Habang nasa park ako ay may kumalabit sa likod ko. Nagulat naman ako at paglingon ko, nakita ko si Jeff na nakangiti sa akin habang may dalang sorbetes na nasa apa at isang rosas. Walang kupas, ang gwapo pa din. Moreno, matangkad, malinis tignan, at may magandang katawan. Sobrang swerte ko talaga sa lalaking to.
"mahal bukas na peryahan mamaya, perya tayo?" anyaya ni Jeff
Agad naman akong sumang ayon kasi siya naman ang kasama ko, kahit ano kahit saan basta siya ang kasama ko okay lang, masaya at kumportable ako.
Bago mag perya ay kumain muna kami ni Jeff sa isang karinderya dito sa San Antonio. Tuloy tuloy ang aming kwentuhan at kulitan habang kumakain.
Pagkatapos kumain ay dumerecho na kami sa peryahan. Sumubok kami ng ibat ibang laro sa perya. Sumakay din kami ng iba't ibang rides. Ang sarap pahintuin ng oras. Ang saya ko habang kasama siya. Binilihan niya din ako ng cotton candy at siomai. Tapos naglaro uli kami sa color game. Bago umuwi ay napagpasyahan muna naming tumambay sa park. Pahinga lang sandali habang nag kkwentuhan.
Ihahatid na niya sana ko pauwi ng biglang nag alarm ang phone ko.
Shit. Napanaginipan ko na naman si Jeff, siya ang first and greatest love ko. Nagising akong masaya dahil naalala ko na naman ang mga oras na magkasama kami, pero malungkot din dahil alam kong hindi na mababalik ang oras na iyon. Hindi ko na nga alam kung nasaan siya.
Hindi ko siya mahanap sa social media, sinubukan kong hanapin ang account niya pero wala.
Kababata ko si Jeff, kababata namin siya ni Karen. Marami kaming magkakaibigan, ako si karen, si jeff, si troy, si gemma, si ella at si jacob.
Magkakapitbahay kami at mag kakasing edad. Mag kakaklase rin kami. Sobrang tibay ng pagkakaibigan namin, hanggang sa pagdating namin ng second year highschool ay niligawan ako ni Jeff. Third year highschool na kami noong sinagot ko siya.
Halos perpekto yung relasyon namin. Kung ano yung pinakita niya sa akin mula simula, ayon pa rin ang araw araw niyang pinaparamdam sa akin.
Kung paano siya mag-effort nung simula, walang palya walang pagbabago. Minahal niya ako nung mga araw na hindi ko mahal ang sarili ko. Nagtitiwala siya sa akin sa tuwing nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Pinapasaya niya ako sa tuwing nawawalan ako ng dahilan para sumaya. Dahil sa kanya natuto ang mangarap, dahil sa kanya natuto ako mag mahal.
Kung pumayag lang siyang sumama sa daddy niya edi sana nandito rin siya sa Las Villas. Mayaman ang daddy ni jeff, makapang yarihan din tulad ni tito Justin. Kaya nga taga Las Villas ang daddy niya.
Kaso nakabuntis ang daddy niya ng taga labas, iyon ang mama ni Jeff. Hindi pumayag ang pamilya ng daddy niya na dalhin dito sa Las Villas ang mama ni Jeff, bawal daw ang mahirap dito. Wala daw silang maiaambag sa pagpapayaman, pagpapasarap lang daw ang aatupagin nila.
Nung nasa legal na edad na si Jeff, pinipilit siyang kunin ng daddy niya pero ayaw niya. Hindi niya daw iiwan ang mama at mga kapatid niya. Kuntento na raw siya sa payak na pamumuhay sa ibaba, kaysa makisama sa mga matapobre ng Las Villas.
Ayaw sa akin ng daddy ni Jeff noon. Hindi siya sumusuko sa pagkuha kay Jeff. Ayaw niya sa akin dahil palagi niyang sinasabi na mahirap lang ako, hindi raw ako bagay kay Jeff dahil dadating daw ang araw na magiging taga Las Villas si Jeff. Kumakapit lang daw ako kay Jeff dahil alam kong mayaman ang daddy niya. Paulit ulit naman sinasabi ni Jeff sa akin na wag ko ng alalahanin ang sinasabi ng daddy niya, dahil kahit kailan daw ay hindi siya sasama dito. Hindi niya iiwan ang mama niya na nag taguyod, nag alaga, nag paaral at nag mahal sa kanya kahit na mahirap lang sila. Hindi raw matatapatan ng pera ang pagmamahal niya sa mama at mga kapatid niya.
Sa panaginip na lang kami nagkikita at nagkakasama. Sa panaginip na lang ako sumasaya. Sana nga hindi na lang ako magising, sana managinip na lang ako tapos gisingin nila ako kapag nasa labas na ko dito sa Las Villas.
Ano ba naman Jeff. Ginugulo mo na naman ang isip ko. Siguro sa isang linggo ay tatlo o apat na beses ko siya kung mapanaginipan.
Isa siya sa dahilan kung bakit gusto kong makalabas sa Las Villas. Gusto ko siya hanapin, gusto ko siya makita gusto kong ayusin yung natapos naming relasyon. Natapos na walang dahilan. Natapos ng biglaan.
Wala akong ibang mamahalin, siya lang. Ayoko ng mga lalaki dito. Masyadong matapobre at walang galang. Kung tratuhin ka nila ay parang binabayaran ka. Ayoko ng ganong klase ng pagmamahal. Kahit di na ko mayaman basta masaya at malaya kong nagagawa ang mga gusto ko. Hindi tulad dito na para kang robot na kailangan pag nenegosyo ang atupagin at pagpapalago ng kompanya.
~~~~~~~~
Nakaisip ako ng paraan para makalabas dito sa Las Villas. Nandito ngayon sa bahay nila lola Melda, ang nanay ni tito Justin. Nang galing din siya noon sa baba kaya alam kong maiintindihan niya ako.Kumakain kami ngayon ng inihanda niyang tanghalian para sa amin. Napakabuti niyang lola. Maalaga at maasikaso. Hindi man kami magkadugo, pero laking pasasalamat ko kasi dahil sa kanya, naranasan ko ang pag mamahal ng isang lola. Hindi ko na kasi naabutan ang mga totoo kong lolo at lola.
Walang kapantay ang pagmamahal ng isang lola. Kahit gaano pa tayo tumanda ay hindi nagbabago ang pagtrato nila sa atin. Napaka espesyal na pakikitungo, aalagaan at pprotektahan nila tayo na para bang isang napakahalagang dyamante. Na bawal saktan ng kahit sino. Hindi nila tayo hahayaan umiyak, magutom, malungkot, at kahit nga yata madapuan tayo ng lamok ay hindi sila papayag. Ganon sila mag mahal.
"Lola, may hihilingin po sana ako sa inyo" sabi ko kay lola habang kumakain kami
"ano yun apo? tungkol saan?" sagot naman ni lola
"uhm, gusto ko po sana makalabas dito sa Las Villas, gusto ko po sanang bisitahin yung mga kaibigan ko, mula po kasi nung napatira kami dito ay hindi ko na sila nakasama"
Pagkasabi ko nyan ay agad naman niya akong pinagmadaling kumain dahil bababa daw kami. Pinagbigyan ni lola ang hiling ko. Lubos na kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Sabik na sabik akong makasama uli sila karen at iba pa naming kaibigan. Natutuwa ako dahil makikita ko na uli ang buhay sa labas.
Tinawag ni lola si manong JV para ipag drive kami. Hindi naman kami hinarang sa gate dahil kasama namin si lola. Ang nasa isip siguro ng guard ay negosyo ang pakay namin sa paglabas.
Inihinto muna ni manong JV ang sasakyan sa harap ng opisina nila lolo para ibaba si lola. Doon daw muna si lola habang kasama ko ang mga kaibigan ko. Ipinahatid naman niya ko sa destinasyon ko.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Fiction généraleI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...