EPILOGUENakangiti akong nakatunghay sa salamin habang hinahaplos ang aking tiyan. Tonight is dady and mommy's wedding day our babies, sana nga lang nandito ang inyong ate Selvhirra.
"Cassandra, napakabilis ng panahon anak, tila kailan lamang ng ika'y akin pang buhat sa aking mga bisig." Napangiti ako kay mama at yinakap siya ng mahigpit.
Kahit hindi ako nag mula sa kanya ay tinurin niya akong tunay na anak. Isang pag mamahal at pag karunga na minsan lamang masusumpong."Mama..." namamasa ang aking mga mata dahil sa halo-halong emosyon na lumulukob sa akin.
"Darating na ang iyong kasuotan, at sa pag sapit ng kabilugan ng buwan ay mag sisimula na ang inyong pag iisang dibdib ng hari ng Trigus." Muli akong umupo at inayos nito ang aking buhok.
Maging sila Anastasia, Andrea at Lauren ay nasa sa aming silid upang tulungan akong mag ayos.
Masasabi kong bihasa si Tasia at Lauren sa pag-aayos marahil ay natural na sa isang royal ito, dahil kailangang presentatibo at maayos palagi ang iyong anyo bilang isang kagalang galalang na nilalang, ngunit nakakalungkot isipin na wala ang aking kapatid sa araw ng aking kasal.
Ate will always love you Farrah.
"I can't believe this! Ikakasal na si kuya..." napaikot ang mata nito habang inaayos nito ang kanyang damit. "Parang kailan lang, nakaka miss noong mga bata pa kami." Napangiti ako, isang malaking karangalan sa akin na masaksihan ang kanilang nakaraan. Kahit papaano ay nakasilip ako sa nagdaang pahina ng buhay ni Marcus.
"Cassandra C'mon this is the most beautiful gown I've ever seen!" Sigaw ni Tiya Lauren, Unti-unti nilang binuksan ang kurtina sa kwartong ng aking kinalalagyan dito sa Encantadia. Napa awang ang aking labi at sa isip ko suot ko na ang magandang kasuotan habang papalapit sa aking hari.
Marahan nila akong pinagtulungan na bihisan upang ihanda para sa pag iisang dibdib namin ng aking hari.
Noong una ay nag alinlangan akong manatili sa Encatadia sa pag hahanda ng aking kasal ngunit nagawan daw ito ng paraan ng batang hari ng Alcadia.
"You look stunning My queen, mukhang magigiba nanaman po ang ibang parte ng palasyo sa oras na matapos ang inyong pag-iisang dibdib." Napatawa silang apat habang ako ay sobrang namumula, isang buwan na nga lang ay mag sisilang na ako ng tatlong sanggol tapos yan pa rin ang iniisip nila.
Napag alaman kong isang Alpha female si Andrea ngunit pinili nitong maging Warrior general sa Isang devision katulad ni Farrah.
"Handa na ang mga Encatado at Encantada upang saksihan ang iyong pakikipag isang dibdib sa hari ng Trigus." Napayakap ako kay Lauren habang suot ang aking pinaghalong kulay puti at pilak na kasuotan na siyang humahakab sa aking katawan at mas lalong nag lilitaw ng aking ganda. Huli nilang sunuot ang aking belo.
*****
"Damn! Isasakal ka na Mateo-" sabay sabay kaming napatawa ng umiyak si Vroco at yumakap sa amin.
"Sino ang susunod?! Baka naman ikaw ang susunod Bata! Abah ang swerte mo naman! Parang kailan lang pinapalitan ko pa ang pampers mo Eye!" Mas lalo kaming natawa kahit nag mumukha na kaming may sira sa utak, kanina pa kami nakabihis at pinili naming mag kwentuhan habang hinihintay ang takdang oras. Ngumuso si Skyler at mabilis itong sumapan kay Vroco na tumatawa.
"At ikaw Trevor! Balita ko may tinatago kang babae! Hoy baka ikaw ang susunod!" Biglang piningot ni Vroco si Trevor na kinaigik ng isa at natatawa na din.
"I wish I could marry my mate too, sana dumating na siya bago pa ako matali sa iba!" Napailing ako at ginulo ang buhok ni Cresscent.
Mukhang may problema ang aming buwan.
BINABASA MO ANG
Owned by the Alpha of Trigus
Manusia SerigalaPrevious title: Raped by the Alpha of Trigus "It was you who own me from the very beginning Alpha. Isang pangyayari ang bumago sa buhay ni Cassandra, matapos siyang sapilitang nakipagtalik sa isang estranghero na may kakaibang anyo kapalit ng kali...