CHAPTER 12

1.2K 27 0
                                    

🌻symmetry_sunflower🌻

🌻accident🌻

Tuluyan na nga akong na hatid ni Marcus sa resthouse at ngayon inaabala ko ang aking sarili sa pag hahanda ng aking gamit para sa aking pag-uwi.

Muli ay napahawak ako sa aking puso, ibayong kaba ang aking nadarama at hindi ko lubos maintindihan kumbakit.

"Baby..." napalingon ako kay Marcus at matamis ko itong nginitian.

"Akala ko ba ay aalis ka?" Pagtatanong ko dito. Gusto ko sanang siya ang maghatid sa akin ngunit batid ko na marami itong pag kakaabalahan.

Nakaramdam ako ng awa ng dumapo ang pagod nitong mga mata sakin hanggang sa naramdaman ko ang pagyapos ng kanyang braso.

"I want to-" pinutol ko ito sa kanyang sasabihin at hinarap siya. "You want but you can't Marcus." Tumingkayad ako upang maabot ang kanyang pisngi at hinaplos ito gaya ng madalas kong ginagawa.

"Vroco and Snow is waiting for you outside, hindi mo man sabihin pero nararamdaman ko nanaman...at alam kong wala akong magagawa, maybe this is not really the right time." naramdaman kong muli ang pagsakop ng kanyang labi sa akin hanggang sunod-sunod na pagkatok sa aking quarto ang aming narinig.

"Pasensiya na, ngunit batid kong naiinip na ang naghihintay sa'yo Marcus at ikaw Hija nakahanda ng iyong sasakyan." Sabay kaming tumango at bumaba habang bitbit ni Marcus ang gamit ko.

Pinilit kong umakto ng normal ng makakababa na kami.

"Paano ba iyan aalis na kayo, at ikaw hija hindi ka manlang namin nakasama ng matagal...naku hindi talaga kayo mapag hiwalay pag nagkasama na kayo." Tipid akong ngumiti kay Manang Rosa. "Mag iingat kayo...ano na hindi ka ba mag papa alam sa tito mo Cassandra? Naku ang gwapo parin hindi manlang nag bago ang mukha mo Marcus." Namula ako sa sinabi ni Manang at hndi nakaligtas ang tingin ni Marcus at Vroco na nakangisi sa akin ng nakakaloko.

"M-ag i-iingat po k-kayo tito." Naiilang at nauutal kong sabi na kinahalakhak ng nakakainis na pag mumukha ng Vroco.

"Could you please stop acting like an idiot!" Gigil na saway ni Snow kay Vroco na mabilis nitong kinatahimik. "Kailangan na nating magmadali! Ano na?!" Maging ang mga katulong ay napatahimik maging si Nanay Rosa dahil sa inasal ng babae na walang paalam na lumabas.

Isang mahigpit na yakap at magagaan na halik sa aking noo mula kay Marcus ang aking naramdaman bago nito sambitin ang mga salitang panghahawakan ko."I love you..."

Ilang oras na kaming nasa byahe at patuloy pa din ang paninikip ng aking puso at damang dama ko pa rin ang kaba na kanina pa lumulukob sa aking sistema.

Mag didilim na at mga ilang oras pa bago kami makarating sa mansion pinikit ko na lamang ang aking mga mata. Komportable ako na walang mangyayaring masama dahil may nakasunod sa amin na body guards na pinasadya ng aking Ama. Napahawak ako sa aking kwintas, sandaling panahon pa lamang kaming mag kahiwalay ngunit nangungulila na ako sa kanya.

Mabilis akong napadilat ng may sunod-sunod ng putok ng baril ang aking narinig at ramdam ko ang pagbilis ng sasakyan na lulan ako at maging ang walang tigil na pag mumura ni Mang Nestor.

"Back up! Na aambush kami!" Nangangatal ang aking labi dahil sa sa takot..." Back up! Nanganganib ang siñorita!" Nag papanick na ako dahil sa mga nangyayari maging si manong ay kita ko ang panginginig ng mga kamay nito.

"Manong?!" May kaba sa aking tinig hanggang napahiyaw ako ng sabay sumabog ang dalawang kotse na kinalalagyang ng aming mga tauhan...

"Manong give me your extra gun!" Mabilis kong utos dito at nanalangin na sana wala mangyaring masama sa amin.
Sunod-sunod na ang aking pagluha dahil sa mga kaganapan.

"Ma'am dumapa po kayo!" Agad ko itong sinunod hanggang naramdaman ko ang tila pag iiba ng galaw kotse

"Ma'am!" Muling sigaw ni Manong hanggang tila wala na kaming preno at anu mang sandali ay sasalpok na kami sa malalaking bato!

"Manong!" Sigaw ko dito at halos magimbal ako ng makitang duguan ito at wala ng buhay.

Mga putok ng mga baril ang nangingibabaw sa aking pandinig, napasapo ako sa aking dibdib ng tila may mainit na bagay na tumama dito hanggang ang pag salpok na lamang ng sasakyan ang aking huling nakita at ang ibayong sakit na aking na lumukob sa aking sistema.

Napadaing ako hanggang sa huling sandali ang mukha pa rin ni Marcus ang namuntawi sa aking isipan.

Marcus...

"Alpha Marcus! Nakikiusap ako sayo!" Lumuluha si Greta sa aking harapan habang pinipigilan ako nitong pumasok sa quarto ni Cassandra na mas lalo kong kinagalit. "Baka dumating na si Alfredo, ayaw ka niyang lumapit kay Cassandra! Alam na niya ang totoo!" 

"But I want to see my mate! Damn it! I want to see her!" Nag pupumuyos na ako sa galit at kaunti na lamang baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko ang ina ng aking kabiyak.

"You will never see my daughter anymore Marcus! She can't remember you! Kailangan muling maoperahan ng aking anak sa ibang bansa at ayokong may Aso na nakabuntot sa amin!
Ikaw ang sinisisi ko kumbakit napahamak ang anak ko! Matagal na kaming nag bubulag'bulagan pero ngayon, nag sasalita ako hindi bilang tao na mababa lang ang uri para sa inyo! Nag sasalita ako bilang ama!Naiintindihan mo! Stay away from my daughter! Masyado pang bata ang anak ko. Sa oras na gumaling ang aking anak at nasa tamang gulang na siya! Ako mismo ang mag hahatid sa kanya papunta sayo, wag ngayon Lobo." Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumuhod ako sa tao maliban sa aking mate, tuluyang umalpas ang aking luha.
At umiiyak na nag mamakaawa sa mga magulang ng aking kabiyak.

"Alpha Marcus..." Hindi ko pinansin ang aking Beta.

"Please...I want to see her, Bago niyo siya tuluyang ilayo at kunin sa akin..." patuloy na nakayuko ang aking ulo. Goddess of the Moon, nakikiusap ako.

"Alfredo, makakatulong si Marcus upang mapabilis ang recovery ng anak natin."

Kung sana ay may nagawa lamang ako, kung sana nasa tabi ako ng aking kabiyak, baka napigilan ko ang nakatakdang mangyari dito...

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon