumigaw ngunit wala nang lumalabas na boses sa kanyang labi...Gulong gulo na ang kanyang pag iisip hindi na niya alam ang dapat unahin para na siyang masisiraan ng bait.

"Luna!"

"Farrah! Farrah! "

"Cassandra!" 

Sunod sunod ang mga tinig na kanyang naririnig hanggang pumasok ang mga tauhan ng Trigus maging ang kanyang Ina na halos magimbal sa sitwasyon ni Farrah at mabilis itong pumalahaw ng iyak.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon